CHAPTER 21

214 14 2
                                    

______

Hospital

Mahigit bente cuatro oras na walang malay si Mira at nagising lamang siya ng dahil sa masama niyang panaginip

Humahangos siya't nagsisigaw ng siya ay datnan ni Elijah, saglit kasing lumabas ito upang bumili ng kape at makakain niya sakali man na siya ay magising na

Patakbo siyang tinungo ni Elijah't Marahang hinaplos ang kaniyang kamay at mukha

"Yung anak ko! yung anak ko! kukunin nila ang anak ko!" Umiiyak na saad ni Mira

"Shh.. Hey, hey hey, I'm right here Mira. Tahan na please? Walang mangyayaring masama, walang kukuha kay baby sinisigurado ko yan sa iyo" Ani Elijah

"P-pero nanaginip ako Elijah, S-si Mommy at si Davies kasama si Senith! Kinuha nila ang anak ko! Kukunin nila ang anak ko! Hindi pwede!" Histerikal niyang saad na mas lalo lamang ikinabahala ng binata, Naguguluhan man ay minabuti niya paring patahanin ito kahit pa di niya alam kung paano

"Mira No, Tahan na. Hindi nila makukuha ang anak mo okay? Hindi ako papayag na gawin nila iyon."

"Ngunit Elijah-"

"Marry me." seryoso niyang saad na nagpapitlag kay Mira, Gulantang niyang nilinga si Elijah. Naniningkit ang mga matang Pinakatitigan ang binata, hinahanap sa mga mata nito ang reaksyong ibig niyang makita, Kung ito nga ba'y nagbibiro lamang o hindi.

Ngunit wala siyang ibang makita sa mga mata nito kundi ubod ng kaseryosohan--animo'y kulang nalang Umiyak na ito upang mapatunayan lang sakaniya na seryoso ito.

Napalunok siya ng bahagya dahil sa kabang namutawi sakaniyang kaibuturan, Agad siyang nag-iwas ng mukha at pinakiramdaman ang kaniyang tiyan. Okay naman na ang kaniyang pakiramdam at pakiwari niya'y ayos lang naman ang kaniyang anak.
Muli niyang tinapunan ng pansin si Elijah na para bang inaantay lang nito ang kaniyang magiging sagot. Humugot siya ng malalim na hininga saka iyon ibinuga sa kawalan.

Hindi niya na tuloy alam kung ano ba ang kaniyang isasagot rito lalo pa't magmula kanina'y hindi man lang niya ito nakitaan ng pagbibiro gaya ng palagi nitong ginagawa

"A-ano bang pinagsasabi mo diyan Eli-"

"I'm serious Mira, I like you-No. I love you--"

"Elijah ano ba! Alam mong hindi pwede hindi ba? Mahal ko ang kapatid mo, Asawa ako ng kapatid mo at-- isa pa! Buntis ako sa kuya mo! Magkakaanak na kami Elijah!"

"Kaya kong panagutan ang bata Mira, Kayang kaya ko--"

"Hindi ko hinihingi ang panagutan mo ako, Ipaliwanag mo nga saakin kung bakit ka nagkakaganiyan? D-dahil ba to sa mga pinang-gagawa saakin ng Byenan ko ha? Naawa ka ba saakin Elijah kaya mo saakin sinasabi yan?"

Umiling ang Binata, Nasa mga mata parin nito ang buong kasiguraduhan.

"No Mira, Gusto na kita nung una palang.. Una kitang nakita sa Kumpaniya ni Kuya noon-- Di mo na siguro ako napansin ngunit dinalaw ko si kuya noon at nakita kita, I fell inlove with you nung una palang,Wala lang talaga akong lakas ng loob na sabihin sa-iyo dahil palaging nakabantay sa iyo si kuya kahit saan kaman magpunta.. Too late mira, It's too late for me, Dahil biglang nalaman ko nalang na Ikakasal na si Kuya.. At sa iyo iyon. I am so broke, but then i accepted it because i love my brother. Pero sa mga nang-yayaring ito Mira, Hindi kaya.. Hindi kaya tayo talaga--"

"Elijah?"

Pareho silang napalunok at sabay ring napalingon sa pinang-galingan ng boses na iyon.

Halos lumuwa ang kanilang mga mata ng makitang si Davies iyon. Hindi tuloy mapigilan ni Mira ang mapangiti dulot ng labis na kaligayahan ng makita ang Kaniyang asawa, at-may dala-dala pa itong prutas.

"K-kuya.. A-anong ginagawa mo dito?"

"Mom ask me to. Hindi ko alam kung bakit, ngunit ng malaman ko ang nangyari ay kinabahan ako at labis na nag-alala kay Mira.. So I am here, Kumusta siya?" Anito na papalit palit parin ng tingin sakanila

Mabilis na tumayo si Elijah at Hinawakan ang kamay ni Mira, Di naman iyon nakalagpas kay Davies kung kaya nangunot ang noo nito sa kapatid

"Kelan ka pa nakatayo riyan kuya? bat di ka kumatok." Matigas na saad ni Elijah

Nagtaas ng kilay si Davies, ewan niya ba kung bakit tila nakakaramdam siya ng pagkairita sa inaakto ng kapatid na parang ayaw ata nitong Dalawin niya si Mira

"Kakarating kolang." Maikli niyang sagot

"Really?" Ani Elijah na tila ba hindi ito kumbinsido sakaniyang sinabi

Umigting ang panga ni Davies, samantalang si Mira naman ay di mapigilang pagpawisan. Malamig naman sa loob ng silid na kaniyang pinag-lagian ngunit tila ba hindi iyon umi-epekto sakaniya, sa mga titigan palang ng dalawang lalaking nasa loob ng silid na iyon ay may dala nang apoy. Nagliliyab ang kanilang mga mata..

Di niya mapigilang kabahan.

"Bakit Elijah? Meron ba akong dapat na marinig?" Nangungutyang tugon ni Davies bahagyang nakangiwi sa kapatid

Ramdam ni Mira ang animo'y matinding apoy na namunutawi sa pagitan ng dalawang magkapatid kung kaya agad siyang gumawa ng paraan upang palamigin iyon

Agad siyang bumitaw sa pagkakahawak ni Elijah ng kamay niya at ngumiti ng malapad

"Ah Davies maupo ka, Uy nag-abala ka pang bumili ng Prutas at bulaklak salamat ah?" Aniya na pilit ngumingiti

"Your welcome, kumain ka na ba?" Ani Davies na nagdire-diretsyo kay Mira. Walang pakialam kung nasa loob man ang kapatid

"Ah h-hindi pa.." lumingon si Mira sa Mesa, may pagkain nang nakalatag roon at alam niyang si Elijah ang nagdala niyon

"Bumili naman na si Elijah ng pagkain kaya kakain na ako." Aniya

Nilingon siya ni Elijah't napangiti ito ng banggitin niya ang tungkol sa pagkaing binili nito kung kaya agad nitong kinuha ang Pagkain at siya naman ngayon ang lumapit kay Mira at si Davies naman ang nasa likuran

"Kumain kana Honey, masarap itong mga pinamili ko--"

"Mas mainam na kumain ka ng prutas mira, mas masustasya iyon." Sabat naman ni Davies

"Mas masarap itong binili ko, Gulay to--"

"Still Fruits--"

"aynaku! tama na okay? oo na! ano bang problema niyong dalawa ha? pwede namang kainin pareho yan eh." Ani Mira sa naiirita ng tono

Saglit lang na nagkatitigan sina Davies at Elijah ngunit kinalauna'y wala narin naman nang isa pa sakanila ang nagsalita. Parehong tumabi nalang at pinagmasdan si Mirang kumakain. Walang umiimik, ngunit pareho namang pinakikiramdaman ang isa't-isa.

 "He's Into Me" [AGUSTA Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon