Old Times
Grey's P.O.V.
"Grey! Bitawan mo nga ako!" Muffled na sabi ni Keith habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko sa kanya.
"Di kita bibitawan hangga't di ka magpa-promise na di ka na tatakbo palayo sakin," sabi ko naman.
"Okay fine! Bitawan mo na ako," sabi niya.
Saka ko lang niluwagan yung pagkakahawak ko sa kanya.
"Masaya ka na? Di na ko tatakbo!" Irita niyang sabi habang inaayos yung sarili niya.
Tinitigan ko lang siya.
"Ba't mo ba ako iniiwasan?" Tanong ko naman sabay upo sa gilid ng kalsada.
Hindi agad sumagot si Keith. Tumingin muna siya palayo bago siya nagsalita.
"N-nahihiya lang ako," sabi naman niya na nakatitig sa sapatos niya.
Napangiti naman ako.
"Nahiya ka pa talaga? Di ko alam kung anong topak ang meron ka," sabi ko naman na tumatawa.
Ngumiti naman ng konti si Keith.
Tumitig ako sa mukha niya. As usual, nadala na naman ako ng ngiti niya.
"Na-miss kita," sabi ko bigla.
Dun nagulat at namula bigla si Keith. Nanatili lang siyang nakatitig sa sapatos niya habang pilit na tinatago yung mukha niya.
"Uhm- well- t-thanks," sabi naman ni Keith.
Tsk.. Mahiyain pa rin.
"Ikaw, na-miss mo ba ko?" Tanong ko naman na nakatitig sa kanya.
Kung sa papulahan man lang ng mukha eh wala nang tatalo pa sa pagkapula ni Keith. For a fraction of a second eh tumitig lang siya sa sakin bago siya ulit bumaling sa sapatos niya.
"Uhm-of- of course," sabi niya na halos bulong na lang.
"Kumusta buhay mo sa Japan?" Tanong ko pa.
"Its fine. Wala namang something unusual na nangyari," sabi niya na di pa rin sakin makatingin ng diretso.
"Model ka na pala dun," sabi ko pa.
"Uhm- yeah- but di ko naman ginusto yun. I became a model by accident and yun nga, nag-click naman sa mga tao yung modeling ko," sabi pa ni Keith.
"Sinundan ka raw dun ni Kyle?" Tanong ko pa.
Medyo natigilan si Keith.
"Y-yes... but we're-f-friends," sabi niya.
"Is he courting you?" Tanong ko pa.
Tumitig ulit palayo si Keith.
"Yes."
Huminga naman ako ng malalim. "Good. At least dagdag challenge na naman sakin."
Inayos naman ni Keith yung jacket na suot niya. "Sinabihan ko na siya na hanggang kaibigan lang talaga kami but mapilit siya kaya hinayaan ko na lang. And I said that I don't- love him- because- because-"
"Because?" Tanong ko na nakataas ang kilay.
"Ikaw yung mahal ko," sabi ni Keith na kulang na lang eh magpalamon sa lupa.
Napangiti na lang ako. Akala ko pa naman ang laki na ng pinagbago niya. But he was the very same Keith na nakilala ko. Yung hirap na hirap sabihin ang feelings niya, mahiyain, at super inosente tingnan.
Akala ko in love na ako kay Keith. Pero di ko akalain na sa muli naming pagkikita, eh mas lalo pang lumalim yung nararamdaman ko para sa kanya.
Then bigla akong nakarinig ng kulo ng tiyan. Nagtaas ako ng mukha kay Keith. Nakita ko siya na nakahawak sa tiyan niya.
BINABASA MO ANG
My Stubborn Suitor [CtLY Part 2]
RomanceIs love really sweeter the second time around? Fiercer. Braver. Bolder. Yan si Keith after two years. At ngayon nga ay muli na siyang nagbalik. Pero sa kanyang pagbabalik, ay kasama na niya rin si Kyle na bigla na lang sumulpot out of nowhere. Sino...