CHAPTER 15

185 14 1
                                    

____

"D-Davies?"

Napalitan ng pagkunot ng noo ang reaksyon ni Davies ng makita siya sa Penthouse ng kapatid nito, Saglit pa itong nag-isip upang maalala kung sino siya..

"Teka, ikaw yung nasa Hospital hindi ba?"

Anito

Mabilis siyang napasimangot ng madinig ang sinabi nito, kung gayon hindi parin pala siya nito naaalala..
Kirot ang namutawi sakaniyang dibdib ng mga oras na iyon, gusto niyang Umiyak dahil sa sakit ngunit hindi niya magawa sapagkat ayaw naman niyang isipin nito na nababaliw nasiya.

Tumango siya bilang sagot sa tanong nito

"A-Anong ginagawa mo dito?" Sa wakas ay muli narin siyang nagsalita

Nagkibit balikat lamang ito habang ni-head to foot siya't tinapunan ng tingin sa mga mata. Dahilan upang siya ay pamulahan ng pisngi, hanggang ngayon ay malakas parin ang epekto ng kaniyang asawa sakaniya, kahit man lang sa simpleng titig nito ay tila ba kaagad na bumibigay siya.

"Hindi ba't ikaw dapat ang dapat kong tanungin niyan? Bakit ka narito sa Penthouse ng kapatid--"

"Mrs. Agusta! Ay--" Natigilan ang Doctor na nagsalita, nakalimutan ni Mira na nasa guestroom pala ang Doctor, pinatawag kasi ito ni Elijah sapagkat checkup niya ngayon.

Sa sobrang Excitement niyang suotin ang mga damit na kaniyang pinamili ay nawaglit na sakaniyang isipan na bukod sakaniya ay May ibang tao pa pala sa loob ng Penhouse..

Lalong nangunot ang noo ni Davies sa narinig at nagpapalit-palit ito ng tingin sakanilang dalawa ng Doctor

"Mrs. Agusta?" Ulit ni Davies sa sinaad ng Doctor

"A-ahh..." Halos sabay pa sila ng Doctor, parehong walang maapuhap na salita

Paano sila ngayon magpapalusot gayon klarong-klaro ang mga litanyang binanggit ng Doctor ng siya ay tawagin nito.

'Kung di ba naman talaga siya minamalas'

"I heard it right? Una kong nadinig na tinawag mo siyang Mrs.Agusta ay sa Hospital, Nagkunwari lang akong hindi ko iyon narinig sapagkat kinakausap ako ni Mommy at ng asawa ko.. Pero ngayon, dinig na dinig ko iyon mismo." Seryosong tugon  nito

"Asawa ka ba ng kapatid ko?" Ani Davies

Na parehong nagpalaglag sa panga ni Mira at ng Doctor

"ANO? H-hin--" Agad siyang pinigilan  ng Doctor sa pagsasalita

"Ahh oo! asawa siya ni Elijah hehe.. Pasok ka Ihjo"  Pagsisinungaling nito

Gusto niyang tumutol ngunit papaano? gayong tumatango-tango na si Davies sa narinig. Pinandilatan niya ng mata ang Doctor ngunit gayon din ang ginawa nito sakaniya..

"Ang dami ko na talagang di maalala, pati pag-aasawa ng kapatid ko wala man lang akong ideya.. [Chukles] Asan nga pala si Elijah?"

"A-ah.. bumili ng--"

"I'm Home!" Sabay silang napalingon sa pinangalingan ng tinig na iyon.

Nakangiting sinalubong  ni Davies ang kapatid kung kaya  nakahanap ng pagkakataon ang Doctor na hilain siya sa tabi nito

"Doc bakit niyo naman sinabing Asawa ako ni Elijah? ano nalang ang iisipin ng asawa ko pagka bumalik na ang alaala niya?"

"Haynaku Ihja, sumabay ka nalang ano. Alam mo bang ngayon lang ako nakapagsinungaling ng ganito ka tindi? jusmio santisima oo-kayong mga Agusta, Ang sasakit ninyo sa Ulo."

Magsasalita pa sana siya ng maramdaman ang pag-akbay ng kung sino man sakaniya at ng kaniya iyong lingunin ay si Elijah pala

"Ano itong pinasok ninyo at tinatanong ako ni Kuya kung kailan daw ba tayo kinasal?" bulong nito sakaniya na sila lamang dalawa ang makakarinig

"Hindi ko rin alam Elijah, si Doc ang may pasimuno ng lahat. Ang sabi niya makisabay nalang raw tayo.." Nakangiwi niyang bulong rin dito

Naasiwa siya sa ginagawang pag-akbay nito kung kaya kaniyang tinanggal ang Braso nito sa kaniyang leeg, ngunit di paman din siya nakakagalaw upang umalis sa tabi nito ay nahawakan na nito ang kaniyang bewang

"Elijah!" Asik niya sa tenga nito

"Shh, ang sabi mo'y makisabay hindi ba?" Anito na nilingon siya kung kaya napalunok siya sapagkat isang dipa  nalamang ang layo ng mukha nila.

"o-okay.." sambit na lamang niya, wala nasiyang magawa. She was trap..

"I'm happy for you bro' sa wakas ang nakababata kong kapatid. May Asawa na!" bati  ni Davies sa kapatid

"Aheehee thanks kuya.." Ani Elijah

"Syanga pala kuya, bakit ka nga pala napadalo rito?" Ani Elijah na mas lalong ipinulupot ang mga braso sa bewang ni Mira

Di iyon nakaligtas kay Davies kung kaya napasulyap ito sa braso ng kapatid na nasa bewang ni Mira, Di niya maipaliwanag ng makadama ng iritasyon sa ginawa ng kapatid ewan niya ba kung bakit. Kung kaya kaagad niya iyong iwinaksi sakaniyang isipan at nakangiting muling hinarap si Elijah

"This has to be Celebrated, after the accident ngayon lang ulit ako nakapagtuklas ng mga bagay-bagay from my present na hindi ko na maalala so.. How about i Invite you for for a dinner? Isasama ko narin ang Asawa kong si senith." Paanyaya sakanila ni Davies

Ibig nang sumabog ni Mira dahil sa tindi ng kirot na nadama niya sakaniyang Dibdib ng banggitin ng Kaniya mismong asawa ang pangalan ng ibang babae na tinuturing na nitong asawa sa ngayon..

Gusto na niyang magwala at sabihin rito ang totoo, kung hindi lamang  niya iniisip ang batang nasa kaniyang sinapupunan ay baka sa una palang ay napaamin nasiya rito.

"Sure!" Siya na ang sumagot

Gusto niyang makitang muli ang asawa, kaya kahit pa alam niyang iba ang makakasama nito sa dinner date nilang iyon ay didedmahin niya makasama at makita niyalang muli ang asawa..

Pansamtala niyang babalewalain ang Selos at inis na nararamdaman niya sakaniyang dibdib, Umaasa parin siyang babalik ang alaala nito.. na babalik ito sakaniya.

"S-sure?" baling sakaniya ni Elijah na gaya  ng Doctor ay nagulat rin sa naging sagot niya

"Sure, Ayaw mo ba nun hon? makakasama natin ang kapatid mo? mamimeet pa natin ang asawa niya.. 'diba?" she said na kay Davies nakatingin

"huy sigurado ka ba? concern lang ako sa mararamdaman mo pag nakita mo silang magkasama Mira.." Muling bulong sakaniya ni Elijah

"Sasama kami sa'yo mamaya Davies, sabihin mo nalang kung saang restaurant at pupunta kami. Asahan mo yan." Nakangiti niyang saad na nagpangiti narin kay Davies

"Okay, I'll just send you a text bro. Promise that would be fun.. Alis na ako. Bye Mira.."  He said looking at her seriously

"B-ye Davies.." Shr said

Hindi niya alam kung bakit tila isang itak ang mga salitang iyon na humaharang sakaniyang lalamunan at hirap na hirap siyang banggitin..

She hate goodbyes..

lalo na sa ganitong sitwasyon nila ng kaniyang Asawa.

 "He's Into Me" [AGUSTA Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon