CHAPTER 22

207 13 0
                                    

____

Pabagsak na itinapon  ni Senith ang kaniyang dalang bag sa Sofa ng madinig ang sinabi sakaniya ni Margareth.
Gusto na kasi nitong Itigil ang pagpapanggap na kanilang ginagawa at sabihin nalamang kay Davies ang buong katotohanan.

Pagkatapos kasi nitong malaman ang pagbubuntis ni Mira ay tila ba nakadama ito ng Kasiyahan lalo pa ng madinig nitong kay Davies iyon, Wala naman siyang ibang hiniling kundi ang mabigyan lamang siya ng Apo ng anak at ng dahil nga sa hindi iyon maibigay ni Mira noon ay tila ba nag-iinit ang kaniyang ulo sa Asawa ng Anak. Tinanggap niya ito kahit pa alam niyang galing ito sa mahirap na pamilya, Apo lamang ang gusto niya at ngayon ngang nalaman niya na nagdadalang-tao na ito ay gusto na niya agad na tigilan ang pagsisinungaling nila upang ng sa gayon ay malaya niyang mapangangalagaan ang asawa ng kaniyang anak at ang apo niya sa sinapupunan nito.

"This is stupid! No. You are Stupid Tita! Pagkatapos mo akong gamitin para sa kagustuhan mong mapaghiwalay sina Mira at Davies ay bigla-biglang aatras ka nalang? NO! AYOKO! Mahal ko si Davies and you cannot stop me! Kung ikaw aatras kana sa laban pwes ako Hindi!--"

"Senith--"

Di na natapos pa ni Margareth ang sasabihin sa kabilang linya sapagkat agad nasiyang binabaan ni Senith ng telepono.

"Ginamit-gamit mo nalang din ako para sa mga katarantaduhan mo, ba't di ko nalang sagarin! tss. Apo lang naman ang gusto mo hindi ba? ibibigay ko yun sa'yo at si Mira? I'm gonna do everything just so she'll lost her child." Ani Senith sa sarili

______

SAMANTALA

@Hospital

Tapos na si Mirang Kumain, pinayagan narin siya ng Doctor na umuwi sapagkat maayos naman na ang kaniyang kalagayan.

"Wag niyong hahayaan si Mira mastress, mahigpit ko talaga iyong ibinibilin sakaniya. Baka kasi makunan siya pagka palagian nalang siyang naiistress, sa sitwasyon niya pa naman ngayon." Muling ibinalik nito ang atensyon kay Mira "Ikaw naman mira, haynaku. Ilang beses kona ba iyong nireremind sayo?"

"Sorry Doc, promise hindi na lalo pa ngayon at nanaginip ako ng masama. Pangako mas pangangalagaan ko pa po ang aking anak, Salamat doctor." mahina niyang saad

Tumango-tango lamang si Dr. Sanchez pagkuway nagpaalam na itong iwan sila

Kanina pa walang kibo sina Davies at Elijah, hanggang sa kinalauna'y si Elijah narin ang tumapos sa katahimikang iyon.

"Bakit ka ba dumalaw rito kuya, at may dala-dala kapang bulaklak? Ano yan nanliligaw ka sa Asawa ko ganun?" Ani Elijah na may bahid ng pagkainis

Nagkibit balikat si Davies habang nanatiling nakatuon kay Mira ang tingin.

"I told you hindi ko alam kung bakit ako biglang nag-alala para kay Mira, kahit ang pagbili ng bulaklak ay di ko rin alam. Basta naisip konalang bumili para sakaniya yun na yon."

"Kuya she's my wife!" asik ni Elijah

Na hindi nagustuhan ni Mira, Oo' Asawa siya nito ngunit pawang kasinungalingan lamang iyon. At alam iyon ni Elijah, paano nito nagagawang panindigan ang kasinungalingang iyon gayong alam naman nito ang buong katotohanan? at may lakas talaga ito ng loob na sabihin iyon sa mismong Asawa niya pa talaga? tss.

"Elijah!" pag-awat niya kay Elijah, matiim ang kaniyang pagkatitig rito at ng siya ay lingunin ni Elijah para bang binantaan niya itong wag nang magsalita pa.

Tumahimik naman kaagad si Elijah, ng madinig nilang matawa ng mapakla si Davies. Sabay silang napalingon rito

"Anong nakakatawa?" Ani Mira

"Nothing, it's just that.. Kung tutuusin kasi parang.. parang tayo yung mag-asawa dahil sa pareho tayo ng singsing [Chuckles] You see?" Iniangat nito ang kaniyang palasingsingan saka itinuro ang singsing ni Mira na hanggang ngayon ay suot parin nito

Nanlaki ang mga mata ni Elijah sa nakita, ngayon niyalang napansin ang singsing na suot ng kapatid at tunay ngang magkapareho ito. Panunay lang na silang dalawa talaga ang mag-asawa.

Maang ang kaniyang bagang di siya makaapuhap ng salita, hanggang ngayon kasi'y hindi parin siya nakabili ng singsing ngunit nakaplano na sana iyon.

"Wala lang talaga akong natatandaan, Sorry bro' Alam kong wala akong karapatan na angkining asawa ko si Mira pero--hindi morin naman siguro ako masisisi diba? I don't remember anything.. Hindi ko maramdaman kay Senith na asawa ko siya, ngunit kay Mira.. Sa tuwing nakikita ko siya ewan ko ba!"

"D-Davies.." Ibig nang maluha ni Mira sa mga naririnig, tama nga siya. Hindi man siya maalala ng asawa ngunit ang puso nito'y siya ang laman. Gusto niyang tumalon sa galak at yakapin ito ngunit pinigil niya ang sarili sapagkat nakakahiya iyon, lalo pa't hindi pa naman siya nito gaanong naaalala..

"Ano bang sinasabi mo kuya!" ani Elijah

"I'm just being honest about what i feel bro, and I wanna say sorry for that maging sa iyo Mira. Sorry.."

Ani Davies sa mahinahong tono, Aakma na sana siyang tatalikod ngunit agad siyang pinigilan ni Elijah

"Kuya. Wait--- I think there's something you need to know"

Nanlaki ang mga mata ni Mira ng madinig iyon mula Kay Elijah

'Anong ibig niyang sabihin?' aniya sa isipan, sumilay ang kaba sa buo niyang kaibuturan.
Hindi siya handa sa mga susunod pang mangyayari..

 "He's Into Me" [AGUSTA Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon