Epilogue: You're Still the One

7.9K 253 57
                                    

Epilogue: You're Still the One

"- I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride-" sabi nung pari na nasa altar.

Kasabay ng excitement na biglang bumalot sa paligid ay naghalikan na yung bagong kasal na nasa harap ng altar. At nung humarap na sila samin ay nagpalakpakan na kaming lahat.

"May you find happiness in each other-" sabi nung pari dun sa dalawa.

Sumunod naman kami sa kanila habang naglalakad sila palabas ng simbahan. Nagpauna na ako dahil may hawak ako na camera.

"Ate Jasmine- Kuya Charles! Smile!" Sabi ko nung nasakto na sila sa pintuan ng simbahan.

Umatras naman ako para sumakto yung dalawa sa camera. After ng ilang shots ay nag-thumbs up naman ako sa kanila.

"Keith- sumunod ka sa reception!" Singhal agad sakin ni Ate Jasmine.

Dito kasi sa isang simbahan sa Palawan kinasal sina Ate Jasmine at Kuya Charles. Ang reception ay nandun sa resort nina Tita Francia. Sinakto nila na sunset ang kasal nila kaya naman mamula-mula na ang langit ngayon dahil hapon na.

Patuloy ako sa pag-atras para kumuha ng shots nung bigla na lang na bumangga ako sa kung sino. Na-out-of-balance ako at muntik na sanang matumba kung hindi ako nasalo nung nakabangga sakin.

Nagulat ako nung nakita ko kung sino yung sumalo sakin.

Si Grey.

At saka ko lang na-realize na halos isang taon na ang nakakalipas nung huli kaming mag-usap ni Grey. Nanatili kaming nagkatitigan nang ilang segundo. Isang bagay lang ang nararamdaman ko nung mga panahong yun, yung malakas na kalabog ng puso ko.

"A-ayos ka lang ba?" Tanong niya sakin.

"I'm fine-" sabi ko naman at inayos ko na yung sarili ko. I smiled a little at him…

"Ate Jasmine invited me and si Mama at Kyle dito. Ikaw? Kumusta ka na?" Tanong pa niya sakin.

"I'm okay. I'm totally okay. I'm happy and contented sa kung ano mang meron ako ngayon," sabi ko naman habang tumitingin sa mga pictures sa camera ko.

"Sige- mauna na ako-"

"Grey- wait-" sabi ko at hinawakan ko siya sa kamay niya. Naramdaman ko yung pagkagulat niya sa ginawa ko.

"Di ka na ba pupunta sa reception?" Tanong ko.

Ngumiti nang malamlam si Grey. "Di na siguro- tsaka marami akong inaasikaso sa kumpanya niyo. Alam mo naman na ipapasa na sakin ni Tito Iñigo ang pagiging CEO," sabi ni Grey.

"Thank you-" sabi ko.

"Huh?" Nagtataka niyang tanong.

"Thank you for being my Mak nung wala si Grey. Salamat kasi sinuportahan mo ako kahit wala ka sa tabi ko dati. Binigyan mo ako ng lakas ng loob sa pagkatao ni Mak. Thank you for not leaving my side-" sabi ko naman.

Grey smiled at me.

"Wala yun. Tsaka basta ikaw- gagawin ko ang lahat- malakas ka sakin eh- Pano na ba yan, mauna na ako-" sabi niya at naglakad na siya palayo.

Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan si Grey na naglalakad palayo. Gusto kong sabihin ang totoo kong nararamdaman pero wala akong ibang nagawa kundi ang tumitig lang kay Grey habang unti-unti siyang naglalakad palayo sakin.

"I still love you Grey-" yun yung mga salitang lumabas sa bibig ko nung nawala na si Grey sa paningin ko.

Mga salitang hinding hindi na niya maririnig pa.

My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon