Chapter 4 : THE DEMON KING
Gill's PoV
Tahimik lang akong nakaupo sa sofa ng palasyo dito sa loob din ng Demon University. Trenta minutos na din akong naghihintay sa napakalaking hall sa loob. Kung hindi lang ako natatakot don sa VP baka kanina pa ako umalis dito.
Binantaan kasi ako nung kumag na Chester na yun na kung aalis ako, bibili na siya ng kabaong ko.
Ayoko namang mamatay! Pinangako ko kaya yun kay daddy na lalabas ako sa University na to ng buhay.
"Oh buti naman nandyan ka pa?" bungad na tanong ni Chester pagkabalik niya. Inikutan ko lang sya ng mga mata. Nginisihan niya lang ako tsaka umupo sa one seater couch at kinuha yung cellphone niya.
"Anong ginagawa mo?" naguguluhan kong tanong.
"Oh, nabulag ka na agad? Di pa nga tayo nagsisimula sa punishment mo eh. Kitang-kitang nakaupo ako oh." may halong sarkasmo na sabi niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya baka kung ano pa kasi ang masabi ko sa kanya. At mamatay ako ng maaga!
"Kailan magsisimula yung punishment ko?" maayos na tanong ko.
"Gusto mo ngayon na? Ang excited mo naman. Mamaya, may hinihintay lang tayo. Relax ka lang jan. Makakapaghintay naman yung half death punishment mo." sagot niya at tumingin sakin tsaka kinindatan ako. Nanlaki naman ang mga mata ko.
Half death punishment?! Jusko. Itotorture ata nila ako.
Nagsimula na ako magpanic. I mean, sino ba naman ang hindi?! Mapapalapit ka sa kamatayan! Actually, halos katabi ko naman na talaga si kamatayan.
Tumingin ako kay Chester na ngumingiti habang nakikipagtext.
Si kamatayan, guys! Inlove!
Naramdaman niya atang nakatingin ako sa kaniya kaya nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Inirapan ko lang siya at inilibot ang paningin ko sa buong hall na kasing laki ng buong mansyon namin. Puti ang pintura ng mga dingding. Marami namang ilaw na nakapalibot sa buong hall at halos lahat ng yun, nakabukas pa kahit nandyan pa naman yung araw.
Sa unang tingin, hindi mo aakalaing palasyo ito ng mga demonyo o mga yawa. Bukod kasi sa puting dingding ng hall, may mga painting din ng mga anghel na nakasabit.
Mag aalas singko na nung kinuha ko yung cellphone ko kasi di ko na makayanang yung pagkaboring ko dito. Maglalaro na lang sana ako ng kung ano anong games na meron ako nang makatanggap ako ng text messages galing sa childhood best friend ko.
Napabuntong hininga ako nang maalala yung pangtatraydor na ginawa ni Pag-asa.
From: Pag-asa ng bayan
[Good afternoon, Hesley!]From: Pag-asa ng bayan
[Kamusta yung unang araw mo sa bago mo nanamang school?]From: Pag-asa ng bayan
[Idadrop ka nanaman ba? Di na ako magugulat ☺️]Sumimangot muna ako bago ako nagreply.
To: Pag-asa ng bayan
[Pangit na nga yung araw ko, ang rude mo pang gaga ka.]From: Pag-asa ng bayan
[Oh 🥺 Kawawa naman ng aking Hesley. Don't worry, ililibre kita ng milk tea kapag magkikita tayo ulit.]To: Pag-asa ng bayan
[Ililibre mo talaga ako dahil NILAGLAG mo ko. Ang sabi mo, di mo sasabihin yun kay daddy eh. TRAYDOR. Huhuhu.]From: Pag-asa ng bayan
[Hala. Guilty ako dyan. Sorry, Gill. Babawi nalang talaga ako. Anong gusto mong pambawi ko?]
BINABASA MO ANG
Demon University: Satan's School
Novela JuvenilAng istoryang ito ay tungkol sa isang eskwelahan na walang ordinaryong patakaran na kailangang sundin ng mga estudyante sa isang eskwelahan. Nababagay lang dito iyong mga estudyanteng pasaway katulad nalang ni Gill. Si Gillian Hesley Anderson ay na...