Chapter 19 - The Elder Brother

5.4K 243 7
                                    

The Elder Brother

Right after naming makakain ng lunch eh bumalik na kami sa villa.

Dun na namin naabutan sina Kyle, Tita Francia, and Tita Jessica na kumakain. Napansin rin namin ang isang lalaki na nasa mesa rin.

"Kayong apat, kain na kayo," aya samin ni Tita Francia.

"Thanks Tita but kumain na po kami sa labas," sabi naman ni Ate Jasmine.

"Oh. Okay. But come here, I will introduce you to my son," sabi samin ni Tita Francia.

"This is Tristan, my eldest son, he just graduated last year, Marketing," pakilala niya sa anak niya.

Well, Tristan has a slightly blondish hair, mana siguro kay Tita Francia na Canadian. Oval at bluish ang mga mata ni Tristan. Medyo malayo kay Kyle na may pagka-chinito, brownish ang mata at maitim ang buhok. Baka nagmana sa father niya si Kyle.

"This is Jasmine and Charles, they'll be engaged soon," sabi ni Tita Jessica. Tumango naman si Tristan sa kanila.

"This is Grey. He's a close friend of Keith," sabi ni Tita.

Then bumaling na sakin si Tita Francia.

"And this is Keith-"

Biglang nagliwanag yung mukha ni Tristan. "The one that Kyle's courting?"

Narinig ko yung pagpipigil ni Ate Jasmine na tumawa. Sumubsob naman sa mesa si Kyle. Dinig ko pa yung marahang "Kuya naman eh" niya habang nakasubsob. Ako naman eh alanganing ngumiti kay Tristan.

Ganito ba sila ka-open sa pamilya nila?

Nakipag-kamay siya sakin.

"Hello. Kyle has told me a lot about you," sabi niya na nakangiti.

"Thanks," sabi ko naman.

Tumambay na muna kami sa isang gazebo dun para magpalipas ng oras.

"Ano pa ba ang di natin nagagawa?" Tanong ni Ate Jasmine.

Nagbilang naman ako sa daliri.

"Tapos na tayo mag-island hopping, kayaking, snorkeling, scuba diving, zip line, swimming, beach volleyball, nalibot na natin buong resort. For short, pwede na tayo umalis," sabi ko naman.

"Excited?! This Saturday pa naman tayo uuwi ah. Hmm... How about a beach party? Sabi ni Kyle gabi-gabi daw may party diyan sa labas!" Sabi bigla ni Ate Jasmine.

"Beach party? Kayo na lang, wala akong hilig diyan," sabi ko naman.

"Walang hilig? Eh kung san nga kami eh dun ka rin sumusunod!" Sagot ni Ate Jasmine.

"Kasi no choice ako kundi sumama sa inyo, aside sa rason na kinakaladkad niyo ako parati!" Singhal ko naman.

"Tsaka di naman mahilig sa parties si Keith eh," sabi ni Kuya Charles.

"Kakampihan mo pa talaga. Sumama ka na Keith, kahit once in a lifetime lang na sumama ka. Pairalin mo naman ang nightlife mo!" Sabi ni Ate Jasmine.

"Sasama ako Keith," sabi ni Grey.

"Wala akong pake," sagot ko naman.

"I will invite Kyle and Tristan," dagdag pa ni Ate Jasmine.

I just rolled my eyes. "Okay fine! But I won't drink. I won't dance. I won't do anything! Sasamahan ko lang kayo," sabi ko naman.

"My gosh Keith, you're already old enough! Don't act like an innocent teenager," sabi ni Ate Jasmine.

Narinig ko yung marahang tawa ni Grey sa salitang "innocent". Palihim ko naman siyang siniko.

My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon