____
Kinabukasan, Maagang pumasok si Davies, magaling nasiya salamat sa kaibigan niyang si Michelle dahil sa walang sawang pag-aalaga nito sakaniya
Agad niyang hinanap si Mira sa Buong kumpaniya maging sa Opisina niya ngunit ni kahit isang anino nito'y wala siyang makita
"Where's Miracle?" He ask his employees
Di sumagot ang iba maliban kay Dorothy na agad ding tumayo upang iabot sakaniya ang isang papel
Kunot noo niya iyong tinanggap saka mabilis na binasa
It's a resignation letter
"Nag resign na ho siya sir kahapon pa ho pagkatapos niyang maihatid sa inyo iyong mga papeles." Anito
Nangunot ang noo ng binata ng madinig iyon, he crampled the paper and tear it
"What? bakit niya ginawa yun? ano ang rason?" bakas sa mga mata nito ang galit
"Ang sabi niya lang kailangan niya nang umuwi sa probinsiya nila, ewan ko sir maging kami man ay nagtaka rin ho sa biglaan niyang desisyong iyon" malungkot na saad ni Dorothy
"Sh*t! give me her address! her province name! dali!" Asik nito
Taranta namang napabalik si Dorothy sa kaniyang Pwesto't isinulat sa isang papel ang Address ni Miracle na sinabi nito saka mabilis iyong ibinigay sa amo
"Takecare of the company for me Dorothy, i'll be back in a month or two! basta, babalik ako rito na kasama si Mira." Seryosong saad ni Davies
Saka mabilis nang sumakay ng Elevator
_____
SAMANTALA
@BarrioDeGracia
Sinalubong naman si Mira ng kaniyang Ama at Ina maging ng kaniyang mga kapatid kasama rin ng mga ito si Jam, bestfriend niya
Masaya siyang sinalubong ng mga ito
"Anak!" ani ng kaniyang mga magulang saka siya binigyan ng napakahigpit na yakap, gayon din ang ginawa ng mga kapatid at kaibigan niya
"Namiss ko kayo!" sinsero niyang saad.
Agad siyang iginiya ng mga magulang sa bahay nila, Sa kanilang barrio sila lamang ang kilalang nakapagtapos ng pag-aaral sapagkat halos lahat ng kabataan roon ay maagang nagsisipag-asawa.
"Kumusta ang Maynila?" tanong ng kaniyang kababatang si Jam
"Okay lang." maikli niyang sagot
Ngunit kilala siya ng kaibigan kung kaya alam nitong may problema siya kung kaya siya umuwi ng ora-orada sa probinsiya nila
"Simba tayo mamaya?" Yaya nito sakaniya
"Simba? Sabado ngayon ano." Kunot noo niyang tugon rito
"Ano naman kung sabado? yung simbahan palaging bukas yun Mira."
"Sige na nga!"
"Oh kumain ka na muna Anak, pagkatapos ay magpahinga ka na muna alam kong pagod ka galing sa byahe mo." Saad ng kaniyang Papa ng abutan siya nito ng miryenda
"Wow! kamoteng Pula! Namiss ko ito!" Aniya saka mabilis na kumuha ng isang pirasong kamote at binalatan iyon
Paborito niya ito magmula pa noong bata siya, kaya ito lagi ang hinahanap niya, may kamote rin namang binibenta sa Maynila, yaon nga lang at mas gusto niya ang lasa ng kamote nila dito sa probinsiya
Pagkatapos niyang kumain ay nagpahinga nasiya, siguro nga ay tama ang kaniyang kaibigang si Jam ng mag-aya itong magsimba
Ang dami niyang iniisip, Kaya siguro nararapat lamang na magsimba siya upang ng sa gayon ay makapangumpisal siya
BINABASA MO ANG
"He's Into Me" [AGUSTA Series #1]
RomanceDavies was a famous Cassanova in Town, He fell for the first time to the Girl named Miracle, But She hates him. (≧▽≦) _____ DISCLAIMER] This is a work of fiction/Fanfiction Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are ei...