One
[WARNING: SPG SPG SPG!!! HAHA. As always, bahala kayo kung magbabasa kayo o hindi. XD Medyo malapit na naman kasi tayo sa ending.]
So, congrats sa fashion show. Nakita kita sa TV. You look so intimidating. Nakakatakot ka pala ngumiti.
Text ni Mak sakin after halos ng ilang araw pagkatapos ng fashion show.
Thanks. Reply ko naman.
Ang plastic mo. Sagot niya.
Nangunot yung noo ko.
Why? Reply ko.
Hindi ka naman yun eh. Ang layo-layo nun sa totoong Keith. Sweet ka ngumiti, hindi nakakatakot. Maamo yung mga mata mo, hindi matang-tigre na kulang na lang umilaw. Alam mo kung ano lang ang totoo sayo dun sa pinakita mo sa fashion show? Yung pagka-inosente mo. Sagot niya.
Eh binayaran kaya nila ako para magpaka-ganun. Wala naman akong magagawa. Tsaka ganun lang ako sa harap ng camera. Reply ko naman.
Hayy.. Oo na. Basta maging totoo ka lang ha? Ayokong niloloko mo lang sarili mo. Mas gusto ko yung dating ikaw. Mabait. Maalalahanin. Caring. Reply ni Mak.
Yung dating ako? Have we met before? Nagtataka ko namang reply.
Sa dami ba naman na nakwento mo sakin about sayo imposibleng di kita makilala? Tsaka nase-sense ko na ganun ka nung bata ka pa. Back then masyado ka pang palangiti. Masayahin. Ibang-iba ka ngayon. Sagot niya.
DATI yun Mak. Yung Keith na ka-text mo ngayon eh isang Keith na unti-unti nang bumabangon sa kung ano mang natira sakin. Susubukan kong mabuhay sa kung ano man ang meron ako ngayon. At tanggap ko na rin na hindi lahat ng bagay, dahil sa gusto lang natin yun eh makukuha na natin agad. May mga bagay na kahit gustuhin mo, eh nakatadhana na talagang hindi sayo mapunta. Sagot ko naman.
Oo na. Basta nandito lang ako. Isang text mo lang sakin at ready kong tulungan ang mga taong kagaya mo. Suporta at payo ang maibibigay ko sayo. Ikaw pa, malakas ka sakin.
Sakto naman nun na pumasok na si Ate Jasmine sa kwarto ko.
"Hoy, kakain na sa baba!" Singhal niya sakin.
"Susunod na ako." Sagot ko naman.
Bye na Mak. Kakain muna ako. Tsaka birthday ngayon nung kaibigan ko. Text ko kay Mak.
Okay. Bye. Ingat ka. Reply naman niya.
Birthday kasi ngayon ni Kyle kaya naman nagpahanda siya. Invited naman halos lahat ng blockmates namin. Si Kuya Tristan lang din yung dumating sa family ni Kyle. Busy daw kasi yung parents nila sa Palawan dahil may business meeting.
Pagkababa ko ay medyo nagulat ako dahil nandun si Tita Jessica. Pagkakita niya sakin ay ngumiti siya. I smiled back at her naman. Medyo awkward nga lang ng konti.
"Keith. Kain na huy!" Sabi bigla sakin ni Kyle. May mga bitbit na siyang kung ano-ano.
"Ano yang mga dala mo?" Tanong ko naman.
"Regalo sakin. Itong isa kay Ate Jasmine, leather jacket na siya mismo ang nag-design at pasadya ang pagpapatahi. Itong isa kay Kuya Tristan, wristwatch. Itong isa kay Tita Jessica, ang galing nga niya eh, nahulaan niya yung favorite ko, si Snoopy!" Sabi niya sabay pakita sakin ng isang malaking stuffed toy ni Snoopy.
"Oo na. Yung regalo ko sayo mamaya na," sabi ko naman.
"Sige. Thanks," nakangiti namang sabi ni Kyle.
BINABASA MO ANG
My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]
RomanceIs love really sweeter the second time around? Fiercer. Braver. Bolder. Yan si Keith after two years. At ngayon nga ay muli na siyang nagbalik. Pero sa kanyang pagbabalik, ay kasama na niya rin si Kyle na bigla na lang sumulpot out of nowhere. Sino...