____
@Agusta's Cafeteria
Si Davies ang nagprisintang Umorder ng makakain nila, Hinayaan nalamang iyon ni Mira at di nasiya nakipagtalo pa sapagkat hangga't maari ay iniiwasan niyang humaba ang kunbersasyon nilang dalawa
"Thanks." ani Davies sa Crew na naglatag ng mga pagkaing inorder niya, ibig niya pang matawa ng makita ang pagkamangha ni Mira sa mga pagkain.. dumidila pa ito't animo'y takam na takam na. Naiiling nalamang siya habang napapangiti rito
"Ginugutom kaba ni Elijah at ganyan kanalang kung makatingin sa pagkain?" biro niya rito
Agad na umiling si Mira
"Hindi no, napaka asikaso saakin ni Elijah magmula pa noong nagsisimula palang akong magbuntis, Hands on nasiya. Ganito lang talaga kasi pag-nagbubuntis, shempre hindi lang ako ang kumakain kundi pati narin ang bata sa sinapupunan ko." Sagot niya kay Davies at wala ng sabi-sabi pa, agad niya nang sinunggaban ang inorder nitong Roasted chicken.
Di na nakakain si Davies, Nakatitig nalamang siya kay Mira habang ito ay kumakain. Ewan ba niya ngunit para bang ang ligalig ng puso niyang masilayan ng malapitan ang maganda nitong Mukha.
"Hindi ka ba kakain nito?" Ani Mira na ang kamay ay nasa Manok niya, Dalawa kasi ang inorder niyang roasted chicken, yaon ngalang at nawala ang gutom na naramdaman niya ng makita ang magandang kumakain na si Mira.
Umiling siya sa tanong nito kaya lumiwanag ang mukha ni Mira at kinuha na ang Kaniyang Manok.
Nagkalat na ang gravy sa pisngi nito kaya agad siyang kumuha ng tissue sa tabi ng Mesa at walang pag-aalinlangang pinunasan niya ang pisngi at labi nito Nasiyang ikinagulat ni Mira..
"A-ah ehh-kasi nagkalat na yung sauce sa mukha mo kaya pinunasan ko nalang." aniya na agad ding binitawan ang Tissue, pakiramdam niya kasi ay bigla nalang siyang nakuryente ng mahawakan ng daliri niya ang malambot nitong labi..
'Damn!' asik niya sakaniyang isipan
"Siyanga pala Mira, mamaya pag uwi mo sasabay ako sa iyo ha?" pag-iiba niya nalamang ng usapan
"H-ha? B-bakit naman?" ani Mira
"Gusto kolang sanang dalawin ang kapatid ko Mira, masama ba iyon?" Nakangiting saad nito. Agad na umiling si Mira..
"S-shempre hindi!"
"Okay, Look Mira hindi naman ako nangangagat, kaya bakit ba parati ka nalang nauutal sa tuwing kinakausap mo ako? panay pa ang pag-iwas mo ng mukha." Ani Davies sa waring nagtatampong tinig
"Hindi naman sa ganoon, sorry."
"It's okay, it's quite cute tho." anito na ikinapula ng pisngi niya, yumuko nalamang siya upang hindi nito mahalata iyon.
"siyangapala, kailan kayo ikinasal ni Elijah?"
Muntik niyang maibuga ang juice na iniinom niya ng madinig ang katanungang iyon ng kaniya mismong asawa.
"Oh no! Wait pupunasan kita." Anito at aakma na sana siyang pupunasan sakaniyang mukha ng kaniya itong pigilan sapagkat pansin niyang pinagtitinginan na sila ng iba pang mga taong naroroon sa Cafeteria
Agad niyang inagaw sa kamay ni Davies ang tissue at siya na ang nagpunas sakaniyang bibig
"Ah-alam mo salamat sa panlilibre, uhm-malapit nang mag one pm, kailangan na nating bumalik sa Trabaho, syanga pala bago ko makalimutan may tatlong importang meetings si Elijah na dapat sanang Puntahan, ngunit kinansela konalang dahil sa nangyari sakniya--"
"No!" Pag-awat nito sakaniyang mga sasabihin pa sana
"Bakit?"
"I can takecare of it, Tell them na tuloy ang meeting, just tell me where and what time para makapaghanda ako. Sinent naman na saakin ni Elijah ang mga Ducuments and his plan for the buisness and their topics to be. Alam ko na ang gagawin ko Mira." Ani Davies
"Ngunit_paano ang iyong sariling Kumpaniya?" Naisip niya ang kumpaniya ng kaniyang asawa kung kaya nag-alala siya
"Alam mong may sarili akong company?" Kunot noo nitong tanong sakaniya
Tumango siya bilang tugon
"Uhm--oo naman? Actually di naman mahirap malaman iyon lalo pa't mga Agusta kayo hindi ba?" tugon niya na mukhang pinaniwalaan rin naman ata ni Davies dahil sa pagtango-tango nito
"Ang dami mo atang alam saakin Mira. That's quite a surprise though, sabagay may parte sa alaala ko ang hindi ko maalala kaya.. Anyway nevermind. shall we?" Anito na Inilahad pa ang kamay upang alalayan siyang tumayo
hindi na niya iyon tinanggap pa sapagkat tumayo nalamang siya't Nagpatiuna na sa paglalakad palabas ng Cafeteria, Ayaw niya nang dagdagan pa ang pagchichismisan ng mga taong chismosa sa kumpaniya, mainit ang dugo ng mga ito sakaniya kung kaya mas mainam nang umiwas siya.
Nagtuloy-tuloy sila sa Elevator, mabuti nalang at walang tao sa loob kung kaya nakahinga siya ng maluwag. Walang mga matang nakatingin na animo'y mga matang lawin kung siya ay titigan. tss.
"Takot kaba?" Dinig niyang tanong ni Davies, nag angat siya ng mukha at nilingon ito, ngunit agad din siyang nag-iwas ng mapansin ang matamang pagtitig nito sakaniya. Mas lalo lamang kasi niyong pinapabilis ang tibok ng puso niya.
"Takot saan?"
"Ma-issue."
Napalunok siya sa sinabi nito.
"Ma-issue saan?"
He heard him smirk, saka ito nagkibit balikat at sumandig sa Gilid ng Elevator habang nakatitig sakaniya.
"Ma-issue tayong dalawa." Diretsahang saad ni Davies
Nangunot ang noo niya rito't ibig itong irapan.
'At bakit naman tayo ma-iissue E' asawa kita!' Gusto niya iyong isigaw sa asawa ngunit nanatiling tikom ang kaniyang bibig
"Your Ring, and My Ring are both look the same Mira, bagay na hanggang ngayon gumugulo parin saaking isipan magmula nung makita ko yang suot-suot mo noong Nag dinner tayo together with your husband and my Wife." Anito sa baritonong tinig
Muling napalunok si Mira, Malamig man sa loob ng Elevator ay pinagpapawisan siya. Agad siyang humablot ng Tissue sa loob ng kaniyang bag at Pinunasan ang butil-butil na pawis sa kaniyang noo at leeg, hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Davies, dahilan upang mas lalo nitong pakatitigan siya ng matiim.
"Mira--"
"Ah Davies, alam mo Singsing lang naman ang mga ito. Baka nagkataon lang na pareho tayo, huwag mo nalang gawing bigdeal pwede? isa pa. Bibili naman na din si Elijah ng bagong singsing, hindi mo na uli makikita ito sa mga daliri ko." Pagsisinungaling niya
Kung tutuusin ay pagkakataon niya nang aminin rito ang buong katotohanan ngunit pinangungunahan siya ng takot, Iniisip niya parin naman ang mga sinabi ng Doctor, pwedeng ipaalala kay Davies ang Totoo ng dahan-dahan lang, Ngunit Hindi ngayon..
Nagdadalang-tao pasiya at maselan pa ang kaniyang pagbubuntis, paano kung sinabi niya sa asawa ang katotohanan at napahamak na naman ito dahil sa pilit na pag-aalala sa nakaraan? Baka mas lalo lamang siyang ma-i-stress nun at malagay pa sa delikadong kalagayan ang kaniyang pinagbubuntis. Kailangan niya na munang mag-laylow.. Alam niyang babalik ang kaniyang asawa nararamdaman niya iyon, at ngayon nga'y mukhang nagsisimula na itong ma-confused.. patunay lang na gumagana na nga ang mga gamot na naisasalin ng kanilang mga kaibigan sa pagkain at inumin ng Asawa.. Pasasaan ba at makakabalik rin siya.
Hindi naman na Muling nagtanong pa si Davies pagkatapos ng kaniyang mga naging sagot kung kaya medyo nakahinga nasiya ng maluwag.
BINABASA MO ANG
"He's Into Me" [AGUSTA Series #1]
RomanceDavies was a famous Cassanova in Town, He fell for the first time to the Girl named Miracle, But She hates him. (≧▽≦) _____ DISCLAIMER] This is a work of fiction/Fanfiction Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are ei...