CHAPTER 2

226 18 6
                                    

______

Abala sa paglilinis si Miracle ng madinig ang DoorCam nila, Agad niya iyong sinilip at hindi na nga siya nagulat ng makita ang Ina ni Davies, Napangiwi pasiya ng makitang hindi nito kasama ang matanda, Abuelo ni Davies.

"Let me in!" anito sakaniya

Napasinghap siya sa kawalan dulot ng pagkainis bago ito pinagbuksan, sinubukan niyang ngitian ito ng matamis. Trying to be a good daughter in law kahit pa sa loob-loob niya'y kinasusuklaman niya na ito. lagi nalamang nakakunot ang noo nito't nakangiwi sakaniya.

"Goodmorning Mommy." Bati niya rito

Ngunit imbis na sumagot ay tanging ismid lamang ang itinugon nito sakaniya pagkuwa'y nilagpasan nasiya. Gaya ng dati lagi itong nagmamasid sa buong kabahayan nila maging sa pagkaing niluluto niya na pinapakain niya kay Davies.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa walis ng makitang binuksan nito ang mangkok na may laman paring pagkain na tira ng kanilang almusal kanina

ngumiwi ito ng maamoy ang sinigang

"Sinigang? Is there other known food you can cook but this one all the time? you are very beggar even your taste in food is nauseating! how does Davies handle you?" Panimula nito sa pang-iinsulto sakaniya

Ngunit nanatili siyang nakatayo ng matuwid at magalang parin itong pinakitunguan

"With all due respect po mommy, He likes that food po, and he also always asks me to cook it, isn't he your son? why don't you even know that's Davies' favorite food?" She ask frangkly, ngunit naroon parin ang respeto sakaniyang pananalita

Nagunot ang noo ng Ina ni Davies ng madinig ang kaniyang tugon, ibig nitong pandilatan siya ng mata ngunit sa kagustuhang pakitunguan siya ng plastikan ay nginitian nalamang siya nito ng mapakla

"I don't always get along with my Son, but I know that's his favorite food Mira, anyway why does it seem so dirty here and your house has a lot of dust!" Anito na may patakip-takip pa ng ilong

Dahilan upang di mapigilan ni Mira ang pag-irap

"Kaya nga po naglilinis hindi po ba?" She wanna sound sarcastic ngunit pilit niya lamang na piniligilan ang sarili, sapagkat kilala niya ang sarili pag siya na ay nagagalit

"I saw that roll of your eyes you bratt! I'll give you another chance mira, if you haven't given Davies a child soon, I myself will make a way for you two to separate, you don't deserve my child! you come from a farmer's family only! jusmio, I can't even believe to think that until now why my son fell for you, even though in all aspects, michelle appeals more than you! your nothing but a goldigger!" asik nito

Dahilan upang umigting ang panga ni Mira, hindi niya nagustuhan ang hulihan nitong sinabi, Inaamin niya naman sa sarili na malayong malayo siya kay Michelle, Ngunit ang pagsalitaan siya na parang pera lamang ang habol niya kay Davies dahil nanggaling lamang siya pamilya ng magsasaka ay hindi na tama para sakaniya, Sobra na.

Tinaasan niya ito ng kilay at walang pagdadalawang isip na nilapitan, mabilis niyang ibinaba ang kanina'y hawak niyang walis saka tumindig sa harap ng Ina ng asawa, At dahil nga sa mas matangkad si Mira'y Naka-angat ang ginang ng magkasalubong ang kanilang mga tingin. Nakakasindak man ang bawat pagtitig nito'y hindi siya nagpatinag, sanay na sanay siya sa mga ganoon lalo pa noong hindi pa niya nakikilala si Davies. She is more than what they think she is!

"Take it easy on what you are saying because I have never asked for money from you or my family! I can live without your help! I am a Valedictorian and i can find a descent job as long as i want to! I am a Descent woman, Mrs. Agusta, so think about the words you will release before you say it to me because you don't know me or my family! Yes you are Davies' mother, But I am his wife so please if you want me to respect you, respect me and my family too!" She said firmly

Nag-angat pa lalo ng mukha ang ginang kasabay niyon ang pagtaas nito ng kilay sakaniya

"Descent Woman? Ha! look how you throw those words at me--"

"alam ko kung paano rumispeto at bukod pa doon ay marunong rin akong sumagot pag alam kong nasa tama ako. Pasensya na kung sa tingin mo nabastos kita as a mother of my husband, but please remind yourself as well kung bakit kita sinasagot-sagot ng ganito ay dahil lang rin naman sa kawalang respeto ninyo sa pagkatao ko. You can live now." Diretsyahan niyang sambit na mas lalo lamang nagpauwang ng bibig ng ginang

Ibig pa sana nitong magsalita ngunit iginiya nasiya ni Mira pabalik sa pintuan

"Ang lakas ng loob mong paalisin ako e' nasa pamamabay kalang naman ng anak ko! isa kalang sampid! palamuinin ni Davies!" Nang-gagalaiti nitong saad

Suminghap saglit si Mira, Ibig niya na talagang mapuno dahil sa mga sinasabi nito kung kaya paulit-ulit siyang nagbuntong hininga. Pilit na pinapakalma ang sarili

"Wala na po akong pakialam kung ano man ang gusto ninyong itawag saakin, basta't ang alam ko lang hindi ako Sampid ni Davies dito, hindi niya rin ako basta lang palamunin Dahil Asawa niya ako! Tanggapin niyo man yun o hindi wala na akong pakialam. Tutal kayo lang rin naman ang maiistress." Tugon niya rito

Nanlaki ang mga mata ng ginang sa gulat, kung kaya wala narin itong nagawa ng kaniya na itong iginiya ng tuluyan sa labas pagkuwa'y sinarhan niya na ito ng pinto.

Napakarami niya pang gagawin, Dumadagdag pa ito.

Si Davies lang ang pinakaimportanteng tao sakaniya ngayon maliban sakaniyang pamilya kaya't hindi siya nagpapaapekto sa kahit na ano mang gawing paninira ng iba sa relasyon nila, kahit pa iyon ay ang Ina ni Davies.

 "He's Into Me" [AGUSTA Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon