____
Mabilis na lumipas ang mga araw at nasa ika-walong buwan na ang tiyan ni Mira, isang buwan nalang at manganganak nasiya.
KAARAWAN ngayon ni Michelle kung kaya lahat imbitado, gayon din sina Davies at Senith, Ang akala nina Elijah at Mira babalik na ang dating ala-ala ni Davies pagka sinabi nila rito nasiya talaga ang asawa ng lalaki ngunit nagkamali sila. Sapagkat mas lalo lamang lumala ang Paglimot ni Davies sa asawa, Muli niya itong hindi maalala kahit pa ang kakaunting mga senyales nang mga panaginip niya tungkol kay Mira sa mga nakaraang buwan bago ang pag-uusap nila ng kapatid ay nakalimutan niya na. Ang singsing na suot nito'y isinantabi na sapagkat bumili si Senith ng mas bagong singsing, Singsing na silang pareho lamang ang nagsusuot.
Malungkot man ay kinakaya parin ni Mira ang sitwasyon. Nung una ay hinihiling niyang sana bumalik ang ala-ala ng mister habang siya ay naglilihi palang ngunit sa ngayon ay mas gusto niya nalang na isuko lahat sa Diyos ang bawat pag alala at pag-iisip niya, lahat ng hiling niya ay isinantabi niyana muna. 'Ikaw na lamang ang bahala saaming mag-anak Diyos ko.' yan nalamang ang Lagi niyang dasal
Ngayon ay nakasuot lamang siya ng Simpleng Pulang Dress na Offshoulder ngunit para sa mga buntis, para naman kahit papaano kahit pa malaki na ang kaniyang tiyan ay hindi parin siya magmukhang losyang. Tinernohan lamang niya iyon ng Puting flat sandals at Simpleng makeup.
Kasama niyang nagtungo sa bahay nina Michelle ang pinsan niyang si Maeanne saka si Elijah, Tinigil na nila ni Elijah ang pagpapanggap na mag-asawa, Di narin naman iyon muling maalala ni Davies kung kaya mas minabuti na nilang wag nang ituloy pa.
"We're here, teka ako na." Ani Elijah ng mapansing binuksan na ni Mira ang pinto at aakma nang bababa
"Ang ganda-ganda mo talagang buntis!" Naibulalas naman ni Brandon ng makita silang pababa ng kotse, natatawa nalamang si Mira sa mga pinagsasabi nito
Sinalubong narin sila ng iba pang mga kaibigan, gayon din ng mga magulang ni Michelle at si Michelle na halos magtatalon talon pa ng makita siya
"ThankGoD! you came! alam mo bang kanina pa ako nag-aalala dahil wala ka pa!" anito
Nagtawanan nalamang ang mga magulang niya at si Mira sa sinabi nito
"Haynaku Mira ihja, wag mo nalang pansinin. sadyang paranoid lang talaga itong anak namin." saad ng Ina ni Michelle
"Oo nga ihja, osya pumasok kana't ng sa gayon ay makaupo na. Naku Buntis ka pa naman." saad naman ng papa nito
"Sige po tito."
____
Masayang nagsisiyahan ang lahat, Usap dito Usap doon.
Ngunit Kinalauna'y bigla nalang tumahimik ang lahat ng mapansin ang dalawang taong papasok ng Mansion nina Michelle, Nakangiti si Mira habang kausap ang mga kaibigan at pinsan ni Michelle sa may Salas ngunit ng mapansin ang katahimikan ng mga bisita at ang mga tingin nitong nasa gawing pinto ay di niya napigilang luminga rin roon, gayon nalamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata ng makita si Davies kasama si Senith, Nakapula rin si Senith ngunit ang damit nito'y halos iluwa na ang Espiritu sa ubod ng kaseksihan.. Kirot ang namutawi sakaniyang dibdib lalo pa ng makita ang Malapad na ngiti ng kaniyang asawa habang binubulungan ni Senith ng ewan niya ba kung ano.
Napangiwi nalamang siya rito't inis na nag-iwas ng tingin.
Napansin iyon ng mga kaibigan nila kung kaya sinenyasan siya ng mga ito ng 'Cheer up' tumango lamang siya
"Mas maganda ka parin diyan Mira." Ani Elijah habang nakangiti
"Wushuu ang sabihin mo 'Sayang Mira hindi mo ako sinagot sa proposal ko' Wag ako Elijah!" Pang-aasar pa ni Michelle
Dahilan upang magtawanan silang lahat, Ngunit saglit lamang iyon sapagkat agad din silang natigilan ng makitang patungo sakanila si Davies at Senith, Di tuloy maipinta ang kanilang mga mukha lalo na si Michelle.
"Happy Birthday Bes, here's my gift." Nakangiting saad ni Davies sabay abot rito ng isang kahon
"Thanks bes, pero sana hindi kanalang nagsama ng chaperone." Ani Michelle na di mapigil ang pagkairita sa tono
Agad na napalitan ng mapait na ngiti ang kaninang matamis na ngiti ni Senith sakanila pagkuway dumapo ang mga mata nito sa tiyan ni Mira at kay Mira.
Maswerte siya at hindi nakatitig sakaniya si Mira dahil kung nagkataon lang na nakatitig din ito sakaniya'y baka nangisay nasiya sa kinatatayuan niya.
"Bes, senith isn't just my chaperone but my wife, we're planning to have a baby soon actually.. gumagawa na kami." [Chuckles] Natatawang saad ni Davies, Di alintana ang biglaang pananahimik ng mga kaibigan dulot ng mga nadinig
Sabay sabay silang lahat na napatingin kay Mira at sa magiging reaksyon nito, ngunit wala itong reaksyon. Nanatili lamang itong nakatitig sa kawalan
"WHAT? AH! hindi mo naman na kailangan pang sabihin pa saamin yan Davies!" Ani Michelle
"Anong hindi, Shempre kukunin kitang ninang pag nakabuo na kami ano- kayong lahat kaya nga nararapat lamang na ikwento ko sa inyo, baka pati potitions gusto niyoring alamin?" [Chuckles] pagpapatuloy ni Davies
"MYGod! Enough na Davies okay? at tyaka Ninang! Ha! Asa Kayo! Mas gugustuhin kopang dina magkaroon ng inaanak kahit kelan kung sa anak niyo lang ako magiging Ninang! Mira hali ka dun tayo sa mga girls." Pagtataray ni Michelle saka Walang paalam na Hinila si Mira paalis sa lugar na iyon
Ayaw ng dalagang marinig pa nito ang mga sasabihin ni Davies sapagkat alam niyang labis iyong ikakasakit ng damdamin ng kaibigan.
'Yung asawa niya gumagawa ng anak sa ibang babae like --EW!' ani Michelle sa isipan
"Anong nangyari dun? may nasabi ba akong masama?" Maang na tanong ni Davies pagkaalis nina Michelle
Di naman sumagot ang mga kaibigan bagkus sabay-sabay nalang silang tumungga ng Alak.
BINABASA MO ANG
"He's Into Me" [AGUSTA Series #1]
Любовные романыDavies was a famous Cassanova in Town, He fell for the first time to the Girl named Miracle, But She hates him. (≧▽≦) _____ DISCLAIMER] This is a work of fiction/Fanfiction Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are ei...