_____
"But we have no time at all sir, Mahirap maghanap ng artistang sikat at hindi gaanong busy sa ngayon!" ani Magno
"Then find somebody who can be a model for a days! kahit sino!" Asik ni Davies na ikinapitlag ng lahat
Ng bigla nalang narinig ang pag palakpak ng direktor, kaya lahat sila napalingon rito
"Alam ko na! alam ko na! May maipapalit na tayong modelo sir!" anito
tinaasan siya ng kilay ni Davies maging ng mga empleyado nito sa kadahilanang hindi nila maintindihan ang ibig nitong sabihin
"Sino?" maang nilang tanong
"Edi ikaw at si Michelle!" Anito na ikinagulat ng lahat, lalo na ni Mira
"What?" Di makapaniwalang tanong ng binata
"Oh bakit? pareho naman kayong matangkad na dalawa, maganda gwapo! Bagay na bagay, Pwedeng pwede kayong dalawa sir!" Anito na tumitili pa
"Oo nga no? Bagay nga kayo sir! oo nga tama kayo nalang!" dagdag naman ni Dorothy
"Isa pa yung tema ng scene na ating gagawin ay para sa mag couple, nagkukunwaring couple basta! Kasi most of the scene are all romantic kaya nararapat lang talaga na Kayo yun tutal naman Mag fiancé na kayo hindi ba?" muling saad ng baklang direktor
Napapikit nalamang si Mira ng mariin ng madinig ang mga sinabi nito, bakit nga ba siya nasasaktan. Magmula noong nakita niya itong muli ay tila ba lahat ng galit niya rito noon ay nawala na, napalitan nalamang iyon ng sakit, pagsisisi at_selos sa tuwing nakikita niya ang dalawa..
Ano pa kaya ang mararamdaman niya pag nakita niya ang dalawang ito sa bawat senaryo ng ads na kinailangan nilang iakto sa harap ng camera..
Napabuntong hininga nalamang siya sa kawalan, pakiwari niya'y nakakapanghina na ang mga nangyayari ngayong umaga palang.
"Pumayag na kayo sir Davies, sige na po para naman to sa kumpaniya ninyo eh." pagsusumamo ng mga empleyado ng binata maging ng direktor maliban kay Miracle
"Fine." Nakangiti niyang sagot, pagkuwa'y nilingon si michelle
"Okay then, if it's okay with Davies then its okay with me." Sagot naman ni Michelle
'Ugh this is torture!' ani Mira sakaniyang isipan
"Yey! Osya hali na kayo sa Airport at ng sa gayon e' hindi naman tayo gaanong gabihin pagdating nating palawan!" Natatarandang saad ng mga kasamahan niya, ngunit ang dalaga'y tila ba nawalan ng lakas ng loob na maglakad pa, kung di lamang siya hinila ni Dorothy patungo sa mga kasamahan nito ay malamang hanggang ngayon ay nakatayo parin siya sa iisang lugar
Bagsak ang balikat niyang naglakad, hanggang sa Pumasok na nga sila sa Malaking Van na kulay itim, Samantalang si Davies at Michelle naman ay sakay mismo ng sasakyan ni Davies at ito pa ang nagmamaneho
Di mapigilang mapapikit nalamang sa sakit na naidudulot ng matinding selos na nabubuo sakaniyang dibdib si Mira, Pakiwari niya'y hindi na niya lalo pang kinakayanan ang mga nakikitang kasweetan ng dalawa. Ngunit ano nga ba ang magagawa niya?
Noon ay naitanong na ito sakaniya ng kaibigan niyang si Jam, kung kakayanin ba niyang sa iba nalamang itinuon ni Davies ang kaniyang Pansin and she answered yes, but why is she hurting now?
____
Pagkarating nila ng Airport ay agad na silang iginiya ng Pilotong nag-aantay na pala sakanila, Ang private airplane kasi nina Davies ang kanilang gagamitin patungong Palawan upang ng sa gayon ay hindi na sila gaanong pang matagalan sa pag-aantay ng pagtawag sakanilang flight.
tabi-tabi lahat maliban kay Mira na mas piniling mapag-isa, she made sure na nasa hulihan siya.
Mahaba ang byahe kung kaya naisipan nalamang na muna niyang matulog. Not minding other people's business.
_____
PALAWAN
Ang Palawan ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa mimaropa. Ang Lungsod ng puerto prinsesa ay kabisera nito at ang pinakamalaking lalawigan sang-ayon sa laki ng lupain. Bumabagtas ang mga pulo ng Palawan mula sa Mindoro hanggang Borneo patungong timog-kanluran. Matatagpuan ito sa pagitan ng Dagat timog tsino sa hilagang-kanluran at Dagat Sulu sa timog-silangan.
Pagbaba nila sa Private Plane ay agad silang sinalubong ng isang babaeng Tour Guide, Nakangiti ito.
"Hello, my name is Rica and I want to be your travel companion here in Palawan. If you're constantly on the look out for new travel destinations, then you've surely heard of Palawan. Don't worry, you'll be accompanied by the guides. Our expert team can help you choose from the astounding range of experiences available in this colourful and diverse Coron Palawan." masigla nitong saad
Ngunit di paman din ito natatapos sakaniyang pagsasalita ay agad na itong binara ni Davies
"No, sorry but we're not interested. We're here for a photoshoot and an ads to make not to have fun." Diretsyahan niyang saad saka Mabilis na nilagpasan ang Babaeng Tourguide
Napangiwi nalamang si Mira ng madinig iyon, Badmood si Davies oo. Pero hindi naman niya pwedeng idamay lahat pati inosenteng tao.
"Pasensya ka na Miss ah? salamat nalang, pero wag kang mag alala baka pagkatapos naming magshoot baka kailanganin karin namin sa huli, yun ay kung may extrang oras pa kami para magsaya, but anyway salamat parin ha?" Ani Mira sa babae
"No it's okay maa'm we're used to it naman na po, enjoy your stay here." palakaibigang saad ng Tourguide
____
@HOTEL"Dorothy ask the frontdesk if they still have available room for 12 people in this hotel, mukha kasing pati yun ay nakalimutan narin ni Miracle." Ani Davies sa malamig na tinig
Muling napapikit si Mira dahil dun sapagkat tama nga ito, maging iyon ay nakalimutan niya, Galit na naman tuloy sakanya ang amo Dapat ay trabaho niya iyon as a secretary but now look, si Dorothy lahat ang gumagawa ng dapat ay siya ang gumagawa.
Ewan ba niya kung bakit tila wala siya sa sarili ngayong araw, isang oras lamang ang tulog niya kung kaya tila lumilipad pa ang ispipan niya, she want some rest
"I'm sorry sir, Nakalimutan--"
"D*mn that reason Mira! Nextime sabihin mo nalang saakin kung hindi mo na kaya yang Posisiyon mo dahil ibibigay ko yan kay Dorothy tapos ikaw naman ang sa Posisyon niya!" Singhal sakaniya ni Davies
Gusto na niyang Umiyak, she can't believe him being this angry and cold at her.. Nasasaktan siya.
"I'm sorry sir." Nasabi nalamang niya pagkuway Mabilis na tumalikod rito't Tumakbo pabalik sa labas ng Hotel
Di na niya mapigil ang mga luhang kanina niya pa pinipigilang lumandas, Akala niya nakalimutan niya na ang kaunting pag-ibig na meron siya sa lalaking iyon ngunit nagkamali siya, Mali na naman siya.
Tumakbo lamang siya, hanggang sa Siya ay napahinto ng masulyapan niya ang napakagandang senaryo ng pagbaba ng araw..
Napangiti siya ng mapakla ng makita iyon..
"Sana araw nalang ako, sumisikat man sa umaga't nakikita ng lahat pero pagdating ng dapit hapon ay nakakaya niya paring magtago, lumisan kahit pansamantala lang kung saan wala nang nakakakita sakaniya.. Upang ng sa gayon hindi nila makita kung gaano ako nasasaktan, kung gaano kalungkot ang aking mga mata.." Malungkot niyang saad
Naisip niyang maupo sa buhangin wala siyang pakialam kesyo madumihan man ang kaniyang suot na pantalon.. Nakapikit habang ninanamnam ang sarap ng simoy ng hangin..
Nasa ganoon lamang siyang sitwasyon ng sa di kalauya'y narinig niyang may tumawag sakaniyang pangalan..
"Mira? Bes?" Anito
Nagdilat siya ng mata at puno ng pagtataka itong nilingon, Laking gulat niya ng makitang si Jam iyon, ang matalik niyang kaibigan. Ngunit ano ang ginagawa nito rito ngayon?
BINABASA MO ANG
"He's Into Me" [AGUSTA Series #1]
RomanceDavies was a famous Cassanova in Town, He fell for the first time to the Girl named Miracle, But She hates him. (≧▽≦) _____ DISCLAIMER] This is a work of fiction/Fanfiction Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are ei...