Chapter 8 : NORMAL DEMON DAY
Gill's PoV
"Hoy, Gill." pabulong na tawag ni Hevs sakin.
Napakurap-kurap ako at nilingon siya.
"Ano?" I mouthed her that.
Nasa history class kami ngayon. Bored na bored ako pero hindi ko magawang magcutting kahit pwede naman.
Wanna know why?
Magaling kasi sa martial arts yung teacher namin sa history at ayaw niya sa mga estudyanteng pasaway. Kaya ko naman siyang patumbahin, pero tinatamad ako.
Gusto ko ding magbreak muna sa mga gulo. Nakakapagod eh.
"Anong iniisip mo? Ba't nakatulala ka?" bulong na tanong niya sakin.
Inilingan ko lang siya bumalik sa pag-iisip.
Actually, wala naman talaga akong particular na iniisip. Hinahayaan ko lang yung utak kong gumala kahit saan.
Bumuntong-hininga ako at napalingon kay kamatayan na walang-paking natutulog lang sa desk niya. Nakadukdok yung ulo niya kaya di ko makita yung mukha niya.
Napansin ko ding kanina pa kating-kating yung teacher namin na sitahin si Chester. But he can't just do that. Takot kay kamatayan eh.
Ano pa ba ang ineexpect mo sa isang kamatayan?
Napabuntong-hininga ulit ako nang maalala ang nangyari nung Sabado. Hindi ko pa din alam kung bakit binato niya kami ni Felix ng kutsilyo.
And oh, speaking of Felix. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na kapatid niya si King. Well, medyo hawig naman sila pero magkaiba sila ng aura eh. Nung umalis si Felix pagkatapos ng reveal moment, nakangiting nagpaalam na ring umalis si King na noo'y madilim ang mukha.
Ganun ata ang mga royalties no? Ang wi-weird. Bigla nalang mag gagrand reveal tas paiba-iba pa yung ugali.
Ay, kung tatanungin niyo pala kung anong nangyari kay Evan. Hindi natuloy yung execution niya kay kamatayan. Mukhang nakalimutan ata ni Chester yun kaya naman, naipagpapatuloy pa ni Evan yung pag aatempt niya na patayin ako.
Ang sabi niya, natutuwa siya sakin kaya ako yung napagtitripan niya sa mga kalokohan niya.
Ampota. - , -
"Class dismiss."
Bumalik ulit ako sa ulirat ko nang marinig yung magic word para maging masigla ulit yung mga estudyante.
Lunch time na kaya inaya ako ni hevs na magcafeteria. Kami-kami lang nina Mandy at Hevs ngayon dahil may ibang pinuntahan yung ibang high school Zullivans tas nasa mansiyon lang yung mga college dahil wala pa silang pasok.
Sana all next month pa yung start ng klase.
"May training ka pa ba mamaya, Gill?" tanong ni Hevs sakin habang kumakain ng spaghetti niya bilang lunch.
"Meron." sagot ko at napangisi.
Mwehehe! Masaya kasi yung training ko mamaya. Mag spa-sparring kami ni King tulad nung Monday at Tuesday.
Hindi natupad yung kagustuhan ni kamatayan na doblehin yung training ko. All thanks to the beloved king!! Walang nagawa si Chester.
"Noon, todo reklamo ka pa kapag paparating na yung oras ng training mo. Anyare nung mga nakaraang araw? Ba't parang excited ka pa?" nagtatakang tanong ni Mandy habang inuubos yung iced tea niya.
"Sa akin na yon. Basta lang, gusto ko yung training namin ngayon." ngiti-ngiting sagot ko naman.
Inubos ko yung inorder kong burger at juice pagkatapos, nag-aya na si Mandy na bumalik na sa classroom kasi magrereview pa daw siya sa test nila mamaya.
BINABASA MO ANG
Demon University: Satan's School
Novela JuvenilAng istoryang ito ay tungkol sa isang eskwelahan na walang ordinaryong patakaran na kailangang sundin ng mga estudyante sa isang eskwelahan. Nababagay lang dito iyong mga estudyanteng pasaway katulad nalang ni Gill. Si Gillian Hesley Anderson ay na...