_____
Tanghali na wala parin si Davies, Maliban kay Miracle na kanina pa nakarating.
Walang pakialam kahit na wala pa ang kanyang Amo
Napasinghap siya ng madinig ang pagbukas ng Pinto ng Opisina, agad siyang nag-angat ng mukha sa pag-aakalang si Davies na iyon, marami na naman kasi itong papeles ma dapat pirmahan
Ngunit gayon nalamang ang pagkadismaya niya ng makitang si Dorothy ito
"Oh? bakit parang dismayado ka ata" anito ng mapansin ang bahagya niyang pag-ismid
"Wala, akala ko kasi si Sir na, ang dami niyang kailangan mapirmahan oh." tugon niya na itinuro pa ang mga papeles na nasa mesa niya
tumango si Dorothy bago ito lumapit sakaniya
"May sakit raw si sir." anito
na ikinagulat niya, na sa kabilang banda naman ay tila ba nakunsensya siya sa isiping baka dahil sa nangyari sa nakaraang gabi kung kaya ito nilagnat, Nabasa ito ng ulan..
"T-talaga? Kung ganoon asan siya ngayon?"
"Nasa Penthouse niya, sa top floor, pinapapunta ka nga eh." Anito
"Ha? b-bakit ako?"
"Pinapahatid niya sayo dun yang mga papeles, sinabi ko kasi na kinailangan niya na kaagad na mapirmahan yan, kaya ayun.. pwede namang ako na ang maghatid, but he wants you so_wala akong choice." Nakanguso nitong saad
Napayuko nalamang si Mira, maging siya man ay wala naring choice kundi sundin nalamang ang ipinag-uutos nito
Kinuha niya ang mga papeles saka siya tumayo upang magtungo roon ng muli niyang madinig ang pagsasalita ng kaniyang kasamahan
"Mira, May gusto ka ba kay sir?"
Napalingon siya sa tanong nito
"Ha? bakit mo naman natanong?"
"Kasi_si sir, obvious namang patay na patay sayo eh' Biruin mo yun? tumigil nasiya sa kakadala ng babae rito magmula nung dumating ka, ang laki ng pinagbago niya Mira" Nakangiti nitong saad
Nag-iwas si Mira ng tingin, ayaw niyang nakakarinig ng ganoon, na kesyo nagbabago na si Davies sapagkat ayaw niyang umasa at maniwala na nagbago na nga ito
"Mira, Bigyan mo si sir ng chance.. Mabait naman yun eh, sadyang babaero lang pero nagbago na siya Mira, kung sana bibigyan molang siya ng chance baka mas lalong magbago pasiya at matigil na nga siya sa dating bisyo niya" Saad nito na nagpatigil sakaniya sandali
bumuntong hininga siya sa kawalan, madiing napapikit bago muling nilingon si Dorothy
"Ayaw kong umasa Dor, Isa pa hindi ko siya gusto, sa tuwing tinititigan kosiya naalala kolang kung anong klaseng tao siya dati kaya_sorry pero hindi ko masusunod iyang suhestiyon mo, sige." Aniya at tuluyan na nga itong tinalikdan upang lumabas na
_____
Penthouse
Agad na pinindot ni Miracle ang Wireless doorbell camera na nasa gawing gilid ng pintuan ng penthouse ni Davies
"It's Mira." aniya
Saglit lamang siyang nag-antay sapagkat agad rin itong bumukas
Gayon nalamang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita ang isang babaeng pamilyar ang mukha, it's Michelle..
"Your his secretary right?" anito sa mahinhing tinig
Tumango siya, sabay angat ng dala-dala niyang mga papeles
"Papapirmahan ko sana kay sir." Aniya
"Oh okay, kaso natutulog pa siya eh, pero pasok ka ilagay mo nalang sa may sofa yang Mga papeles." anito bago mas lalo pang binuksan ang pintuan upang siya ay makapasok
"Ah, ang sabi saakin ni Dorothy may lagnat raw si sir?" She ask.. kahit na ang totoo'y gusto lang naman niyang masigurong okay ito.
Kahit papaano naman kasi ay may kasalanan siya sa nangyari rito, kung agad niya itong napasakay sa sasakyan ay baka malamang di na ito nabasa pa ng ulan at kung di ito pumunta sakanila
"Ah oo, but he's quite okay naman na ngayon, inalagaan ko siya magdamag eh" natatawa nitong saad
"M-magdamag?"
"Oo, magdamag.. Ganun din naman saakin si Davies eh, Kasi nga we're bestfriends." anito
Muling nanlaki ang mata ni Mira ng marinig ang hulihan nitong sinabi
"Bestfriends? P-pero akala ko--"
"Ah, akala mo may relasyon kaming dalawa? [chuckles] no! wala pa sa ngayon, pero both of our parents and his grandpa fix a marriage for the both of us, someday. Pero nakaplano na lahat yun, Even Davies knew that. Wala narin kaming choice kasi yun ang kagustuhan ng mga magulang namin eh." Wala lang nitong sabi
Napalunok si Mira ng madinig ang Usapang Kasal..
Ng dalawa
at alam iyon ni Davies? tss, may pasabi sabi pang seryoso siya eh manloloko lang din naman pala
Umayos siya ng tayo ng may mahagip ang kaniyang mga mata.. Mga larawan iyon ni Davies, at halos lahat mahaba ang buhok niya sa litrato
Ngayon lamang din niya napansin ang napakalawak nitong luxurious Penthouse..
The design firm Dufner Heighes conceived this Agusta's penthouse for a Manila-based family. In the living area, a pair of Michael Berman Limited club chairs from Profiles and a Holly Hunt sofa upholstered in a Holland & Sherry wool-mohair surround an Ado Chale cocktail table; the mirror is by BDDW, the credenza and tripod floor lamp are by Christian Liaigre, the Jim Zivic anthracite side table is from Ralph Pucci International, and the custom-made rug is by ALT for Living.
Her jaw drops as she saw the beautiful circle golden mirror infront of her, Napakalaki ng salaming iyon
"Wow!"
Ngunit ang mga mata niya'y sa litrato talaga ni Davies napatuon
"Mahaba na pala talaga ang buhok ni sir magmula pa nung bata siya" naibulalas niya
Di alintana na nasa tabi niya na pala si michelle, napasinghap pa siya ng maramdaman ang prisensya nito sa tabi niya
"Oh, sorry. Nagulat ba kita?" Anito sa mahinang tinig
Bakit ba napakaganda nito at napakahinhin? baliw nalang ang lalaking hindi mahuhulog rito, kaya di nasiya magtataka kung pati si Davies ay patay na patay rin rito
"About what you said awhile ago, yes. Mula bata pa si Davies mahaba na nga ang buhok niya, yun kasi ang gusto ni tito Efren, his Dad. Ayaw naman talaga ni Davies na mahaba ang buhok niya eh, pero mula nung mamatay si tito Efren, Pinahaba niya na lalo ang buhok niya, kasi yun nalang yung nagreremind sakaniya about his Dad eh, Mahal na mahal ni Davies si Tito kaya nung namatay ito sa pamamagitan ng pagpapahaba nalamang ng kaniyang buhok ang tanging ginawa niya sa pagluluksa, sinasamahan ko pa nga siya dating bumili ng mga shampoo's na pamapabilis magpahaba ng buhok eh" Mahaba nitong litaniya saglit itong natigilan, kumuha ng isa pang litrato ni Davies na nakasilid sa isang picture frame
"Kaya nga, sobra yung pagtataka ko ng makita kong nagpagupit siya, kasi never niyang ginawa yun, Kung magpapagupit man siya kaunti lang as long as makikita niyang mahaba parin ang buhok niya, di gaya ngayon na ewan ko ba kung anong pumasok sa isipan ng lalaking yun, He cut his hair, yet he cried after doing that.. He told me, But when i ask him why did he cut his hair then, tanging iling lamang ang isinasagot niya saakin.."
Nakaramdam ng matinding guilt si Miracle ng madinig iyon, Hindi niya alam ang kwento sa likod ng pagpapahaba nito ng buhok noon..
Di niya mapigilang sisihin ang sarili dahil sa pakiwari niya'y kasalanan niya kung bakit nito ginupit ang sariling buhok kahit pa napakalalim pala ng meaning niyon para sa binata.'This has to stop.' Aniya sa isipan
Ayaw niyang bigyan ng pag-asa ang binata dahil ayaw niya itong makagawa pa ng isang bagay na ikakaguilty niya na naman..
Nakapagdisisyon nasiya, Magreresign na siya.
BINABASA MO ANG
"He's Into Me" [AGUSTA Series #1]
RomanceDavies was a famous Cassanova in Town, He fell for the first time to the Girl named Miracle, But She hates him. (≧▽≦) _____ DISCLAIMER] This is a work of fiction/Fanfiction Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are ei...