CHAPTER 16

242 15 0
                                    

____

"Enjoy the night? Ready na pala lahat eh' so wala na talagang poproblemahin!" He said sarcastically

Saka muling tumayo at walang paalam na tinalikuran ang mga ito't pumasok sakaniyang sariling kwarto, Inis niyang isinara ang pinto

Di pinansin ang bawat pagtawag sakaniya ng kaniyang Abuelo, Ina at ni Michelle..

Kakauwi niya lamang galing sa probinsiya kaya pagod pasiya, bukod pa dun masyado pang sariwa ang Nakaraang pagtatalo nila ni Mira

Bumuntong hininga siya, Saka ibinaba ang maletang dala-dala niya, Naisipan niyang magshower na muna bago siya matulog upang kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam niya.

Sa banyo, habang naliligo.. Doon lamang inilabas ni Davies ang sakit na naidulot ng pag-ibig niya para kay Mira, Sumasabay sa lagaslas ng Tubig mula sa shower ang bawat pag patak ng kaniyang mga luha. Sa kauna-unahang pagkakataon, nabigo siya, At wala siyang ibang magawa kundi ang tanggapin nalamang iyon sapagkat ayaw naman na niyang ipagpilitan pa ang sarili niya sa taong kahit na ano ang gawin niya'y hindi naman siya magugustuhan..

______

After One Year

Sa paglipas ng isang taon, At tapos na ang kumpaniyang ipinapatayo ni Davies, Nagpaalam nasiya sakaniyang Abuelo nasiya ay lilipat na roon at dadalhin niya ang kaniyang Pinagkakatiwalaang Empleyado na si Dorothy

Kay Elijah Agusta niya ipinagkatiwala ang Kumpaniya, anak ng kaniyang Ama sa Labas. May maikling pagtatalo pa sila ng kaniyang Abuelo sapagkat ayaw nito sa Bastardo ng kaniyang ama ngunit ng kaniya itong pinakiusapan ay agad din namang gumaan ang pakiramdam ng Lolo niya at wala narin itong nagawa

Afterall ayaw niyang maging ganid sa kumpaniya ng kaniyang lolo, kaya't hangga't kaya niya'y willing siyang Makihati sa mana niya ang kapatid sa ama, kahit pa di naman sila nito gaanong nakakapag-usap na dalawa'y tinuturing niya parin itong Kapatid.

"He better take good care of Agusta's Empire or else__" Saad ng kaniyang lolo

"Grandpa, Let him do his job, sabi saakin ni tita Karen nakapagtapos naman daw ng Engineering si Elijah, pwede na iyon. Bat di natin subukan ang kakayahan niya hindi ba lolo? Afterall he is still your Apo." Ani Davies

"Apo, Ha! I will never consider him as one of my Apo, Ikaw lamang ang apo na kinikilala ko at wala ng iba!" Giit nito

Ibig nang matawa ni Davies sa reaksyon ng kaniyang lolo.

"Pa, Just Trust him. Nakasalamuha ko si Elijah isang beses lamang pero alam kong mabait siyang tao, Tita Karen raise him well so please? Trust him the way you trust me Grandpa." aniya

bumuntong hininga ang matanda ngunit kinalauna'y umaliwalas narin naman ang awra nito

"Fine, hahayaan ko na siya ang mamalakad ng Agusta's Empire not because i want him and consider him as my apo but because of you, Okay son? Anyway Congrats in building your own company son, You never failed to make me proud." Anito saka siya niyakap, ngunit saglit lamang iyon

"Thanks Grandpa." He said smiling

______

Nasira lahat ng pananim, maging ang mga palay na inaani nina Mira upang maging Bigas, Halos lahat ng pananim ay nasira dulot ng nakaraang bagyo

Nawalan sila ng kanilang hanapbuhay gayon din ang mga kalapit nilang kapitbahay, bukod pa doon ay kinailangan ng kaniyang Ama na mag-araro ulit sapagkat halos lahat ng palay ay lumubog sa putik, di na iyon pipwedeng maani kung kaya kinailangan nilang magsimulang muli sa pagtatanim

Buong araw na nagtutulungan ang bawat tao sa Barrio de gracia, Lahat naglilinis ng kanilang bakuran, nagliligpit ng basura dulot ng baha at mga punong natumba dulot ng malakas na kulog at kidlat

Nasa gayon silang sitwasyon ng Magising si Mira, Tinanghali nasiya ng gising Sapagkat ginanahan siya sa pagtulog dulot ng ulan, Kaya gayon nalamang katindi ang panlalaki ng kaniyang mga mata ng makita ang itsyura ng labas nila maging sa salas nila na napasukan rin ng tubig baha

Agad niyang nilapitan ang kaniyang ina na ngayon ay umiiyak dahil sa mga nasira nilang pananim

"Mama!" tawag niya dito't agad na niyakap ang ina

"Wala na ang mga pananim natin anak na kay tagal nating inalagaan, ang mga puno.. Ang mga gulay, prutas! Wala na! paano na tayo ngayon? yaon nalamang ang ikinabubuhay natin tapos sinira pa ng bagyo!" Anito sa gitna ng pag-iyak

Tahimik lamang na inaalo ni Mira ang kaniyang Ina, ayaw niya nang magsalita pa, sapat na ang kaniyang mga nakikita.

Kailangan nila ng malaking halaga upang ng sa gayon ay muli silang makapagsimula ulit, kailangan niyang gumawa ng paraan. Kung kaya siya ay nakapagdisisyon nang muling babalik ng Maynila..

Maghahanap siyang muli ng trabaho roon at sisiguraduhin niyang hindi na sa Agusta's Empire siya mag-aapply, Matagal niya nang nilimot ang nakaraan, kaya wala nasiyang balak pang bumalik roon. Isa pa, Nahihiya narin siyang bumalik pa dun sa isiping nasaktan niya ng sobra ang Amo ng mga empleyado roon.

Bagsak ang balikat niya ng siya ay naupo sa upuang kawayan nila sa labas ng kanilang bahay, kakatapos lamang nilang maglinis ngunit ang kaniyang ama ay walang tigil parin sa pag-aararo gamit ang kanilang kalabaw, Di niya mapigilang maawa rito, kay hirap magtanim ng palay...

Nilapitan siya ng kaibigan niyang si Jam, isa na itong ganap nang Police ngayon di narin ito sakanila nakatira ngunit paminsan minsan parin naman ay dumadalaw ito sakanila, gaya ngayon

Napansin nito ang malungkot niyang awra habang nakatitig sa kawalan kaya siya nito nilapitan

"Wuy okay kalang?" pukaw nito sakaniya dahilan upang mapaigtad siya, kunot noong napasulyap sa kaibigan

"Jam!" singhap niya

"ako nga, ang lalim ng iniisip mo eh no?" anito

Bumuntong hininga siya

"Naaawa ako kina Mama at Papa, pati narin sa mga tao rito, lahat na at kabuhayan nila nasira dulot ng bagyo.. Paano na sila ngayon?" Aniya sa malungkot na tinig

"Kaya nga eh, huwag kang mag-alala mag aabot ako kina Tita, upang kahit papaano naman ay makatulong ako sa muli nilang pagbangon, paminsan minsan din ay liliban ako sa trabaho upang makatulong kay tito sa pag-aararo at---"

"Jam wag na." Awat niya sa kaibigan

"Bakit naman?"

"Ako na ang bahala, babalik nalang ako ng Maynila, maghahanap ako ng trabaho." Aniya sa walang ganang tinig

"Sigurado kaba? akala ko ba ayaw mo nang bumalik dun dahil ka--"

"Bes! wag mo na ngang binabanggit pa ang pangalan ng taong yun, babalik ako dun dahil sa trabaho hindi dahil sakaniya, isa pa ano ba ang magagawa ko rito? E ang hirap maghanap ng trabaho rito!"  Taas ang kilay niyang saad

Tumango nalamang si Jam, alam niya kasing sa tuwing  mababanggit niya ang pangalan ni Davies ay tila ba nagiging tigre ang kaniyang kaibigan kung kaya inawat niya nalamang ang sariling banggitin pa ang pangalan nito

 "He's Into Me" [AGUSTA Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon