CHAPTER 23

208 13 0
                                    

_____

"What Do you mean? what do I have to know?" Inosenteng saad ni Davies, naniningkit ang kaniyang mata sa kapatid pilit na inoonserbahan ang bawat reaksyon ni Elijah

Saglit itong lumingon kay Mira

"We have to talk kuya, Mira labas na muna kami. Antayin mo kami rito." Ani Elijah

Kinakabahan man ay wala ring nagawa si Mira kundi ang tumango nalang kay Elijah, Ilang sandali pa ay lumabas na nga sila at naiwan si Mira sa loob ng Silid nito

_____

"Si Mira kuya.." Panimula ni Elijah, kinakabahan din siya ngunit sa tingin niya ay ito ang tamang gagawin upang matapos na ang kasinungalingan nila

Oo mahal niya si Mira ngunit--mahal niya rin naman ang kapatid niya, Willing siyang pakasalan ang babae at akuin ang anak nito kung sana hindi pa nakakaalala ang kaniyang kapatid. Ngunit sa napansin at nadinig niya kanina'y alam niya nang Nakakaalala na ito ng paunti-unti, tunay ngang gumagana na ang mga gamot na kanilang ipinupuslit para lamang mainom ng kaniyang kapatid.

Hindi man nito gaano pang maipaliwanag ang mga senyales o imahe sa panaginip at pag-iisip ay alam niyanang sign na iyon na nakakaalala na ang kaniyang kapatid, Pagod nasiyang magsinungaling kaya nga niya binabalak nalamang na pakasalan si Mira upang maging totohanan na ang lahat. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng madinig ang mga sinabi ni Davies, Mas gusto niyanalamang itong tulungang makaalala at malaman ang buong katotohanan kesa isipin pa ang nararamdaman niya para kay Mira.

"What is it Elijah?" kunot noong saad ni Davies "Anong tungkol kay Mira?"

"Truth is.. She's your wife kuya, Ikaw talaga ang asawa ni Mira at ang Ama ng dinadala niya, Kuya--magkakananak na kayo ni Mira.." Walang pag-aalinlangang saad ni Elijah na nagpagimbal kay Davies

Muntikan pasiyang matisod dahil sa labis na pagkabigla, Mabuti nalang at agad siyang nakabawi at naupo nalamang sa naglinyahang upuan sa labas ng silid ng mga pasyente, He was shock at naguguluhan at the same time, idagdag pa ang biglaang pananakit ng kaniyang ulo.

Simpleng linya lamang iyon mula sa kapatid ngunit tila ba napakalakas ng epekto niyon sakaniya.

"Kuya are you alright?" Pag-aalalang saad ni Elijah, nilapitan siya nito at inusisa

Tumango siya't sinenyasan si Elijah na ipagpatuloy ang mga sinasabi

"Y-you want me to continue?"

Tumango si Davies sa gitna ng kaniyang pagngiwi dahil sa sakit ng kaniyang Ulo

"But you look not okay? Ano ang masakit sa iyo? y-yung ulo mo ba?" kinakabahan na si Elijah dahil sa nakikita, batid niyang may iniinda na itong sakit ngunit gusto parin siya nitong pagsalitain

"I wanna know everything Elijah! The Truth! The reasons! Sinabi mong Asawa ko si Mira at magkakaanak na kami! paano! At bakit! Ahh! My head sh*t sh*t!" Asik nito habang namimilipit sa sakit, tuluyan na ngang kinabahan si Elijah at naging balisa

Dagli siyang tumawag ng Doctor, agad din naman iyong inasikaso ng mga ito. Nadinig ni Mira ang kaguluhan sa labas kung kaya nagpasiya siyang lumabas narin, Nakita niyang itinatakbo si Davies sa ER Namutawi ang kaba sakaniyang dibdib kung kaya kahit pa siya ay buntis ay di niya napigilang tumakbo rin papunta sa gawi nito

"Honey!" tanging salita na lumabas sakaniyang bibig

"Elijah anong nangyari? bakit nila biglang sinugod si Davies sa ER What happened!" Ani Mira na ngayon ay humihikbi na

Di nagsalita si Elijah, nakatulala lamang ito habang nakatitig sa kawalan

"Elijah!" muli niyang tawag rito ngunit ganoon parin ang itsyura nito. Tulala.

Hindi nalamang nagsalita pang muli si Mira bagkus siya ay umiyak nalang ng Umiyak.

_____

Pagkatapos ng ilang oras ay lumabas na ang Doctor, Sabay silang tumayo ni Elijah upang lapitan ito.

Nalaman nilang kaya pala biglang sumakit ang ulo ni Davies ay dahil sa mga alaalang magkasabay-sabay na bumalik sa isipan nito dulot ng pagpipilit na makaalala. He was trying so hard to remember anything at nung may mga alaala na ngang bumabalik ay nagka-panic attack ang utak nito dahilan upang mauwi sa malalang pagsasakit ng Ulo ni Davies

Kaya nga sila sinabihan ng doctor na dapat mag-iingat sa pagpapaalala kay Davies sa lahat ng bagay sapagkat malala ang aksidenteng napagdaanan nito.

"Ano ba kasing sinabi mo sakaniya Eilijah!" pasinghal niyang saad kay Elijah ng makaalis ang Doctor

Nakayuko lamang si Elijah habang sapo ang Mukha

"Elijah---"

"I told him you are his WIFE!" Igting ang pangang tugon ni Elijah sakaniya nasiyang lubos niyang ikinapitlag

"A-ano?" Hindi makapaniwala si Mira sa narinig, kani-kanina lamang ay umamin ang binata sakaniya ng pagtingin kung kaya hindi niya inakalang makakaya parin pala nitong sabihin kay Davies ang buong katotohanan despite of what he really feels

"E-Elijah.."

"it's okay mira, alam kong gusto kita, mahal na nga kita hindi ba? pero mahal ko rin si kuya.. Ginawa ko lang yung bagay na sa tingin ko ay nararapat lamang. Sinabi ko sakaniyang Asawa ka niya at magkaanak na kayo, He was shock. Yun lang naman ang sinabi ko actually marami pa nga sana ang kaso lang bigla akong nabahala nung makita konang parang namimilit nasiya sa sakit. I'm so sorry, kasalanan ko kung bakit dinala na naman siya sa ER" anito

Nakadama ng awa si Mira para sa binata kung kaya kaniya itong nilapitan

"Wala kang kasalanan Elijah, ang totoo niyan.. hindi talaga ako makapaniwala na kinaya mong sabihin iyon sakaniya kahit pa alam mo nang--"

"Wag mo nang ituloy mira [Chuckles] I love you, you know that. But for now,I will loved to see you more happier sa piling ni Kuya.. sa piling ng tunay mong asawa mira. [sigh] Gagawin ko ang lahat magkabalikan lang kayo, pangako ko yan." seryosong saad ni Davies

Di mapigilan ni Mira ang hindi mapangiti dahil sa mga narinig kung kaya nayakap niya ang binata ng mahigpit. Gulat man, ay malugod parin iyong tinanggap ni Elijah.

 "He's Into Me" [AGUSTA Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon