Chapter 14 - Hallucinate

5.5K 251 5
                                    

Hallucinate

[WARNING: May underwear scene na naman dito. XD Tinotopak ako ngayong araw eh. Haha. - Apr. 9 :D]

"Nandito na tayo!" Sabi ko naman nung tumigil na yung van namin sa tapat ng villa sa resort namin.

Bumaba na kami after.

"Ang ganda naman dito Kyle! Gosh, I'm so excited na sa swimming!" Sabi ni Ate Jasmine.

"Gusto mo itulak na kita sa dagat?" Sagot naman ni Keith na naghubad na ng vest niya.

"Tara na," sabi ko naman.

Papasok na kami sa loob ng villa nung nagulat ako sa sumalubong samin.

"Ma?!"

"Kyle anak!" Sabi ni Mommy na agad naman akong pinupog ng halik.

"Ma... nakakahiya..." sabi ko naman. Nakita ko kasi si Keith na nagpipigil ng tawa.

"Big boy ka na nga, ayaw na magpahalik," sabi ni Mommy na may halong tampo.

"Pwede mo naman ako halikan Ma, wag lang sobra," sabi ko naman.

"Oo na, mga kaibigan mo sila Kyle?" Tanong ni Mommy.

"Ah, yes Ma. Guys, si Mommy Francia pala," pakilala ko kay Mommy.

Nag-"hi" naman sila kay Mommy.

"Ma, this is Ate Jasmine and Kuya Charles, soon-to-be hubby and wifey," sabi ko naman na nakangiti.

"Hello po Tita! Thanks po for accomodating us!" Sabi ni Ate Jasmine.

"Wala yun! Do you want to have your wedding here? Naku, kung beach wedding lang naman eh nandito kami parati," sabi ni Mommy.

"Ma. Wag kang excited," sabi ko.

"This is Keith-"

"Yung nililigawan mo?" Excited na sabi ni Mommy.

"MA!" Namula kasi bigla sa gulat si Keith. Pero sumugod na si Mommy kay Keith.

"Naku! Ikaw pala yun! Parati ka niya saking nakukwento. Ang swerte naman ng anak ko sa'yo. Ang cute cute mo pa!" Sabi ni Mommy.

Alanganin naman na ngumiti si Keith. "T-thanks po."

"Ma, this is Grey and si Tita Jessica," sabi ko pa.

"Hello po," sabi naman ni Grey.

Pero biglang natigilan si Mommy.

"Have we met before?" Tanong naman ni Mommy kay Tita Jessica.

Medyo nagulat si Tita Jessica. "B-Baka po kamukha ko lang or kapangalan yung tinutukoy niyo," sabi naman ni Tita Jessica.

"Ah, siguro nga. Nevermind. Gutom na ata ako. Tara na. Ipapahatid ko na lang yung mga gamit niyo sa mga kwarto niyo," sabi ni Mommy pero pinapadaanan niya pa rin ng tingin si Tita Jessica.

"You never told me na nandito ka," tanong ko kay Mommy.

"Nung sinabi kasi sakin ng secretary ko na hihingi ka daw ng permission para gamitin tong villa for vacation eh I decided na its a good time for me to go home and surprise you," sabi ni Mommy.

"Sina Dad? Tsaka si Kuya?" Tanong ko pa.

"Susunod na lang ata sila dito. But I think it was your Kuya ang makakapunta lang dito," sagot naman ni Mommy.

Naupo na kami sa mesa. Kadalasan eh mga seafoods yung nakahain ngayon. Naupo ako sa tabi ni Keith.

"May jet ski ba kayo dito Kyle?" Tanong ni Ate Jasmine.

My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon