Chapter 12 : THE FAKE DEMON CAMPUS
Gill's PoV
Geez!
Bakit ganito ang aura ng University?! Nawala lang ako saglit, naging super gloomy na.
Ang gulo pa!! Tsaka...
Ew. Ba't may tae sa daan?!
Ngiwi-ngiwi akong nag-iba ng direksiyon. Inaalala kung nasaan yung dorm house ko. You know, hindi ko pa rin alam yung daan eh. -.-
Sa pagkakaalala ko, malapit iyon sa---ayon!!! Hehehe.
Ngisi-ngisi akong naglakad papasok ng dorm ko. Nakita rin kita sa wakas! Umabot pa ako ng ilang oras sa paghahanap sayo ha. Gutom na ako!!
"Hevs! May pagkain pa ba?" bungad ko pagkapasok ko sa dorm. Geez, anyare sa pintuan namin? Parang anytime soon, masisira na 'to.
"Who the fvck are you?"
Napatigil ako sa paglalakad nang malingunan ang mga babae dito sa living room. Huh?!
"Sino kayo?!!" gulat na sigaw ko nang wala sa kanila ay pamilyar sakin.
Tangna. Ibang dorm ba ang napasukan ko?!
"No. Sino.... Ka." Lumapit sakin ang isang babae at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tinaasan niya ako ng kilay kaya tinaasan ko rin siya.
Mataray ka? Mas mataray ako. Lalo na ngayong gutom ako!
"Who are you bitch? Spy ka ba nung pangit sa kabilang dorm?!" galit na tanong niya.
What?! Spy?!
"Anong pinagsasabi mo?! Naliligaw lang ako! Hindi ba ito yung Zullivan Demon House?" nagtatakang tanong ko at inilibot ang tingin ko.
Kumunot ang noo ng babae. "Zullivan??" nagtataka rin niyang tanong.
Natigilan kaming dalawa nang may biglang tumawa sa mga babaeng nakaupo sa living room at mukhang walang pakialam sa mga nangyayari. Nilingon kami ng isa sa kanila na umiinom ng beer tas ang suot bra at panty lang.
Malaki ang boobs infairness.
"Hindi ka taga-rito, hindi ba?" nakangiting tanong niya sakin.
"Duh. Malamang! Kaya nga nag-aaway kami dito, diba?" umirap yung unang nakausap ko na babae. Tumawa na naman yung kinulang sa damit.
"Easy, bitch. Ang ibig kong sabihin," tinignan nanaman niya ako at tinayuan na. "Hindi ka nag-aaral sa campus namin diba?" ngumiti siya nang malapad nang hindi ko napigilan na magulat.
Huh?!!
Napaatras ako nang may mga babaeng nagsilabasan sa bawat sulok ng bahay at parang handa na makipag-away. Napatigil ako nang may humawak sakin mula sa likod at may nakatutok na kustilyo sa leeg ko. Namawis ako nang may baril na ring nakatutok sakin mula sa iba pang babae. They looked all fierce at mukhang mga hindi takot na pumatay.
"I don't get it. What you mean is hindi lang siya taga ibang dorm, kundi taga ibang campus?!" gulat na tanong ng babaeng una kong nakausap. Ibang campus?! Hindi ba 'to campus ng Demon University?!
Kumunot ang noo ko nang napailing-iling yung babaeng kinulang sa damit. "Tsk. Tsk. Tsk. I can't believe na slow ka pala." sabi niya kaya nagalit yung isa.
"Anong sabi mo?!" galit na sabi nung unang babae at mahigpit na hinawakan siya sa braso. Kita ko ang pagbaon ng mga kuko niya sa braso ng babaeng kinulang sa damit.
Ngumisi lang yung babae na parang hindi man lang nasaktan. "Slow na nga, bingi pa." pang-aasar pa niya kaya mas lalong nagalit yung isa dahilan upang mamula yung mukha. Napabuntong-hininga nalang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/188877307-288-k711919.jpg)
BINABASA MO ANG
Demon University: Satan's School
Ficção AdolescenteAng istoryang ito ay tungkol sa isang eskwelahan na walang ordinaryong patakaran na kailangang sundin ng mga estudyante sa isang eskwelahan. Nababagay lang dito iyong mga estudyanteng pasaway katulad nalang ni Gill. Si Gillian Hesley Anderson ay na...