Chapter 6 - Double Trouble

7.6K 312 2
                                        

Double Trouble

Keith's P.O.V.

Hindi ko alam kung ako yung mahal ni Grey o katawan ko lang ang mahal niya.

Imagine?! Dalawang beses na niya akong nakikita in an "awkward situation"?! How dare he...

But minsan na niyang nakita yang BUO mong katawan...

Bakit ako? Nakita ko naman yung buo niyang katawan dati pa di'ba?

WAIT!! ERASE!

Argh.. Bigla akong kinilabutan. Dati yun. Masyado pa akong passive at submissive noon kaya naman nangyari yun. But this time, I will make sure na paghihirapan ni Grey kung ano man ang gusto niyang makuha.

I woke up the next day na halos eleven na ng umaga. Di na naman tumalab sakin yung alarm clock. Balak ko lang sanang mag-jogging ngayon kaso hayun, tanghali na ako nagising. Himala nga at di ako ginising ni Ate Jasmine.

Sinuot ko na ulit yung sleeveless ko at naghilamos muna ako bago ako bumaba sa sala. Baka naman may breakfast pa sa baba.

Pero pagkababa ko eh nagulat ako sa nadatnan ko.

Ate Jasmine was talking to someone.

And the someone is...

"Kyle?!" Sabi ko pa na mahigpit na nakahawak sa gilid ng hagdan.

Nakita naman agad ako ni Kyle at ngumiti siya.

"Hi Keith!" Sabi niya.

"He just arrived from Japan. He asked me if pwede daw ba siya dito tumuloy sa bahay and pumayag naman ako. Tutal eh kilala naman siya nina Tito and Tita and yung parents niya eh nasa Amerika pa," sabi ni Ate Jasmine.

"WHAT?!" Gulat kong tanong.

"Ulitin ko pa? Hampas, gusto mo?" Iritang tanong ni Ate Jasmine.

"I thought may bahay kayo dito?" Tanong ko kay Kyle.

"Yeah. But malayo yun sa school na lilipatan ko and naisip ko na itong bahay niyo ang pinakamalapit so dito na lang ako dumiretso," sabi naman ni Kyle.

Napahawak na lang ako sa ulo ko.

"Lilipat ako sa-"

"School ko? Same course? Blockmates pa?" Irita kong dugtong.

"Uhh- yeah," sabi naman ni Kyle.

"Kakain lang ako," sabi ko naman sabay diretso sa kusina.

"Wala nang niluto. Dumiretso na ako sa pagluto ng tanghalian kasi ang tagal mo magising. Inom ka na lang ng gatas diyan," sabi ni Ate Jasmine.

Argh.. "Okay!" Sabi ko naman na nakataas ang dalawang kamay.

"Kung di ka kakain, pwede mo naman sanang samahan si Kyle sa kwarto niya sa taas," sabi ni Ate Jasmine.

"Tara," matigas kong sabi.

"San ba kwarto mo dito?" Tanong ni Kyle.

Tinuro ko naman yung unang kwarto sa kanan pagka-akyat namin ng hagdan.

"San mo ba gusto? Dito o sa third floor?" Tanong ko.

"Uhm- dito na lang," sabi naman ni Kyle.

"May dalawa pang kwarto dito sa 2nd floor. Mamili ka na lang kung saan," sabi ko naman sabay talikod.

"Sige. San ba?" Tanong pa niya.

"Sa katabi o kaharap ng kwarto ko. Baba na ako," sabi ko naman sabay talikod.

My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon