PROLOGUE [BOOK2]

308 19 3
                                    


____

Sa loob ng Isang taong pagsasama bilang mag-asawa ay hindi parin magkaanak si Davies at Mira, kung kaya halos araw-araw na sinisisi ng Lolo at Ina ni Davies si Mira, Parati. Sa tuwing dumadalo ito sa sarili nilang Bahay na mag-asawa sa tuwing wala si Davies

Parati naman silang dumadalaw sa doktor upang magpakunsulta at wala naman ni isa sakanila ang may problema kung kaya maging sila ay hindi maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin sila magkaanak

Dumaan sa depresyon si Mira at ng mga panahong yaon ay Nagiging busy naman si Davies sakaniyang trabaho, Ayaw ni Mira na sinasabi rito ang problema kung kaya napabayaan niya na ang kaniyang sarili

Bumagsak ang kaniyang katawan, Ngunit kahit na magkaganoon ay hindi parin nawawala ang pagmamahal sakaniya ni Davies

Bumabawi ito sakaniya sa tuwing wala itong trabaho o di kaya'y naglileave ito magkaroon lamang ng panahon sakaniya

They really want to have a child kung kaya palagi nila itong sinusubukan, Ngunit isang trahedya ang hindi inaasahang mangyari ni Miracle.. Isang trahedyang makakapagbago sa buhay nilang pareho sa kasalukuyan..

Naaksidente ang asawa, ang ulo nito ang siyang napinsala kung kaya nagkaroon ito ng Amnesia, Ang tanging naalala lamang ng Asawa ay ang kaniyang nakaraan, Mga nakaraang  pangyayari lamang sa buhay  niya at hindi ang kasalukuyan kung kaya hindi niya maalala si Miracle, maging ang Una nilang pagkikitang dalawa.. At naging daan iyon upang matagumpay na mapaghiwalay ng ina ni Davies ang dalawa

Ipinakilala ng Ina ni Davies ang isang babaeng modelo at ipinagpanggap iyong Girlfriend ng anak sa kasalukuyan, Walang maalala si Davies kung kaya naging sunod-sunuran lamang ito sa mga sinasabi ng Ina

Hindi nila pinapayagang makalapit si Mira sa sariling asawa, Mabuti nalang at naroon  ang mga kabarkada ni Davies at mga kaibigan ni Mira, maging si Elijah, ang kapatid ni Davies nasiyang naging taga sangga ni Mira, Nasa tabi niya sa tuwing inaalipusta siya ng Ina ni Davies.

Maliban pa roon ay may gusto rin ito kay Mira kung kaya kinuha nito ang dalaga sa kumpaniya niya upang maging kaniyang sekretarya.

Minsan ay Nagkasakit si Elijah kung kaya ang pumalit pansamantala sakaniya bilang CEO  ay si Davies, Doon Muling makikita ni Miracle ang asawa at makakausap ngunit bilang Boss na naman..

Makikilala kaya siya nito? Maaalala kaya siya ng Puso nito? gayong siya naman talaga ang totoong Mahal nito at hindi si Senith na ipinakilala lamang sakaniya ng Ina.

ABANGAN.....

 "He's Into Me" [AGUSTA Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon