Chapter 39 - PA 2

4.4K 204 19
                                    

PA 2

Weekend.

Dinala ni Kyle si Keith sa isang park para naman makapag-relax yung tao kahit na papano. Though alam niya na nasasaktan pa rin si Keith pero ginagawa niya to in hope na sana ay maging masaya naman yung tao.

"Keith! Cotton candy?" Alok ni Kyle.

"Di na ako bata," sabi naman ni Keith.

"Bakit? Bata lang ba ang kumakain ng cotton candy?" Tanong naman ni Kyle.

Tinitigan siya ni Keith.

"Sige na nga," sabi ni Keith sabay agaw nung isang supot ng cotton candy.

"Di'ba sabi ko sayo dati na dadalhin kita sa lugar na walang problema?" Tanong ni Kyle.

"Kaya naman dinala mo na naman ako sa playground?" Tanong ni Keith.

"Oo. Gusto ko kasi na maalalala mo yung mga panahon na bata pa tayo. Na tayong dalawa pa lang. Wala pa tayo nung problema," sabi ni Kyle.

Huminga ng malalim si Keith. Sana nga ganun lang kadali yun. Sana nga makabalik pa siya sa panahon na kung saan ang iniiyakan lang niya eh yung sugat sa tuhod niya. Kung saan iniiyakan lang niya yung pisikal na sakit.

Pero iba na ngayon. The more na tumatanda ka, mas lalong lumalim ang sugat. Mas lalong masakit. Mas lalong mahirap pagalingin. Dahil habang palaki ka nang palaki, papalalim nang papalalim ang sugat mo hanggang sa maka-abot na siya sa puso mo.

Madali lang gamutin ang pisikal na sugat. Pero ano ang mas mahirap na pagalingin? Yung sugat sa loob mo. Yung sugat sa puso mo. Hindi diyan tatalab ang alcohol or betadine o band aid. Isang bagay lang ang epektibo sa pagpapagaling ng sugat sa puso.

Panahon.

Hindi natin alam kung kelan gagaling ang sugat natin. Pero dapat na maging handa tayo sa araw na gumaling ulit yun. Pag gumaling na yung sugat natin, dapat handa tayong ngumiti at magsaya. Wala na kasing hapdi. Wala nang sakit. Wala ka nang ibang gagawin kundi ipagpatuloy ulit ang buhay mo after na gumaling ng sugat mo.

"Di'ba sinabi mo rin na kuntento ka na sa kung ano ang meron ka ngayon?" Tanong pa ni Kyle.

Tumango naman si Keith.

"Kaya naman sana, maging masaya ka na kasama ako. Maging masaya ka sa kung ano ang meron ka ngayon. Nandito kaming lahat para sayo. Nandito lang ako para sayo. Marami pa kaming nagmamahal sayo," sabi ni Kyle.

"I'm sorry-" sabi ni Keith.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Kyle.

"Kasi naging unfair ako sayo. Binigay ko kay Grey ang lahat. Hindi kita na-appreciate, hindi ko na-appreciate lahat ng bagay na ginagawa mo para sakin. Mas marami na pala akong oras kay Grey kesa sayo. I'm sorry! I'm sorry if nasaktan man kita!" Sabi ni Keith.

Pero ngumiti lang si Kyle at niyakap niya si Keith.

"Pagdating sayo okay lang lahat nang yun. Mahal kita kaya naman kahit lugi na ako, nakikipagnegosyo pa rin ako sayo. Nangako ako sayo diba na ilalayo kita sa mga taong nananakit sayo? Dahil handa akong masaktan, makita lang kita na masaya. Handa kong isakripisyo ang kaligayahan ko, alang-alang sa ikakasaya mo," sabi ni Kyle.

Yumakap naman pabalik si Keith.

"Thank you. Salamat kasi sinalo mo na naman ako," sabi ni Keith.

Pero biglang hinawakan ni Kyle si Keith sa kamay sabay takbo.

"Tara," sabi ni Kyle habang tumatakbo.

"Wait. San mo ba ako dadalhin?" Tanong naman ni Keith.

"Basta. Sunod ka na lang," sabi naman ni Kyle na nakangiti.

My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon