The In-Laws
Naglalakad na naman ako sa airport. Kakatapos lang kasi ng isa ko pang photoshoot para sa F|Trend. Hapon na at hinahabol ko na yung flight ko ngayon.
Ako na lang kasi yung naiwan dito sa Manila kasi naman pinauna ko na sa Palawan yung iba para sa engagement party ni Ate Jasmine at Kuya Charles. Gusto pa sana na magpa-iwan nung dalawa pero pinasama ko na sila para naman makatulong sila sa pag-prepare dun.
Kasama ko naman ngayon sa flight si Ms. L. Um-attend kasi muna siya ng photoshoot ko and she decided na sumama na lang sakin, nagkasabay pa pala kami sa iisang flight.
"Do you have a jacket Keith?" Tanong sakin ni Ms. L.
"Wala po. Wala po akong nadalang damit kasi eh," sabi ko naman. Wala talaga akong dala aside sa wallet at sa sarili ko.
"My God, me too, pagtitinginan ka kasi ng mga tao for sure-" sabi niya.
"Po? Di naman po-" sabi ko naman agad.
"Maybe hindi ka nila pagtitinginan dahil sa isa kang sikat na model pero pagtitinginan ka nila sa damit mong suot!" Sabi sakin ni Ms. L.
Dun lang ako napatitig sa sarili ko.
"Suot-suot mo pa yung last mong damit na sinuot mo sa photoshoot. Yung make-up mo di mo pa nakaskas," sabi niya sakin sabay paharap sa glass wall dun.
Napahampas na lang ako sa noo ko.
Black na punit punit na skinny pants at white na sleeveless na may mga prints. May nakatali pa sa leeg ko na scarf. Meron din akong konting face paint sa gilid ng pisngi ko. At sobrang dark rin ng eyeliner ko.
"Grr.. Wala ba ditong mabibilhan ng damit?" Tanong ko naman.
"Wala. And besides malapit na lumipad yung eroplano. Ngayong gabi na engagement nila di'ba?" Sabi ni Ms. L.
"Opo," sabi ko naman.
"Pagdating natin sa Palawan diretso tayo sa mall, alam ko may shop kami dun. Hanapan kita ng jacket. We have to keep your identity secret. The more na walang nalalaman ang mga tao sayo, the more na pag-uusapan ka at ang kumpanya. That is called marketing," sabi ni Ms. L.
"But kasama po sa invited na mga tao ni Ate Jasmine eh yung mga taga-iba't-ibang magazine po kasi they will surely schedule an interview for her. May kasama rin po na press. And malamang na nagkalat po ang photographers dun," alanganin ko namang sabi.
"Hay naku. Let's not stress about that. Pagdating dun saka na natin yan isipin. Kailangan na nating habulin ang flight. We can do this Keith," sabi ni Ms. L.
Huminga ako ng malalim. Bahala na. What will come will come. Kailangan ko na lang yun na harapin.
•••
Eksaktong 8:30 na ng gabi kami nakarating sa resort nina Kyle. At gaya ng dapat asahan, sandamakmak na ang mga tao na nandun.
Pagkalapag na pagkalapag ko sa airport ay ginambala na ako ng mga texts mula dun sa tatlo. Buti nga at may naka-abang nang sundo samin.
Dumiretso kami sa mall to buy a jacket for me kaya mas lalo pa kaming natagalan ni Ms. L.
Papalapit na kami sa villa nung bigla akong pinigilan ni Ms. L.
"Keith, ako na mauuna. Pag nakita tayo ng mga tao diyan na magkasama I'm sure na ikaw ang gagawing center of attraction. Ako na bahala mag-explain kay Jasmine. Wear that hoodie also," sabi niya sakin.
Tumango naman ako.
Natatanaw kasi namin na maraming tao na ang nandun. May mga tables kasi sa paligid at napakaliwanag pa.
BINABASA MO ANG
My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]
RomanceIs love really sweeter the second time around? Fiercer. Braver. Bolder. Yan si Keith after two years. At ngayon nga ay muli na siyang nagbalik. Pero sa kanyang pagbabalik, ay kasama na niya rin si Kyle na bigla na lang sumulpot out of nowhere. Sino...