CHAPTER 15

243 15 1
                                    

_____

Tuluyan na ngang nilisan ni Davies ang barrio de gracia, At sa paglisan niyang iyon..

Saka lamang bumagsak ang mga luhang kanina pa pinipigilan ng dalaga, buong pag-aalala siyang nilapitan ng pamilya lalo na ng kaibigan niyang si Jam

"Anak Mira, Ano ba kasi ang nangyari? May namamagitan ba sainyo nung Boss mo? Bakit naman anak? Mukhang mabuting bata pa naman.." Saad ng kaniyang Ina

"Napaka choosy ne'tong si Ate oh, siya na nga tong pinuntahan dito nung tao umayaw pa, tapos dinamay niya pa tong si Kuya Jam sa pagsisinungaling niya, O? tapos ngayon iiyak iiyak ka ate? Alam mo ang talino mo oo, pagdating sa lahat ng bagay pero pagdating talaga sa usaping pag-ibig apaktanga mo ate, sorry ah? pero totoo yun ate eh, tanga ka." Prangkang saad ng kaniyang kapatid na si Mimi

"Tumahimik ka nga diyan Mimi! di ka nakakatulong, maglaba kanalang kaya dun!" saad naman ng kapatid niyang lalaki na si Vince

"Magsitigil na nga kayong dalawa, Ikaw mimi napakabata mo pa ang dami mo nang alam! tsinyelasin kita riyan eh! hala pasok sa bahay! kita niyo na ngang umiiyak yung ate ninyo nakikidagdag pa kayo! pasok!" Paninermon ng kaniyang ama sa mga kapatid niya, dagli namang sumunod ang dalawa saka mabilis na tumakbo papanhik sakanilang tahanan

"Maiwan na muna namin kayong dalawa, Jam kausapin mo." Anito na kay Jam nakatingin  bago iginiya ang misis pabalik sa bahay

Tumango si Jam saka Nilapitan pa lalo ang kaibigan upang bigyan ng mahigpit na yakap

"Tahan na bes, Kaw naman kasi bakit mo ginawa sakaniya yun? tyaka isa pa, akala ko ba wala kang nararamdaman para sakaniya? bakit ngayon umiiyak ka? Nasan na yung Mira na matapang? mataray, palaban.. At matatag?"

Sa sinabing iyon ng kaibigan ay lalo lamang napahagulgol sa iyak si Mira, maging siya man ay hindi niya maipaliwanag kung bakit siya nasasaktan, Hindi ba dapat masaya siya gayong tuluyan na nga siyang tinigilan ni Davies, ngunit bakit kabaliktaran niyon ngayon ang nararamdaman niya, Bakit siya nasasaktan?

"Akala ko.. Akala ko pag nilayuan ko na siya at siya'y lumayo rin saakin magiging okay na ako, akala ko pag tinigilan niya na ako sa pangungulit niya magiging masaya na ulit ako, yun yung akala ko eh.. P-pero bakit ngayon? Nasasaktan ako? Bakit ko nararamdam ito Jam? Gustong gusto ko nang kasuklaman ang aking sarili ngayon! I shouldn't be feeling this! i should be happy! dapat nga nagcecelebrate ako ngayon eh kasi sa wakas tinigilan na akong ng isang Davies Agusta! The Famous Cassanova in town but why can't I? Naguguluhan na ako bes.." Aniya sa gitna ng kaniyang pag-iyak

Bumuntong hininga si Jam, Saglit siyang huminto sa pag alo rito dahil kaniya na munang hinagilap ang Scarf na nasa bulsa ng kaniyang pantalon

Pinunas niya iyon sa mga luha ng kaibigan.

"Naguguluhan ka? Well I'll tell you why your feeling that way Mira, Nasa indenial stage ka pa kaya di mo pa maintindihan, pero ako na mismo ang magsasabi sa iyo kung ano ang ibig sabihin niyan, Inlove ka na sakaniya Mira, itanggi mo man iyon ng paulit-ulit ngunit hindi iyon maitatago ng iyong puso at ng iyong mga mata, I know you love him.. pareho kayo, Ramdam ko ang sinseredad nung Davies sa iyo kanina.. Sa mga mata niya makikita mo kung totoo nga ba ang kaniyang sinasabi o hindi, ganun karin. Lahat ng sinasabi niya sayo kanina'y totoo, pero ikaw? bakas sa mga mata mo na nagsisinungaling ka!"

"P-pero papaano ako maiinlove sa isang kagaya niya? Galit ako sakaniya! galit na galit!"

"Sinasabi molang yan dahil palaging pumapasok sa isipan mo kung anong klase siyang tao dati, him being a womanizer scares you but Mira.. People change, at para matagumpay nilang magawa yun, kailangan din natin silang bigyan ng pagkakataon, A chance to help them not to be the person they were like before, He ask you for a chance, but you did not give him that, Paano ka ngayon? You fell for him already, but you dump him! now look at you? kakayanin mo kayang makita siya na sa iba naman hinihingi yung chances na iyon na hindi mo makayang ibigay sakaniya?"

Saglit na natigilan si Mira sa sinabing iyon ng kaibigan

'Kakayanin ko kaya?' she ask in mind

Muli niyang inayos ang kaniyang postura't pinunasan ang kaniyang mga luha bago muling pinakatitigan ang kaibigan, taas ang noo

"I can, and I will. Gaya nga ng sabi mo nasa Indenial Stage palamang ako, pero pag sinubukan kong walain itong namumuong feelings ko para sakaniya sigurado akong mawawala din to, I've been here before and just like in the past, Nakayanan ko."

Muli siyang nagpunas ng luha, at napabuga ng hangin sa kawalan

"I need some rest.. Diyan kana muna bes." Aniya bago tinalikdan ang kaibigan, Naisip niyang magtungo nalamang sakaniyang kwarto at isinara iyon upang wala na ni isa mang makadistorbo sakaniya

She need a lone time, for her to think and somehow feel better

_____

SAMANTALA

Pagkauwi ni Davies sa Maynila, Laking gulat nalamang niya ng madatnan niya ang kaniyang Abuelo kasama ang kaniyang Ina at si Michelle kasama ang mga magulang nito

Nakangiti siya nitong sinalubong

"Your home! thankGod!" naibulalas ng kaniyang Lolo

"What are you guys doing here? anong meron?" He ask out of curiousity, Nagtataka siya kung bakit ito narito sakaniyang Penthouse

"Please maupo ka na muna anak." Said her mom

Agad niya rin namang sinunod ang ipinag-uutos nito, kay Michelle siya pinatabi.

Tiim bagang niyang tinapunan ng tingin ang mga magulang ni Michelle gayon din ang kaniyang lolo at Ina, Pakiwari niya'y nahuhulaan niya na kung bakit narito ang mga ito

It's for the both of them to be Married,  alam naman niyang matagal nang nakaplano ang tungkol sakanila ni Michelle, But they don't like eachother, hanggang magkaibigan, magkapatid lang talaga ang turingan nila. Ilang beses narin silang tumutol sakanilang mga magulang tungkol sa plano nito para sakanila pero wala silang magawa. Kaya siya naging Womanizer noon sa kadahilanang gusto niyang bigyan ng sakit sa ulo ang kaniyang Mama at ang mga magulang ni Michelle, alam rin iyon ni Michelle at nakikiayon ito sa kaniyang pambababae dahil sa kagustuhan nila na wag na silang ipakasal na dalawa, He want his image to be dirty just for Michelle parents to not like him or want him for their Daughter, pero wala parin iyong kwenta sapagkat imbes na magalit ito ay mas lalo lamang nitong ikinatuwa na mas lalo nasiyang sumisikat dahil dun, he even got awards for being the most famous Cassanova in town. All of it he did to get away with their Fix marriage, Not until Miracle came into his Life, That was the fisrt time he fell inlove, Inaamin niya naman sa sarili na Nag-eenjoy siya sa pambababae, kaya nga hirap siya ng kaniya iyong tigilan. But for Miracle, He did. Tama nga ang sinabi sakaniya ng mga kaibigan, Pag nagmamahal ka talaga, walang mahirap.

But now what? May napala ba siya sa pag-ibig na iyon, Hindi ba't wala rin.

Napabuntong hininga nalamang siya ng marinig na magsalita ang ama ni Michelle, Pinaplano ng mga ito ang engagement party nila, Ibig niya pang matawa ng malamang pati singsing ng anak ay sila narin ang bumili, So Hindi na pala siya mag Eeffort.

"Bukas na mismo natin gaganapin ang Engagement party ninyo, tutal naman matagal na natin itong pinagplanuhan kaya wala na kayong dapat na poproblemahin pa, all you gotta do is enjoy the night." Nakangiting saad ng ama nito

 "He's Into Me" [AGUSTA Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon