Chapter 18 : AN AFTERNOON WITH 'DEATH GOD'
Gill's PoV
.
****FLASHBACK****
.
.
Ilang araw na ang lumipas nang naghiwalay kami ng landas ni Kamatayan. Wala sakin si Ashie, yung rabbit na ileletchon sana ni Kamatayan, dahil naiwan ko sa kaniya! Jusme!Baka durog na yun sa tiyan ni Kamatayan ngayon!Lord, wag naman sana. Kawawa naman yung kuneho.
Nakita ko pa si King kahapon pero hindi ko nilapitan. Kilala ko na kasi ang ugali ng hari na yon. Baka hindi na niya alagaan ang sarili niya at ako nalang yung iintindihin niya. Matalino at maparaan ang best friend kong yon pero minsan din may pagka-selfless! Kaya mas mabuting hayaan ko nalang siyang mag-isa. Ayoko ding pabigat sa kaniya no!
Bukod naman kay King, nakasalubong ko si East. Bored na bored daw siya sa laro dahil maaga daw niyang nakuha yung ID ng target niya. Sinamahan ko siya ng mga ilang oras pero humiwalay din ako sa kaniya kasi pareho kaming malas!
Panong malas?
Una, lahat na sa tingin namin ay pwedeng kainin ay hindi pala talaga pwede! Poisoned sila! Buti nalang talaga at si East ang pinauna kong kumain nung mushroom kaya siya lang ang sumuka ng sumuka.
Dalawa, habang naglalakad kami, may nakita kaming toro! Hindi sana kami makikita non, kaso bigla ba namang may nahulog na ahas sa puno! Kaya ayun, napasigaw ako at dahil siguro nabigla yung toro, hinabol kami.
Bakit naman kasi ang daming ahas sa gubat na 'to?! At nasa puno pa talaga nanggaling ha!
Bukod sa wala pa kaming nakain, muntik pa kaming mamatay sa toro. Hindi namin alam kung sino ang malas saming dalawa kaya naman, naghiwalay na kami ng landas baka magsisihan lang kami don.
Pero baka ako talaga yung malas. Bukod sa ilang araw na akong walang kain, binabaril pa ako ng isang sniper!
Hindi ko alam kung anong mali ang ginawa ko sa taong ito at sinusubukan akong patayin ngayon!
Naalala ko, naiwan ko pala yung sniper na baril don sa babaeng nakalaban ko nung inatake kami ni Kamatayan ni Finral. Baka siya 'to at naghihiganti sakin ngayon.
Edi sana pala binaril ko na siya noon!
"Fvck!" Mura ko nang muntik na akong tamaan. Hindi naman sa winiwish ko na matamaan ako ah pero hindi niya ako natatamaan.
Dalawa lang yung dahilan. Baka hindi lang talaga siya marunong gumamit ng sniper dahil hindi din naman niya kami natamaan noon o baka hindi lang talaga siya makatama dahil sa mga puno na nakaharang sakin. Tumatakbo pa ako sa iba't-ibang direksyon.
Pero kahit ano pang dahilan niya, nakatadhana na ata sakin na maging malas sa araw na 'to.
May nahulog na namang ahas sa may unahan ko kaya napatigil ako sa pagtakbo at napaatras. I was stunned for seconds dahil takot talaga ako sa ahas kaya naman nagka-oras yung sniper at natamaan ako sa balikat.
Ramdam na ramdam ko yung pagkatama ng bala sa braso ko at ramdam na ramdam ko rin ang hapdi at sakit ng pagkabaon nito sa kalamnan ko. Bumagsak ako sa lupa.
I want to scream out of pain lalo na nung aksidente kong naigalaw yung braso ko. Tiniis ko ang sakit at hindi na sumigaw dahil baka matakot ko yung ahas na nasa unahan ko pa at tuklawin pa ako.
My little trauma about the snakes slowly fades when the snake just ignored me and crawls away.
Good grief!
Tumayo ako habang tinatabunan ko ng hinubad kong vest yung sugat ko para hindi ako magsayang ng dugo. Agad akong umalis sa lugar na iyon nang may narinig akong mga yapak papalapit sa kinakaroroonan ko.
BINABASA MO ANG
Demon University: Satan's School
Teen FictionAng istoryang ito ay tungkol sa isang eskwelahan na walang ordinaryong patakaran na kailangang sundin ng mga estudyante sa isang eskwelahan. Nababagay lang dito iyong mga estudyanteng pasaway katulad nalang ni Gill. Si Gillian Hesley Anderson ay na...