Janus
"Class, your final exams will be in the first week of February," yun ang mga salitang bumungad samin right after ng unang araw ng pasukan ngayong taon.
"WHAT?!" Sabay-sabay naming reaksyon.
Lahat kami gulat. Pero agad namang nag-explain yung prof namin.
"Its because the remaining weeks of February ay gugugulin niyo sa pagpaplano and research sa gagawin nating community immersion sa March. Isang buong buwan tayo mananatili sa isang barangay in Bicol, at sa isang buwan na yun ay magkakaroon tayo ng charity programs, seminars and workshops para sa mga taong naninirahan dun sa community na pupuntahan natin. Dahil Business Ad students kayo ay dapat makapagbigay kayo ng iba't-ibang ways ng pagkakakitaan sa mga tao dun at kung pano nila mapapalago ang business na yun with respect to the available resources na nasa kapaligiran lang nila. Don't worry, nahati ko na kayo into groups sa mga tasks na gagawin niyo," sabi nung prof namin.
"Meron na tayong groups para sa charity programs, seminars and workshops, budgeting and finance, and technical. Tingnan niyo na lang ang listahan kung saan kayo naka-grupo. Dahil twenty-eight kayo ay may pitong members for each group," dagdag pa nung prof.
"Kung may mga tanong pa kayo, bukas ay ibibigay ko na ang handouts para sa rules and guidelines ng mangyayaring immersion. So hintayin niyo na lang yun. Thank you," sabi pa niya.
Nung napasa na sakin yung listahan ay agad ko namang tiningnan kung saan ang assignment ko.
"Nasa charity program ako," nakangiting sabi sakin ni Kyle.
Charity Program:
Aceres, Rachel P.
Dizon, Xavier C.
Ebrada, Chloe Ann N.
Ebuenga, Kath D.
Iseri, Jian Grey Y.
Kun, Keith Ivan S.
Ramirez, Kyle C. - Committee HeadNapahinga ako ng malalim pagkakita ko sa listahan. Pinasa ko na yung papel kay Grey na nasa tabing table ko lang.
"Thanks-" sabi sakin ni Grey. Tinitigan ko siya ng ilang segundo pero agad naman akong nagbawi ng tingin.
"Uhm-"
Lumingon ako sa kanya. "What?"
" - Kyle- kagrupo pala kita. Sabihan mo na lang ako ng assignment ko-" sabi ni Grey.
Agad naman akong tumingin palayo. Akala ko ako yung kakausapin niya. Sinubsob ko yung mukha ko sa table ko para magtago ng hiya at para magkatinginan silang dalawa.
Grrr.. Tanga tanga ko..
"Sure. Pwede siguro tayo mag-feeding program tsaka mamigay ng mga gamit sa mga bata. Kakausapin ko pa si Madam, kung may suggestions kayo pwede niyong sabihin sakin- Ikaw Keith?"
"Ha?" Baling ko kay Kyle.
"May suggestion ka?" Tanong niya.
"Wala. Kung ano gusto niyo yun na din akin," sabi ko at sumubsob ulit ako sa mesa.
Pakiramdam ko namumula pa rin ako sa pagkapahiya. Inuntog-untog ko pa yung ulo ko sa mesa.
"Argh.. Tanga!" Sabi ko pa habang inuumpog ko yung ulo ko sa table.
"Huy- Keith! Okay ka lang?" Taranta namang tanong ni Kyle sakin.
Agad naman akong nag-angat ng mukha. "A-ayos lang ako-" sabi ko naman sabay tawa.
"Ayos ka lang talaga?" Alanganin na tanong sakin ni Kyle. Medyo natakot na natatawa rin ata siya ng tawa kong timang.
Tumango naman ako.
BINABASA MO ANG
My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]
RomanceIs love really sweeter the second time around? Fiercer. Braver. Bolder. Yan si Keith after two years. At ngayon nga ay muli na siyang nagbalik. Pero sa kanyang pagbabalik, ay kasama na niya rin si Kyle na bigla na lang sumulpot out of nowhere. Sino...