Grudges
Keith's P.O.V.
Halos malapit na mag-hatinggabi nung makalabas kami ng ospital. Di naman ako na-confine dahil minor injuries lang naman ang nakuha ko.
"Keith-" biglang sabi ng isang boses at may humawak bigla sa balikat ko.
Nagulat ako at napalingon bigla. Si Kyle lang naman pala.
"Sorry." Sabi ko naman agad.
"Pasensya na. Kasalanan ko kung bakit yan nangyari sayo," sabi ni Kyle.
"No. Its not your fault. Wala ka namang kasalanan," sabi ko naman agad.
Ngumiti lang siya nang malamlam.
"Gusto mo pala ng tubig?" Sabi niya at inabutan niya ako ng isang mineral water.
"Thanks," sabi ko naman at kinuha ko yung iniaabot niyang bote.
"Thanks nga pala. Kung di dahil sa'yo di niyo malalaman yung location ko. Tsaka kasama ka rin pala kanina," sabi ko.
"Wala yun. Tsaka kahit ano namang gawin ko hindi mo naman ako ma-a-appreciate," sabi naman ni Kyle.
Napatitig ako kay Kyle.
"May problema ba Kyle?" Tanong ko.
"Wala. Tsaka kahit anong gawin mong pagpapa-alala sa isang tao, wala namang papatunguhan yun kung talagang kinalimutan na niya yung lahat ng nangyari sa inyo," sabi ni Kyle.
Mas lalo akong naguluhan.
"Kyle-"
"Wala. Pagod lang siguro ako. Pagod na pagod na pagod lang siguro ako," sabi ni Kyle na tumingala bigla.
Alanganin na lang akong napatitig kay Kyle. Wala talaga akong idea sa kung ano ang pinagsasabi niya.
Buti na lang at dumating na si Kuya Charles. "Pasensya na if natagalan ako. Nagpalit lang kasi ako, kanina ko pa suot yung uniform ko. Okay ka na?" Tanong niya sakin.
Tumango naman ako.
"Tara na. Kailangan mo nang kumain at magpahinga. Kailangan mo na ring magpalit," sabi niya sakin at inakay niya ako papasok sa kotse niya.
Tahimik lang kami sa buong tinakbo ng biyahe. Manaka-naka akong lumilingon kay Kyle pero nakatitig lang din siya sa labas ng bintana ng kotse.
Wala kaming imik nung dumating na kami sa bahay namin.
Pagkalabas ko ay dun ko na nakita si Ate Jasmine at si Grey na naghihintay sa labas, kasama rin nila pati si Tita Jessica.
"Keith-" Tawag sakin ni Grey at agad akong yumakap sa kanya.
Di ko pa rin mapigilan ang sarili ko na umiyak. Masyado nang maraming nangyari ngayong gabi at gusto ko lang na makapagpahinga na. Ni hindi pa sakin nagsi-sink in yung mga nangyari.
"Don't cry Keith. Sisiguraduhin kong mananagot talaga ang may kagagawan nito sayo. Tinawagan ko na rin sina Tito and Tita, babalik na sila dito sa Pilipinas ASAP," sabi ni Ate Jasmine.
"Thanks Ate Jasmine," sabi ko naman.
Pumasok na kami sa loob.
"Nakahanda na yung mesa. Kumain na kayo," sabi ni Tita Jessica.
"Sige po, magpapalit lang po ako," sabi ko naman.
"Kaya mo bang maglakad? Samahan na kita," sabi ni Grey.
Iika-ika pa akong maglakad dahil napilipit yung paa ko dahil napamali ako ng bagsak kanina.
Inakay naman niya ako hanggang sa maka-akyat na ako sa kwarto ko. After kong makapaghilamos at makapagpalit ay lumabas na ulit ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/33768218-288-k283931.jpg)
BINABASA MO ANG
My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]
RomanceIs love really sweeter the second time around? Fiercer. Braver. Bolder. Yan si Keith after two years. At ngayon nga ay muli na siyang nagbalik. Pero sa kanyang pagbabalik, ay kasama na niya rin si Kyle na bigla na lang sumulpot out of nowhere. Sino...