Kidnap
Umiikot pa yung paningin ko nung nagising ako. Saka ko lang narealize na nakagapos pala yung kamay at paa ko. May nakatakip pa na panyo sa bibig ko. Nakahiga rin ako sa sahig.
Tumingin ako sa paligid at napansin ko na nasa loob ako ng isang abandonadong building. Walang mga tao sa paligid kaya sinubukan kong tanggalin ang pagkakagapos ko at yung tali ko sa bibig.
"Wag ka nang magsayang ng oras dahil di naman yan matatanggal na gapos mo," biglang sabi ng isang boses. Kasunod nun ay nakarinig ako ng mga paang papalapit sakin.
Nakita ko na naman yung tatlong kumuha sakin kanina.
Gusto ko sumigaw pero walang salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa nakataling panyo sa bibig ko.
"Pati pala lalaki pinapatulan na rin ni boss," sabi nung isa sabay tawa.
"Ngayon nga lang nagpakidnap si boss ng lalaki eh," sabi naman nung isa.
"Pagkakita ko nga dito kanina akala ko babae. Pero mapagtitiisan na rin to oh, talo pa GF ko sa puti at kinis ng balat," sabi nung isa na titig na titig sakin.
"Don't tell me papatulan mo yan?" Natatawang sabi nung isang lalaki.
"Wala pa naman si boss ah. Tsaka mukhang masarap naman to, labanos," sagot naman nung lalaki.
Tinitigan ko sila ng matalim.
"Tingnan nga natin kung may ibubuga rin to," sabi nung lalaki sabay lapit sakin.
Iniwas ko yung katawan ko pero hinablot ako nung lalaki. Kinalagan niya ako sa paa.
"Don't try to move. Masasaktan ka," sabi niya sabay tutok sakin ng kutsilyong hawak niya.
Bumaling yung kamay niya sa crotch ng pants ko. Dun na ko pumalag at sinipa ko na siya.
"Gago ka pala eh! Lalaban ka?!" Sabi niya at sinapak niya ako. Tinutok niya yung kutsilyo sa leeg ko kaya di na ko gumalaw.
Wala na akong nagawa nung binuksan nung lalaki yung zipper ng pants ko. Linaslas pa niya ng kutsilyo yung pants ko sabay hablot dun. Buti na lang at may suot pa akong boxers.
"Sh*t tol, labanos nga," sabi nung lalaki na titig na titig sa binti ko.
"Talo pa talaga GF ko. Sayang nito't naging lalaki," sabi nung isa pa.
"Pwede na yan. Tsaka wala pa naman si boss. Mapagtitiisan na to," sabi pa nung isa.
Bigla akong kinabahan sa sinabi nila. Lumapit sakin yung lalaki at tinanggal yung panyo sa bibig ko.
"Mga hayop kayo! Anong gagawin niyo sakin?! Pakawalan niyo 'ko! Tulong!" Sigaw ko naman agad pagkatanggal sa panyo sa bibig ko.
"Wag ka nang mag-ingay kasi wala namang makakarinig sayo dito," sabi nung lalaki.
"Wait, bro, parang kilala ko yan ah," sabi nung isang lalaki na napatitig sakin bigla.
Tinitigan ko sila ng matalim.
"He's the Keith Ivan Kun. An international model. I saw him in a magazine. Kakalipat lang niyan sa school ni boss," biglang sabi nung lalaki.
"Big shot pala tong pinahuli ni boss ah," sabi naman nung isa.
"Alam ko na si Lance ang may pakana nito. Makawala lang ako dito't malilintikan kayo sakin!" Sigaw ko.
"Woah. Palaban. I'm sorry kung wala kaming sasabihin sayo. Tsaka wag ka nang manlaban. Masasaktan ka lang at mahihirapan," sabi niya at pinadaanan niya ng kamay niya yung binti ko na agad ko namang iniwas.
BINABASA MO ANG
My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]
Storie d'amoreIs love really sweeter the second time around? Fiercer. Braver. Bolder. Yan si Keith after two years. At ngayon nga ay muli na siyang nagbalik. Pero sa kanyang pagbabalik, ay kasama na niya rin si Kyle na bigla na lang sumulpot out of nowhere. Sino...