Chapter 50 - The Bitter Truth

4.2K 181 3
                                    

The Bitter Truth

"Ba't ka dito pumasok? Naghahanap ka ba ng bago mong boyfriend? O masisilipan? Gago ka palang bakla ka eh!" Sabi ng isang boses sa likod ko.

Nagsimula nang magkumpulan ang mga tao sa paligid namin.

Pinulot ko na lang yung mga bote ng mineral na binili ko at yung eyeglasses ko na tumilapon palayo. Akma na sana akong tatayo nung binato na naman ako ng bola sa ulo ko.

Narinig ko pa yung tawanan ng mga tao.

"O baka naman naghahanap ka ng ka-one night stand? Sa bagay, mapera ka naman kasi international model ka. Ilang lalaki na ba ang natikman mo? May kasama bang foreigner?" Tanong pa nung lalaki.

Tumayo ako at hinarap yung lalaking nagsasalita, may kasama pang ibang tao. Sila ata yung naglalaro kanina sa gym.

"Wala akong ginagawang masama sayo so leave me alone!" Sabi ko.

"Ooh. Kunyari galit pero deep inside baka naghahabol ka sakin? Alam mo naman ang panahon ngayon, ang gwapo, gwapo rin ang hanap-" sabi nung lalaki.

Tumalikod na ako. Pero pagkatalikod ko ay biglang may bumuhos na tubig sakin. Binuhusan ako ng tubig ng kung sino.

"Para yan sayo- baka malinisan ka naman kahit na papano!" Sabi ng kung sino.

Nagsisimula na namang mamasa ang mga mata ko. Sunod sunod yung pagsinghap ko ng hangin dahil biglang nagsikip yung dibdib ko. Nakita ko na bumunot na ng ilang cellphone yung mga tao dun.

Maglalakad na sana ako palayo nung biglang may tumama na namang tubig sakin. Paglingon ko ay nakita ko yung mga babaeng bumuhos sakin ng tubig dati na may hawak na hose.

"Baka kulang yung tubig kanina. Marami pa dito oh!" Sabi niya at bigla nilang itinutok sakin yung mga hose.

Sinubukan kong takpan ng kamay ko yung mukha ko pero wala rin namang silbi yun dahil basang-basa na ako. Napaluhod na lang ako sa sahig habang pinagpipiyestahan ng mga cellphone at tawa ng ilang tao sa paligid ko.

Di ko na napigilan pa na umiyak. Hinayaan ko na lang sila sa ginagawa nila. Hindi ko lubos akalain na hindi ko man lang naipagtatanggol ang sarili ko, ang reputasyon ko.

"Nakakaiyak diba? Kalandian mo kasi! Habol nang habol sa lalaki!" Sabi pa nung babae.

May bumato sakin ng papel, merong bumato ng bote ng mineral water at kung ano pa. Kung ano-ano na ang tumatama sakin pero hinahayaan ko na lang na apak-apakan nila ang pagkatao ko.

Nag-angat ako ng mukha at nakita ko si Grey na gulat na nakatitig sakin. Nasa likod naman niya si Cristine na tuwang-tuwang nakatitig sakin.

"STOP THAT!!!" Sigaw ng boses ni Kyle.

Ay halos kasunod nun ay tumabi sakin si Kyle na may dalang panyo at pinunasan ako sa mukha. Saka na lang ako nakabwelo ng iyak sa balikat niya.

"Help me.. Please help me.." Nanginginig kong sabi.

"Ooh- nandito pala yung boyfriend! Meron ka naman palang prince charming ba't naghahanap ka pa ng iba?" Sabi nung babae.

"Pwede ba?! Wala naman sa inyong ginagawang masama yung tao kaya could you please leave him alone?! Officer ako ng College Student Council dito kaya naman mananagot kayo sa admin!" Galit na sabi ng boses ni Hannah.

"Tara na Keith-" sabi ni Kyle at inalalayan niya akong makatayo.

Pero kumawala ako sa kamay niya at hinarap ko yung mga tao dun.

"Wala akong kasalanan sa'yo! Wala akong kasalanan sa inyo! Wala akong kasalanan sa inyong lahat! Nananahimik ako dito pero ako yung ginugulo niyo! Umiiwas ako sa gulo pero kayo ang nagdadala ng gulo sakin!" Umiiyak kong sabi.

My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon