CHAPTER 7

165 13 1
                                    

______

"This One's called 'Infinitemond'  shortend name of both Infinity and diamond. You see, infinite yung designs ng singsing ngunit pinalilibutan ito ng maliliit na nagkikisapang diamond. Luxurious ring ito kung tawagin ngunit kung para lang sa iyo ay barya lamang ito [Chuckles] Marami nang gustong bumili nito ngunit sa tuwing naririnig nila ang presyo ay tila ba umaatras nalang ang kanilang dila kung kaya di nalamang nila itinutuloy ang pagbili nito, Para yata talaga ito sa inyo ng Asawa mo." Ani Daisy saka iniabot kay Davies ang lalagyan na kahon na kasing laki ng kahon ng posporo

Nakapaloob roon ang dalawang Singsing, ibig niyang bumili pa ng isa pang pares niyon upang iyon ang gamitin sa pagpopropose sa asawa at ang nabili niya namang nauna na couple ring naman is for their church wedding.

Napangiti si Davies ng masuyong tinitigan ang kumikislap na singsing, sigurado siyang magugustuhan iyon ng asawa kahit pa hindi naman talaga materialistic ito.

"I'll take this." He said

Pagkatapos nun ay agad  niyang binayaran ang singsing, masaya iyong isinilid sa bulsa ng kaniyang pantalon.

Bago umuwi ay sumaglit pasiya sa pamilihan ng mga bulaklak at bumili roon ng rosas na tatlong piraso saka Bouqet ng sunflower naman ngayon, Inatasan niya ang nagbibenta na idagdag sa bouqet ng sunflower ang tatlong piraso ng rosas saka niya ito binayaran at binigyan pa ng tip, pagkatapos niya roon ay bumili narin siya ng chokolateng paborito ng asawa, yaong Kitkat at gerry.

"I can't wait to see her reaction after seeing this sunflowers." He said excitedly

Balak niyang mag propose sa asawa sa susunond na linggo sapagkat ipinapahanda niya pa kay Brandon na kaibigan niya ang Restaurant nito, balak niya kasing doon mag propose sa asawa, Gusto niya iyong romantic ang scenario at may mga choir na kumakanta habang nagpapatugtog ang mga barkada niya ng kanta.
Balak niya ring imbitahan ang buong pamilya ni Mira sa araw na iyon upang lalong lumigaya ang asawa.

Ngiting-ngiti si  Davies ng kaniyang sinimulang paandarin ang engine ng kaniyang sasakyan

At nasa kalagitnaan  nasiya ng kaniyang pagmamaneho ng biglang tumunog ang kaniyang CP na para lamang sa trabaho, hirap niya iyong inabot sapagkat nasa likod iyon ng kaniyang sasakyan. Ayaw niya kasi iyong ginagamit pagka pauwi  nasiya sapagkat ayaw niyang dalhin sa bahay ang trabaho niya

It was traffic and the call isn't stoping so he thought that it might be urgent.

"Damnit!" asik niya ng di niya maabot ang Cellphone at nahulog pa iyon sa ibaba ng sahig ng kotse niya "F!" He curse

He groaned as he heard the call, hindi niya na mabilang kung ilang beses na ba itong tumatawag kaya ang ginawa niya'y saglit niyang hininto ang kaniyang sasakyan, Traffic pa naman kaya minainam niya na munang hagilapin ang kanyang CP, at ng kaniya iyong makuha at makita na ang Abuelo niya ang tumatawag ay sakto namang may malaking Ten Wheeler Truck ang papasalubong sa gawi niya at Ilang segundo lamang ay nakabangga sa kaniyang Sasakyan

Huli na niyang napagtantong natapos na pala ang Traffic at siya nalang ang sasakyang nakahinto roon sa mismong gitna ng highway kung kaya wala siyang nagawa upang mapigilan ang pagsalpok ng Malaking sasakyang iyon sa kotse niya

Waring nagslowmo ang lahat, nakatulala nalamang siya at ang tanging naramdaman niya nalang ay ang pagtama ng Ulo niya sa Harapan ng salamin ng Kotse niya pati na ang mga bubog na pakiwari niyang bumaon sa ulo niya

Nawasak ang kaniyang sasakyan sa lakas ng impack dahilan upang mapalabas siya sa sariling sasakyan galing sa harapan ng nasirang salamin ng kotse niya

Bumagok ang kaniyang ulo sa Simentong kalsada...

He's half unconscious but his mind is still awake.. waring gusto paniyang  bumangon at lumaban pa but all he felt was the numbness of his body..
Nangingisay ang buo niyang kalamnan, duguan nasiya ngunit wala siyang maramdaman..

Nanlalabo na ang kaniyang paningin ngunit naaninag niya ang bawat mukha ng taong nagsipaglapitan sa gawi niya at sumisigaw ito ng tulong

Wala na.. Unti unti na ngang nanlabo ang mga mata niya.. maging ang kaniyang pandinig ay tila nanghihina narin..

Waring gusto nang sumuko ng talukap ng kaniyang mga mata
At ang tanging binanggit na pangalan ng bibig niya bago pa man siya tuluyan nang mawalan ng ulirat ay ang pangalan ng asawa

"M-mira.."

And then it was blanked..

 "He's Into Me" [AGUSTA Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon