Chapter 15: Bring Me

16.2K 626 20
                                    

* CHAPTER FIFTEEN: BRING ME *

Michelle Sebastian Point of View

Woooo!! Success nakatakas din ako sa milyones na lalaki ng school. Kaloka ang ganda ko talaga hinahabol ako ng mga kalalakihan ng school.

Kasi naman e, kung sino man yung taong nilista yung name ko sa 'Bring Me' mapapatay ko talaga nakakaloka.

Kanina nakita ko sila Ella at Aki na-jail booth ata tapos nabalitaan ko si Mir at Nikki nag-apple game. Then si Aphro naman di ko makita aba malay ko ba sa babaeng yun.

Matapos ako kaladkarin kanina di ko na siya nakita buti na nga lang nakatakas ako. Ganda ko kasi e.

 

" Nakakapagod na tumakbo. Kasi naman e di ba pwedeng Time-Out muna kami nakakahingal kaya tumakbo "

Para na kong baliw dito sa music room, nagsasalita na ako mag-isa. Buti na nga lang at naka-takas ako sa mga kalalakihang iyon. Grabe haggard!!

" Pwede ba kung mag-iingay ka wag dito sa music room kitang may natutulog "

" ANAKNGTIPAKLONG!! -- Ano ka ba naman Loui papatayin mo ba ko sa gulat?! " sabi ko habang hawak ang dibdib. Kaw ba naman gulatin.

Tapos ang tahimik pa naman dito sa music room bigla-bigla siyang nagsasalita diyan para tuloy may mumu.

" Ano ba kasing ginagawa mo dito ha ? " tanong niya pero nakapikit pa rin. Nakahiga siya dun sa mini stage saka nakatakip yung kanang braso sa mata niya. Tapos ang ginawa niyang unan ay yung bag niya.

" Paki mo ba ha? Pag-aari mo ba to? " naka-pameywang na sabi ko sa kaniya. As if namang nakikita niya ko.

" May paki ako kasi tao ako " pilosopong sabi nito

" Ay! Tao ka pala? Ngayon ko lang nalaman yun a! Kailan pa? Di ata ako updated na nag-evolve ka na "

The Pretty VS The HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon