Prologue
"Babalikan kita."
Yan yung mga huling salitang sinabi niya sakin almost two years ago.
Bakit ganun?
The more na naghihintay ka, the more na bumabagal ang oras?
Bakit sa araw araw na hindi ko siya nakikita, mas lalong tumitindi ang kagustuhan ko na makita siya ulit?
Bakit ganun?
Bakit nung umalis siya, pati puso ko dinala niya?
I need him.
I want him.
I love him.
Dahil lumipas man ang dalawang taon, walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya.
Dahil sa bawat araw na lumilipas, wala akong ibang ginawa kundi ang isipin siya, kundi ang mahalin siya.
Gusto ko na siya makita.
Gusto ko na siya makasama.
Nami-miss ko na siya.
Nami-miss ko na yung masungit kong boss.
Yung cold na boss ko.
Yung sadistang boss ko.
Yung paksiw treatment niya sakin.
Gusto ko na makita ang taong mahal ko.
Gusto ko na siya makita.
Gusto ko na makita si Keith.
Dahil sa bawat araw na dumadaan, mas lalo lang na lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.
I love him and I will always love him.
And sana sa muli naming pagkikita, magkakatotoo nga ang kasabihang love is sweeter the second time around.

BINABASA MO ANG
My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]
RomanceIs love really sweeter the second time around? Fiercer. Braver. Bolder. Yan si Keith after two years. At ngayon nga ay muli na siyang nagbalik. Pero sa kanyang pagbabalik, ay kasama na niya rin si Kyle na bigla na lang sumulpot out of nowhere. Sino...