CHAPTER 22

231 18 0
                                    

_____

"Jam!" Masigla niyang saad, dagli siyang tumayo upang bigyan ito ng yakap ngunit bago iyon ay nagpunas na muna siya ng luha at di iyon nakaligtas sakaniyang kaibigan

pagkatapos ng mahigpit nilang yakapan ay masuyong sinilip ng kaibigan niya ang kaniyang mukha lalo na ang kaniyang mga mata, ngumuso ito ng mapagtantong tama nga ang kaniyang hinala, Umiiyak ito.

"Bakit ka umiiyak bes? at ano ang ginagawa mo dito hindi ba dapat ay nasa Maynila ka?" ani Jam, nag-alala ito sa dalaga

"Eh bakit ikaw? anong ginagawa mo dito?" pag iwas ng dalaga sa katanungan nito

"Inaya ko si Debie na magbakasyon pansamantala dito sa palawan, Anniversary namin ngayon eh." Nakangiting saad ni Jam

"Ahh.. Congrats!" She said faking a smile

"Ahhaaa? Yung tanong ko hindi mo pa nasasagot." Ani Jam, dahilan upang kaagad na mag iwas si Mira ng mukha, pagkuway muli siyang umupo sa Buhangin, at gayon din ang ginawa ni Jam

"May problema ba?" Muling tanong ni Jam

Napangiti si Mira ng mapakla

"Bakit ba napakamalas ko bes?" Waring bumibigay niyanang saad, pagod ang katawan at tila ba gusto nalang sumuko sakaniyang kinatatayuan

Nangunot ang noo ng binata ng madinig iyon mula sakaniya, Sa tuwing nagkakaganito ang dalaga'y dalawa lamang ang pagpipilian sa problema nito, its either pamilya niya o di kaya'y sa pag-ibig

"Anong malas pinagsasabi mo? Valendictorian ka nga eh!" pagpapalakas pa niya sa loob nito, He hates seeing her this down, bagsak ang balikat nito

"Bakit napakamalas ko pagdating sa pag-ibig..." Aniya na muli na namang landasin ng mga luha ang kaniyang mga pisngi, gigil niya iyong pinupunasan gamit ang likod ng palad  niya

Napabuntong hininga nalamang si Jam, bagsak ang balikat niyang inalo ang kaibigan upang ito ay tumahan

"Shh, Sino bayan? yung ex mo na naman ba yan o yung.." Aniya na pilit hinahagilap ang mga tingin ni Mira, Ayaw niyang banggitin ang pangalan ni Davies sapagkat nangangamba siyang baka ikagalit lamang iyon ng dalaga, ngunit kung siya ang pinoproblema ng dalaga..

Saglit na suminghot si Mira't pinunasan ang kaniyang mga luha

"Pumunta akong Maynila para sa pamilya ko sa probisya, pinagdasal ko na sana matanggap ako sa kumpaniyang binabalak kong pag-aplayan ngunit si Tadhana'y tila likas na mapaglaro talaga, Biruin mo. Sa sobrang iwas kong muling magtagpo ang landas namin ng taong matagal konang kinalimutan ay siya na naman pala ang magiging amo ko sa bagong kumpaniyang aking pinag-aplayan. See? Napakamalas ko hindi ba? araw-araw torture! " natawa siya ng mapakla

"And guess what? He change alot! he wasn't the cassanova i've known before dahil hindi nasiya nambababae but__He already had a fiancé, a fiancé na sobrang ganda, mapagmahal, mabait! Mayaman kagaya nila! Hahaha! Ang saya saya ko diba? dapat lang namang maging masaya ako para sakaniya diba? Ngunit bakit ganito bes? Bakit ako nasasaktan? isang taon! isang taon na ang nakalipas pero bakit nandito parin siya?" she said pointing her chest

Agad nasiyang inawat ni Jam ng makitang hinahampas na niya ang kaniyang dibdib dahil sa galit

"Ayokong maramdaman to! hindi ito nararapat eh, Nakita mo naman kung papaano ko siya itinulak noon palayo hindi ba? kung gaano kosiya itrato sa kagustuhan kong mailayo siya! sa pag-aakalang hindi ko siya gusto,! o sa di ko siya magugustuhan! Kaya ko nga siya sinubukang kalimutan hindi ba? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Nagseselos ako kahit wala naman akong karapatan! nasasaktan ako kahit hindi naman dapat, Davies doesn't care about me anymore, ang laki na ng pinagbago sa pakikitungo niya saakin, o sadyang_gusto niya lamang akong paghigantihan dahil sa mga nagawa ko sakaniya noon He change alot! he hates me now! he hates me and its.. Breaking me inside! Piece by piece jam!...." Mahaba niyang litaniya sa gitna kaniyang paghikbi

"Sadyang maliit ang mundo para sa inyong dalawa bes, you know what? bakit hindi mo siya kausapin? humingi ka ng tawad dun sa mga nagawa mo sakaniya noon, You have reasons Mira. Nasaktan kana kaya natatakot kana, But you know what? why not give the both of you a chance to get to know each other? Start with friendship and--"

"No!" Pag-awat ng dalaga sa mga sasabihin pa sana nito

"Bakit naman No?"

"Di mo ba ako narinig kanina? No! Dahil may Fiancé nasiya.. Wala akong laban dun, ang ganda nun, ang puti, tapos_nanggaling pa sa mayamang pamilya.." Malungkot niyang saad, Napayuko siya ng muling maalala ang kanina'y senaryo kung paano pinagaan ni Michelle ang pakiramdam ni Davies ng ganoon lamang kabilis

Pero siya, ni kahit isang sorry man lang niya kanina'y hindi man lang ito nakinig.

Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi sa sakit na nararamdaman, habang ang mga palad naman niya'y ipinadpad niya sa buhangin upang iyon ay kaniyang maiwaksi sa kawalan..

"Bes, hindi naman basehan ang katayuan sa buhay pag dating sa relasyon, Look at Debie and I? Mayaman si Deb samantalang ako? Ang tanda ko na bago pako naging ganap na police." Natatawa nitong saad

Sa Edad na bente nueve, saka lamang siya naging ganap na police, samatalang si Debie ay kilalang haciendera sakanilang bayan ngunit kahit na ganoon ay hindi naging hadlang iyon sa pagmamahalan nilang dalawa sapagkat mabuting Babae si Debie gayon din ang mga magulang nito, kaya wala silang problema na dalawa

Muling bumuntong hininga si Mira, Napasinghap siya ng mapagtanto niyang mag aalas siez na pala, kinailangan niya nang makabalik muli sa Hotel baka hinahanap nasiya ng mga kasamahan at mapapagalitan na naman siya ng Boss niyang si Davies

"Naku, Kailangan ko na palang bumalik sa Hotel bes Uy! bes kita nalang tayo ha? pero kailangan kasama na si Debie naku namiss ko na yung bonding namin ng babaeng yun!" aniya ng siya ay makatayo na, gayon din ang ginawa ng kaniyang kaibigan

"Oo ba, Teka anong room ba kayo?" Ani Jam

Napangiwi si Mira ng maalalang hindi niya pa pala alam kung sa anong room siya tutuloy

"Hala! paktay na, naku bes! kailangan ko na talagang umalis , baka hindi ko na mahanap ngayon yung kwartong tutuluyan ko, Basta ha? kita tayo bukas! bukas ah? paalam!" saad ng dalaga pagkuwa'y dagli na itong tumakbo papalayo kay Jam

 "He's Into Me" [AGUSTA Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon