Coincidence
"Mula sa symptoms na pinapakita ng pasyente- he's showing signs of dengue. We'll get a blood sample from him para ma-determine ang blood type niya and hihintayin namin ang resulta ng ilan pang tests niya para makumpirma kung dengue nga ba talaga ang sakit niya. Its good na nadala siya agad dito- but the next 24 hours is crucial to a dengue victim- kaya sa oras na ma-confirm namin ang blood type at ang sakit niya- kung sakaling dengue man- sana ay makahanap na kayo ng blood donor- I will also alert the blood bank here-" sabi nung doktor.
"Thanks po Doc-" sabi ni Ms. Belga.
"Now, if you'll excuse me- may aasikasuhin lang ako-" sabi nung doktor bago ito umalis.
"What exactly happened?" Baling samin ni Ms. Belga.
Si Jared yung sumagot.
"He's helping us pack our things dun sa workshop and- we noticed na mainit siya- he's also complaining of his headache kanina pang tanghali- and kanina- pabalik kami sa dorm he just suddenly collapsed-" sabi ni Jared.
Napalingon ako sa room kung saan pinasok si Grey. Napansin ko na may mga rashes din siya sa katawan niya. May mga nurse na nasa loob kaya di na muna nila kami pinapasok.
"Anyone here ang may contact sa parents ni Jian?" Tanong ni Ms. Belga.
"Uhm- ako po-" sabi ko.
"Good. Please call them and I will talk to them personally-" sabi niya sakin.
"Sige po-" sabi ko bago ako nag-dial ng number ni Tita Jessica.
"Thank you-"
Nung nag-ring na yung phone ay binigay ko na yun kay Ms. Belga.
"Guys- I think uuwi na muna kami- uhm- sino magpapaiwan para bantayan si Grey?" Tanong ni Jared.
"I will-" sabi ni Cristine.
"Tara na Keith-" sabi ni Kyle. Nagsi-alisan na yung mga blockmates namin.
"Yung phone ko- ginagamit pa ni Ms. Belga-" sagot ko.
"I can't see the reason why Grey broke up with me. Ginagawa ko naman ang lahat para sa kanya. Binibigay ko sa kanya ang mga bagay na hindi kayang ibigay sa kanya nung dati niyang mahal. And now that Grey's free again- pakipot pa rin talaga? Ang sarap siguro sa pakiramdam na hinahabol ka ng lalaki ano?" Sabi bigla ni Cristine.
Nagkuyom ako ng palad ko. Tumitig na lang ako sa dingding na kaharap ko.
"Di ko maisip kung bakit habol nang habol si Grey sa taong yun- wala naman siyang mapapala dun- he can't give everything to Grey- because in the very first place- wala naman siyang kayang ibigay-" dagdag pa ni Cristine.
"Just ignore her Keith-" bulong ni Kyle.
Nanginginig na ang buo kong katawan sa inis. Unti unti na rin akong pinangdidiliman ng paningin.
"And there goes the pathetic suitor na habol din ng habol sa kanya. Di'ba niya nare-realize na pinaglalaruan lang sila ng iisang tao? Kung ako sa kanya-"
"KUNG AKO SAYO IPATAHI MO NA YANG BIBIG MONG MALANDI KA!" Galit na galit kong baling kay Cristine.
"Gustong mong ako ang maging rason para magkaron ka ng isang hospital bed dito? Gusto sana kitang respetuhin kasi babae ka pero yang bibig mo na sinapian ng sampung demonyong sanga sanga ang sungay eh nakakairita na! Ano akala mo sakin madadala mo? Porke di ako nagre-react everytime na dumadada ka eh akala mo kaya mo na ako?! Ang hirap sayo, asal kalye ka na, utak aso na, sardinas ka na, malandi ka pang haliparot ka! Sinarili mo lahat ng blessings ni Satanas! Di ka ba nadala ng sampal ni Ate Jasmine? Gusto mong dagdagan ko yung sampal niya?" Galit na galit kong sabi. Hawak hawak na ako ni Kyle sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]
RomanceIs love really sweeter the second time around? Fiercer. Braver. Bolder. Yan si Keith after two years. At ngayon nga ay muli na siyang nagbalik. Pero sa kanyang pagbabalik, ay kasama na niya rin si Kyle na bigla na lang sumulpot out of nowhere. Sino...