Knights in Shining Armor
Papalapit na kami sa likod ng university nung may inabot samin si Kyle.
"Alerter, pindutin niyo lang yan kung sakaling malagay kayo sa alanganin na sitwasyon. Better na maghiwa-hiwalay tayo para mas madali nating mahanap si Keith. Pindutin niyo na rin ang alerter kung sino man satin ang unang makahanap kay Keith," sabi niya.
Tumango naman kami after naming makuha yung alerter.
"Its all my fault," sabi ni Kyle.
Huminga ako ng malalim.
"Wala kang kasalanan Kyle. Di naman natin ginusto ang nangyari. Talagang may sa-demonyo lang talaga yang Lance na yan," sabi ko naman.
"Basta mag-iingat kayo. Let's just hope na sana walang nangyaring masama kay Keith," sabi ni Kuya Charles.
After ng ilang minuto ay nakarating na kami dun sa sinasabi ni Kyle na building.
"Alam niyo na gagawin niyo," sabi ni Kuya Charles.
Tumango naman kami.
"Let's go," sabi ni Kuya Charles at naghiwa-hiwalay na kami ng daan.
Inakyat ko yung building. May kalakihan tong building kaya kailangan mong suyurin ang lahat ng sulok dahil madilim. Hindi na ako gumamit ng ilaw dahil baka ako pa ang una nilang nakita.
"Yes boss. Nakuha na namin yung pinapa-kuha niyo. Pumunta na lang kayo dito," dinig kong sabi ng isang boses.
Nagtago ako sa isang haligi dun at lumingon. Out of the darkness, nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa tapat ng isang bintana.
I looked around at natisod ko ang isang dos-por-dos.
May kausap pa rin yung lalaki sa phone niya kaya naman dahan dahan akong lumapit sa kanya.
Akma na siyang haharap nung hinampas ko siya sa ulo niya.
At that very moment, isang sigaw ang narinig ko na nanggagaling sa taas.
"Help!-"
Dali-dali kong inakyat yung pinakamalapit na hagdan na nakita ko. Pagkarating ko sa sunod na palapag ay nakakita ako ng liwanag na nanggagaling sa isang side nung palapag.
Dahan dahan akong lumapit pero bigla kong natisod ang ilang timba na nakasalansan dun.
"Tingnan mo nga kung sino yan!" Biglang sabi ng isang boses.
Agad naman akong nagtago sa isang gilid.
"Dave?" Tawag ng isang boses ng lalaki.
Pinakinggan ko yung tunog ng mga paa niyang papalapit sakin.
Nung natapat na siya sakin ay saka ko siya hinampas sa ulo niya. Bumagsak siya sa sahig at mas lalong nagkarambola yung mga timba na nandun.
"Ano bang ginagawa niyo diyan?! Ang iingay niyo!" Sigaw ng isang lalaki sa loob.
Dali-dali kong pinuntahan yung parte ng palapag na may ilaw.
Tila nagdilim ang paningin ko sa sunod kong nakita.
Nakahubad na ng pang-itaas yung lalaki at nakadagan kay Keith. Si Keith naman ay puro na pasa sa katawan at sinusubukang manlaban. Nakagapos na rin ang isang panyo sa bibig niya. Punit punit na yung longsleeves at naka-boxers na lang.
"Bitawan mo si Keith!" Sigaw ko pa at susugurin ko na sana siya pero bigla siyang bumunot ng kutsilyo.
Lumingon siya sakin at bigla niyang binuhat patayo si Keith. Tinutok nito ang kutsilyo sa leeg ni Keith.
![](https://img.wattpad.com/cover/33768218-288-k283931.jpg)
BINABASA MO ANG
My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]
RomanceIs love really sweeter the second time around? Fiercer. Braver. Bolder. Yan si Keith after two years. At ngayon nga ay muli na siyang nagbalik. Pero sa kanyang pagbabalik, ay kasama na niya rin si Kyle na bigla na lang sumulpot out of nowhere. Sino...