Chapter 9 - The PA and the Suitor

7.6K 265 3
                                    

The PA and the Suitor

Monday.

I woke up at 5:00 a.m. Kailangan ko talagang mag-jogging ngayon. Nagsisimula na naman akong mamutla kaya kailangan ko nang magpa-araw.

Naligo muna ako then nagsuot ako ng jogger pants and sleeveless na muscle shirt bago ako bumaba.

I almost forgot na shift pala ngayon ni Kyle.

Naabutan ko siyang nasa kusina na at patapos na sa pagluluto.

"Good morning! Gigisingin na sana kita kaso nandito ka na. Patapos na ako magluto, upo ka na lang," sabi sakin ni Kyle.

"Si Ate Jasmine?" Tanong ko.

"Bumaba na yun kanina. Magpapalit lang ata," sabi naman niya.

"Okay. Thanks," sabi ko naman.

Tinitigan ko yung mga pagkain na nasa mesa. The usual na mga prito lang naman ang nandun, but may kasama na ngayon na cornflakes at cereals.

"I thought kasi na maganda to isabay na mga cereals kasi medyo oily tong mga niluto ko, ayoko namang masira ang figure mo," sabi ni Kyle sabay lapag ng huling dish na pritong saba.

"Para may pagpiyestahan kang magandang katawan parati," bulong ko naman.

Maya-maya pa ay bumaba na si Ate Jasmine. Nagulat ako dahil naka-jogging attire din siya.

"Oh? You never told me na magjo-jogging ka rin," sabi niya sabay upo.

"Yah. Wala kang trabaho?" Tanong ko naman.

"Wala. Gusto kong tingnan ang first day of work ni Kyle. And so far, he's doing well," sabi ni Ate Jasmine.

I just rolled my eyes. "Hoy, ikaw. Kumain ka na," baling ko kay Kyle.

"Sure ka?"

"Ay ayaw mong kumain? Sabi ko magiging PA kita at hindi part ng pagiging PA mo ang pagsasagawa ng hunger strike. Tapos na ang Holy Week, bugok," sabi ko naman.

"Sorry," sabi naman ni Kyle diretso upo.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nung biglang may pumasok sa sala.

Paglingon ko eh si Grey. May dalang kung ano at naka-jogging attire din.

Biglang nag-apoy ang titig ko.

"Balak ko lang sanang mag-jogging nang matahimik. Pero sa sitwasyon ngayon eh mukhang next to impossible na lang yun," sabi ko nung pumasok na si Grey sa kusina.

"Sorry. Ate Jasmine kasi told me to come," sabi ni Grey sabay upo.

"At kung ganyan at ganyan lang naman ang ugali mo everytime na papasok ka dito sa bahay eh ipapabaklas ko na yan na gate, yang door bell, tsaka yang pinto para wala nang harang sayo," sabi ko pa.

"Sorry ulit. Akala ko kasi welcome na ako rito sa bahay niyo," sabi ni Grey.

"Welcome ka nga pero hindi ibig sabihin na pwede ka nang mag-trespassing," sagot ko.

"Hoy. Tama na yan. Umagang-umaga expired na gatas na agad ang treatment mo. Kung gusto mo, ibang ruta kami ni Grey, then pwede ka na mag-jog mag-isa," sabi ni Ate Jasmine.

"And who told you that I will jog alone? Kyle will go with me. Para san pa pagiging PA niya kung di siya sakin sasama. Kaya maghanda ka na after nito Kyle, bring water and some food," baling ko kay Kyle na biglang lumapad yung ngiti.

"Yes, boss," sabi ni Kyle na di napipigilang mapangiti.

"Hey, Keith-" simula ni Grey pero pinutol ko na siya.

My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon