CHAPTER 9

160 14 1
                                    

____

Pasado Alas sinco na ng hapon ay di parin kumakain si Mira, Ikatlong araw na ngayon ni Davies sa Hospital at wala parin itong malay Nakakapasok lamang siya sa loob ng kwartong pinaglagian  nito sa tuwing umaalis ang kaniyang byenan at abuelo ng asawa sapagkat sa tuwing nakakasabayan  niya ito sa pagbisita sa asawa'y hindi siya pinahihintulutan ng mga itong pumasok sa loob ng Kwarto nito.

Kasama niya ngayong dumalaw ay si Michelle at ang pinsan niyang si Maeanne, kakauwi lamang ni Michelle galing Abroad, dapat ay sa susunod pang Linggo ito uuwi ngunit napaaga ang flight nito ng malaman ang nangyari sa kaibigan.

"He is still unconcious, ilang araw nayan?" ani Michelle sa mahinang tinig

"Tatlong araw na" Maikling sagot ni Mira

Nilingon ni Mira ang pinsan upang atasan itong bumili na muna ng makakain nilang tatlo

"Lumabas kana muna mae, bumili ka ng pagkain natin, may nakita akong Fastfood sa tapat nitong Hospital doon kanalang tumungo. Etong pera" Ani Mira sa pinsan na agad ding inabutan ng pera, tumango si Maeanne pagkatapos ay lumabas na ito

Sinadya niya talaga iyon upang makapag-usap sila ni Michelle ng maayos

"What did the doctor told you about his condition Mira?" Baling ni Michelle sakaniya

Ngunit hindi paman din siya sumasagot ay humikbi  nasiya, Sabi ng Doctor ay masama raw sakaniya ang maistress lalo pa't nagdadalang-tao siya at ni isa sa mga kakilala niya'y wala pa siyang sinasabihan sapagkat ang gusto niyang unang makaalam nito bukod sa doctor na sumuri sakaniya ay walang iba kundi si Davies ang kaniyang asawa. she want to celebrate with him but how can she celebrate with her husband right now? gayong hanggang ngayon ay hindi parin ito nagigising, at kung magigising man ay hindi niya alam kung makikilala pa ba siya nito o hindi dahil sa sinabi sakanila ng doktor noong unang araw ng kaniyang asawa sa Hospital after the surgery

"Hey Mira, are you okay?" Pag-aalalang tanong ni Michelle na agad siyang inalalayang umupo sa bakanteng upuan

'No I am not okay!' She want to say out loud ngunit mas pinili niyang ikimkim nalamang iyon at pinunasan ang kaniyang mga luha

"I am okay, I-i just.. I just miss my husband Michelle, Tatlong araw na halos akong hindi nakakatulog dahil sa pag-iisip sa kalagayan niya, k-kung gigising naba siya at kung pag gising ba niya ay naalala niya parin ako o hindi na? Ang sakit lang kasing isipin iyon.. P-paano nga kung hindi na? paano na ako? paano na.." Tuluyan na ngang bumuhos ang mga luha ni Mira, hindi pa kasi niya gaanong alam kung ano na ang kalagayan ni Davies.

"Anong ibig mong sabihin Mira? anong naalala ka pa niya pag gising niya?" Maang na tanong ni Michelle sa gitna ng pag-alo niya kay Mira

Saglit na tumigil si Mira sa paghikbi. Suminghot siya't muling pinunasan ang naglalandasan niya paring mga luha sakaniyang pisngi gamit ang tissue niyang hinugot sa kaniyang bag

"Sabi ng Doctor Maaring Magkakaroon ng Amnsesia si Davies pagkagising niya, dahil iyon sa matinding fracture ng kaniyang Ulo" Tumigil siya saglit sa pagsasalita sapagkat muli siyang humikbi ngunit sandali lamang iyon dahil agad rin siyang nakabawi at muli na  namang nagsalita "Wala pa ni isa saamin ang may alam kung ano lamang sa parte ng buhay niya ang kaniyang maalala sapagkat hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising, Michelle__" Napalinga siya sa kaibigang umaalo sakaniya "Paano nalang kung hindi niya ako maalala? Hindi ko iyon kakayanin, masyado na akong nasanay na kasama ang asawa ko_ang sakit sakit Michelle! isipin ko palang ay parang hindi ko na talaga kakayanin.."  Muli siyang nagpalunod sa sakit na nararamdaman at itinuloy ang kaninang naudlot na pag-iyak

"Shh Tama na Mira, Tumahan kana. Hindi pa naman  natin natitiyak iyon hindi ba? Wala pa tayong alam sa maaring mangyari pag gising niya, Isa pa baka sakali lang namang magka-amnesia siya so what if hindi? what if nagkamali lang pala ang doctor? Wag na muna tayong mag focus sa mga negatibong bagay, doon lamang tayo sa positibo. Mahal na mahal ka ni Davies kaya maalala ka niya okay?" Anito saka hinagkan ng magkabilaang kamay ang kaniyang mukha "Okay Miracle? You are a strong Woman Mira, ganoon ang pagkakilala sa iyo ni Davies base on what he told me about you, So please be strong. Para sa inyo ng Asawa mo, Don't quit on him yet okay? Let's be positive hm?" Pagpapakalma nito sakaniya

Na inaamin niyang nakatulong naman din dahil gumaan nga kahit papaano ang pakiramdam niya, tumango siya't muling pinunasan ang kaniyang mga luha. Pagkatapos ay Umayos na ng upo. Nanatili ang mga mata sa Asawang nakabenda parin ang Ulo habang nakahiga sa Kama nito.

God knows how she wish he's awake and tell her that everything will be okay, sa loob ng tatlong araw ay wala siyang ibang inasam kundi ang madinig muli ang malamig nitong tinig habang malambing siyang kinakausap, ang mga  haplos nito't mga yakap sa tuwing sila ay matutulog mapagabi man o umaga iyon. His every kisses, his natural scent. Lahat-lahat sakaniyang asawa ay namimiss niya na. Gustong gusto niya nang makitang muli ang mga mata nitong ibig siyang tunawin sa tuwing tinititigan siya, sa mga ngiti nitong dala'y kiliti sa buong kaibuturan niya..

'I miss you so much honey, please.. please come back..' pagsusumamo niyang saad sakaniyang isipan

Napahilot siya sakaniyang sintindo ng maramdaman ang pagsakit niyon, Nahihilo na naman siya.

"Mira are you okay? Mukhang pagod na pagod kana, you need to rest." Ani Michelle sa nag-aalala tinig, agad nitong inalalayan si Mira

"Okay lang ako Michelle, Gutom lang ako. Pabalik narin naman ata si Maeanne kaya makakakain na tayo, don't worry about me."

"You don't look okay Mira, Alam mo ang mabuti pa sa bahay kanalang muna tumuloy, Doon mas makakapagpahinga ka ng maayos-"

"No michelle, ayokong iwan si Davies dito, gusto ko nandito ako pag kagising niya" Awat niya sa dapat na sasabihin pa sana ni Michelle

"Mira, mas lalo mo lamang hindi makikitang magising yang asawa mo pagka ikaw naman itong nagkasakit at naisugod dito sa Hospital ano! look at yourself myGod mira! Isang taon lang akong nawala at pagbalik ko nangayayat kana." Inis man ay hindi parin maitatago nito ang pag-aalala para sa kaibigan

 "He's Into Me" [AGUSTA Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon