Viral
Monday na naman and papasok na kaming tatlo sa school. Sanay na ako sa tinginan at bulungan ng mga tao everytime na papasok ako sa school, pero the moment na nakapasok ako sa loob ng university ay iba ata ang level ng bulungan at tinginan ng mga tao ngayon.
"What's wrong?" Tanong ko naman dun sa dalawa.
Tumitig lang sila sakin.
"Malay?" Panabay na sabi nung dalawa.
Sakto naman nun na may nakasalubong kaming dalawang lalaki. Pagkatapat nila sakin ay pinadaanan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Nangunot naman yung noo ko.
"Kaya pala di ko siya nakita dati nang halos 1 week..."
"Is he really the guy in the picture?"
"Ano ba kasi talaga ang nangyari?"
"Was he really kidnapped? Or raped?"
Napalingon na lang ako sa mga nagbubulungan dun.
Lalapit na sana ako sa kanila nung bigla akong hinatak ni Kyle palayo.
"Tara na sa room," bulong naman sakin ni Kyle at hinawakan na nila ako sa braso sabay akay sakin papunta ng room namin.
Pagkarating ko naman sa room ay agad na sinalubong kami ni Lance.
"Hi Keith," bati niya sakin pagkapasok ko.
Well, kung nagtataka kayo, wala nakuhang information yung mga police dun sa tatlong demonyo na nahuli nila. But of course, di naman ako, di naman tayo tanga para di isipin na si Lance nga ang may kagagawan nung nangyari sakin.
"Ayokong masira ang araw ko so back off," sabi ko naman sa kanya.
"Why so rude? Hmm... Alam mo ba yung latest na balita dito sa school?" Tanong niya sakin.
Nangunot yung noo ko.
Lance smiled. "So, di mo pa pala alam. But don't worry, may tenga ang lupa, may pakpak ang balita. Before the day ends, malalaman mo rin ang dapat mong malaman," sabi ni Lance.
"Better say it now if ayaw mo na isambulat ko yung palpak mo ring plano," sabi ko naman.
Tinitigan lang ako ni Lance.
"Plan?" Tanong naman ni Lance.
Ngumiti naman ako. "Oh c'mon. Hindi ako tanga na kagaya mo. Sino ba dito ang unang araw pa lang eh nangmanyak na? Sino ba dito ang sunod nang sunod sakin? Sino ba dito ang nagsabi na mag-ingat ako if I don't want to end in a sticky situation? I'm not a stupid git like you Lance!" Sabi ko naman.
Hinawakan na ako sa braso nung dalawa.
"Keith. Calm down-" bulong sakin ni Grey.
"I don't have any idea what're you talking about Keith. I'm just an ordinary person asking for your friendship that you neglected," sabi ni Lance.
"Stop being innocent. Because I know kung saan nakatago ang sanga sanga mong sungay. And to tell you, ikaw ang mag-ingat dahil ang karma, hi-tech na. You don't want to end up in sticky situation, do you?" Tanong ko naman.
Huminga lang ng malalim si Lance.
"Okay. But dahil nagtanong ka na rin, ipapakita ko na sayo kung ano ba ang trending ngayon dito sa university," sabi ni Lance.
Binunot niya yung phone niya and he showed us a picture.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
It was a picture of me na punit-punit ang longsleeves at naka-boxers habang nakagapos.
"You never told us na nakidnap ka pala," sabi ni Lance.
Biglang nanginig ang buo kong katawan.
"HOW DARE YOU?! DELETE THAT PICTURE NOW KUNG AYAW MONG BASAGIN KO YANG CELLPHONE MO SA PAGMUMUKHA MO! DON'T ACT LIKE AN INNOCENT CHILD DAHIL ALAM KO NA GALAMAY MO ANG DAHILAN KUNG BAKIT NANGYARI SAKIN YUN!!"
Pinigilan na ako nung dalawa dahil at that very moment ay sumabog na talaga yung ugat ko sa batok. Gusto kong ihambalos sa pagmumukha nung Lance na yan yung katarantaduhan niya.
"Wala akong kinalaman diyan. Baka kasi may iba ka pang tao na may atraso ka kaya naman rumesbak lang sila sayo? Di na ako magtataka na may iba ka pang kaaway sa ugali mong yan," Tanong ni Lance.
"Sino ba dito ang manyakis ha?! Sino ba dito ang kumakapit sa magulang niya? Sino dito ang nagtatago sa ilalim ng saya ng nanay niya?! Gusto mo ng personalan? Eh di personalan! Dahil alam ko na di ako matatalo, dahil sa ating dalawa, ikaw ang mayrong mas maraming baho!" Sigaw ko kay Lance.
Medyo naningkit yung mga mata ni Lance. "Be careful with the words that you choose to speak-"
"Get out of my sight habang nagpipigil pa ako! Baka makulong ako nang wala sa oras dahil sa nakapatay ako ng tao!" Sigaw ko naman sa kanya.
Halos lahat ng tao sa loob at labas nung room na napapadaan lang ay nakatitig na samin dun.
"Keith- not now. Calm down. Baka ikaw naman mapahamak!" Sabi sakin ni Grey.
Nanginginig na talaga yung buo kong katawan sa galit. Masasakal ko talaga tong Lance na to the moment na bitawan ako nina Kyle at Grey.
"Wag ka nang pumatol Keith. Magsasayang ka lang ng oras," sabi naman ni Kyle.
Ngumiti lang si Lance samin. "Goodbye. Pero tandaan mo Keith, ano mang gustuhin ko, nakukuha ko, by hook or by crook. So goodluck. Bye," sabi niya sabay lakad palabas nung room.
Inabutan ako ni Grey ng isang boteng tubig.
"Drink this," sabi naman ni Grey.
"Umalis na kayo. And kung meron man kayo nung picture please lang po, paki-delete na lang. Intindihin niyo naman po sana ang sitwasyon ng kaibigan ko," sabi ni Kyle dun sa mga tao na nasa labas pa rin.
Lumapit na rin sakin yung iba naming classmates para i-comfort ako.
"Its okay Keith. Kalma ka lang. Wala ka namang mapapala kung poproblemahin mo yang si Lance eh," sabi sakin ni Hannah.
Tumango naman ako.
"Obvious naman na siya yung nagpa-kidnap kay Keith. The way that he speaks reveals na siya nga may pakana nun," sabi ni Kyle.
Huminga ako ng malalim.
"Call Ate Jasmine, Kyle. We need to talk to her-"
"Keith- I don't think na dapat sabihin mo to kay Ate Jasmine. Alam mo naman na susugod yun dito pag sinabi mo yung nangyari-"
"This is not about what happened earlier," sagot ko naman.
"Then what?" Tanong ni Grey.
"Gusto ko malaman if kelan na pwede ang contract signing sa kumpanya nila," sabi ko naman.
Nagtatakang napatitig sakin yung tatlo.
"Kung pinapantasya ako ni Lance, at kung nakita man ng buong school yung picture eh mas lalo ko silang gugulatin. Eh di mas lalo nating paglawayin yung asong habol nang habol sakin!" Sabi ko naman.
Gulat na napatitig sakin yung tatlo.
"Don't tell us-"
"Oh yes. Modeling will be my sweet revenge." Sabi ko naman sabay ngiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/33768218-288-k283931.jpg)
BINABASA MO ANG
My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]
RomanceIs love really sweeter the second time around? Fiercer. Braver. Bolder. Yan si Keith after two years. At ngayon nga ay muli na siyang nagbalik. Pero sa kanyang pagbabalik, ay kasama na niya rin si Kyle na bigla na lang sumulpot out of nowhere. Sino...