____
"Abay itong lalaking ito ay naghahanap raw ng matutuluyan, kawawa naman kaya naisip kong nagpaparenta nga pala kayo kaya dito ko nalang siya dinala, isa pa hinahanap niya rin ang anak mong si Mira." saad ng lalaki
Umaliwalas ang mukha ng ginang ng makita siya
"Oh? Hinahanap mo ang anak ko? bakit?"
"A-ah.. ako po si Davies Agusta, yung boss niya." Aniya
Nanlaki ang parehong mga mata ng ina ni Mira at ng lalaking si Anton ng madinig iyon
"Boss? Hala! osige pasok ho kayo sir, Aba'y mayroon pa kaming bakanteng Kwarto, pero doon nalamang ho kayo matulog sa kwarto ng anak ko dahil may Aircon dun." Anito
"Naku wag na po, okay lang kahit saang kwarto ako matutulog, pansamantala lang naman eh gusto kolang talagang makausap si Miracle, di po kasi siya nagpaalam na siyang magresign kaya sinundan ko siya rito." Magalang niyang tugon
"Ganun ba? Aynaku maging kami man ay nagtaka kung bakit biglaang napauwi yun, di kaya'y pinapagalitan ninyo palagi sir?" Maang na tanong ng ina nito sakaniya
"Naku hindi po, Actually Hindi ko rin alam kung ano ang rason niya, Uhm-narito po ba siya?"
Umiling ang ginang, Naihatid nasiya nito sa kwartong kaniyang tutuluyan, hindi naman iyon gaanong malaki ngunit sakto narin iyon sakaniya, may kamang kasya lamang sa isang tao at Bentilador
"Wala rito ihjo, ayun at inaya siya ni Jam na lumabas, magsisimba raw silang dalawa. Si Jam ay dito rin tumutuloy, diyan sa kabilang kwarto lamang" anito
Tumango lamang si Davies ngunit sa loob-loob niya'y nagtataka siya kung sino ang nabanggit nitong nag-aya kay Mira..
He wanna see her, gigil naniyang inaasam na sana makausap na niya ito..
Nagpaalam na ang Ina ni Mira at ang lalaking kanina'y pinagtanungan niya kung kaya naiwan siyang mag-isa, bagsak ang balikat na tinungo ang kama niya.
Hindi iyon gaanong malambot gaya ng kama niya sa penthouse ngunit mainam narin iyon, kesa naman wala.
"Miracle.. " Naibulalas niya bago siya tuluyang nakatulog dulot ng labis na pagod galing sa byahe niya
____
Tapos na ang Misa at ngayon ay naglalakad na pauwi sina Mira at Jam
"Mira, duda ako na may nangyaring hindi maganda sa maynila kaya ka nagdisisiyong umuwi kaagad dito saatin." saad ng kaibigan niyang si Jam
Napasinghap siya sa kawalan, Kibit balikat habang patuloy parin silang dalawang naglalakad sa daan
"Alam mo, kaibigan talaga kita no? alam na alam mo eh." Aniya rito
Natawa ng bahagya si Jam sa sinabi niya, kung gayon tama nga siya sa isiping may problema ito
"Sabihin mo, Anong problema makikinig ako."
"Wag na.. "
"Dali na, Mas lalo kalang mahihirapan sige ka pagka di mo yan inilabas." Pang-aasar pa nito, living her no choice but to tell him what's been bothering in her mind
"Sige na nga!"
Hinila niya ang kaibigan at naupo sila sa isang bench
"Yung boss ko, si Davies Agusta.. Isa siyang kilalang Bilyonaryo at bukod pa dun kilala rin siya bilang Isang Sikat na Cassanova.. but then--"
"He likes you? or you like him? alin sa dalawa." Anito sa mapanuksong titig
"Sira! Ako magkakagusto dun? Nunca! Siya yung may gusto saakin, Hindi ko nga lang alam kung totoo nga ba yung sinasabi niyang nararamdaman niya para saakin, Ewan ko ba! Binago niya ang kaniyang itsyura ng dahil lamang saakin, tinigil niya narin ang pagiging babaero niya at lahat ng yun ay dahil lang din saakin.." Aniya na may lungkot sa kaniyang tinig, she's still guilty about Davies cutting his hair
"Oh? Nagbago naman pala para sa'yo eh, ano ngayon ang pinoproblema mo?"
"Jam naman, alam mo namang may trust issues na ako diba? paano ko magugustuhan ang isang kagaya niyang babaero? What if_what if oo binigyan ko siya ng chance pagkatapos nun malalaman ko nalang na niloloko lang naman pala niya ako? So ano na? masasaktan na naman ako ganun! ayoko na!" Aniya
"But what if he won't? Look, ikaw na nga rin mismo ang nagsabi hindi ba? Nagbago siya, binago niya ang sarili niya, tinalikuran niya ang dating siya para sayo, Dun palang sa tingin ko sincere naman na yung tao at--"
"Bes! Efforts can be faked! alam mong ganyan din ang Ex ko, akala ko totoo lahat ng pinapakita niya saakin yun pala hindi!" She said angrily, remembering the past
"Not all Efforts are being faked bes, Bakit ako? Totoo lahat ng effort ko kay Debie, Di naman kasi lahat pare-pareho, Isa pa. Bakit mo ba siya kinukumpara lagi sa past mo? E' yung taong yun Niloko ka, while yang sinasabi mong Davies Nagbabago para sayo, Babaero siya dati tinigil niya para sayo, See the differents? Magkaiba yung Manloloko sa Babaero bes, Try to think about it before judging him." Seryoso nitong tugon
Dahilan para matahimik ang dalaga, Parehong pareho ng sinabi ang kaibigan niya at si Davies..
Ngunit bakit parang ayaw niya parin itong paniwalaan..
Mas nangingibabaw parin yung takot niya, kesa subukang bigyan ng pagkakataon si Davies..
____
kinabukasan
"Ano ang almusal ma?" ani Mira habang kusot-kusot ang mga mata, kakagising lamang niya
"Nagluto ako ng Sinabawang mais yaong paborito mo at Itlog tyaka daing, osya maupo kana." Saad ng kaniyang ina
"Okay po, teka nasaan po sina papa?" Maang niyang tanong ng mapansing wala ang kaniyang ama at mga kapatid, maging si Jam ay wala rin
"Ah ayun lumabas na muna, kakausapin karaw muna kasi ng Amo mo kaya nagpatiuna na muna silang lumabas susunod narin ak--"
"T-teka! pakiulit nga po ng sinabi ninyo mama? Amo ko? S-sino?" maang niyang tanong
Sakto naman ang paglabas ni Davies mula sa kabilang Kwarto, Nakangiti itong napasulyap sakaniya
"Oh nariyan na pala siya, Ah sir kumain na ho kayo, aba'y pagpasyensahan niyo na itong almusal na inihanda ko, di ito pangmayaman" natatawang saad ng kaniyang ina
"Okay lang po, kayo po ba kumain na?" Ani Davies sa ginang
"Ay oo kanin pa, maaga talaga kaming nagigising upang mag almusal maliban dito kay Miracle, osya maiwan ko na kayo ha? Oh Mira, kakausapin karaw ng boss mo maging magalang ka ha?" saad ng kaniyang ina sakaniya
Napalunok nalamang ang dalaga sa titig na iyon ng kaniyang Ina.. Kung kaya naupo nalamang siya sa Bakanteng silya't bagsak ang balikat na tinapunan ng tingin ang Binata sa harap niya na ngayon ay nakaupo narin habang matamang nakatitig sakaniya
Inantay na muna niyang makalabas na nga ng tuluyan ang ina bago niya kinausap si Davies
"Anong ginagawa mo dito!" Ibig niya iyong sigawan ngunit mas pinili niyang wag nalang sa isiping baka madinig siya ng kaniyang pamilya
"You answer that question Mira, What are you doing here?" Balik sakaniya ni Davies
"Malamang bahay namin to kaya narito ako! eh ikaw?"
"Nagrerent ako ng room dito malamang!" sagot naman nito sakaniya
"But why? Hindi ba dapat nasa maynila ka ngayon!?" gigil niyang tanong rito
"Same to you, hindi ba't dapat nasa maynila karin ngayon?" [smirk]
Inis na napabuga si Miracle ng hangin sa kawalan, pakiwari niya'y walang kwenta ang kanilang usapan
"I've already Resign!"
"You do? Ako yung boss kaya ako ang masusunod, pinunit ko ang Resignation letter mo kaya empleyado parin kita." Seryoso nitong tugon
"What? Wala kang karapatang gawin yun saakin Davies! hindi mo ako pagmamay-ari!"
"I'm not yet quitting in wooing you Mira, susundan kita kahit saan kaman magpunta if that's what you want just so i can prove to you how serious i am!" Igting ang bagang saad ni Davies..
Sa labis na inis rito'y padabog na Tumayo si Mira at lumabas ng bahay nila, gayon naman ang pagsunod sakaniya ni Davies
BINABASA MO ANG
"He's Into Me" [AGUSTA Series #1]
Lãng mạnDavies was a famous Cassanova in Town, He fell for the first time to the Girl named Miracle, But She hates him. (≧▽≦) _____ DISCLAIMER] This is a work of fiction/Fanfiction Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are ei...