* CHAPTER FORTY THREE: PICTURE *
NOTE: BASAHIN MUNA ANG AUTHORS NOTE BAGO BASAHIN ANG CHAPTER NA ITO!!!!
Ngayon palang sasabihin ko na sa inyo na maikli lang ang chapter na to.Walang magrereklamo please lang! Ilang araw akong hindi nakapag-update kasi nawalan kami ng internet connection sa hindi ko malamang kadahilanan. So para makapag-update pinaloadan ko yung smart bro at dahil dun may update na ngayon kaya naman mag thank you kayo kay smart bro. By the way may story na po pala si Atalanta yung pinsan nila Aphro at Mir ang title ay 'Meant to be' pakihanap nalang po sa profile ko. Yun lang naman ang sasabihin ko. God bless to all!
Mikaella Marquez Point of View
Gising ang diwa ko pero feeling ko tulog na tulog parin ang katawan ko. Ni umupo nga hindi ko man lamang magawa. Kasi naman kasalanan to ni Aki. Hindi niya talaga ko pinatulog hanggat hindi ko kinukwento ang buong nangyari sakin kahapon.
Ang drama niya talaga. Akala mo naman naabuso ako ng sobra sa section na napuntahan ko. Mas malala pa nga yung section na napuntahan niya. Saka kasama ko naman si Nikki doon kaya naman ok lang ako.
Ang inaalala ko nga si Mich dahil nasa last section siya napunta tapos wala man lang siyang kasama ni isa. Nakalimutan ko pala siyang tawagan. Mamaya nalang. Kailangan ko na kasi talagang bumangon ngayon kung hindi malalate na ko sa klase ko.
Umupo ako sa pagkakahiga at dahan-dahang minulat ang mga mata ko at kinusot kusot yun para naman luminaw linaw yung paningin ko. Patayo na ko ng mag-ring yung phone ko. Malamang si Aki yan.
At hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko ang pangalan ni Aki sa screen. Ano na naman kayang kailangan nito? Ang aga-aga. Umupo muna ako sa kama bago sagutin ang tawag ng lalaking to.
" Bakit? " bungad ko agad sa kaniya.
" Grabe wala man lang good morning babe? 'Bakit' talaga agad? " pagrereklamo niya. Ano na naman kayang hinihimutok ng lalaking to?
" E bakit ka nga ba kasi napatawag ha? "
Tumikhim muna siya bago magsalita. " Sasabihin ko lang naman na hindi kita masusundo ngayon. "
" Ha? Bakit? Hindi ka ba papasok ngayon? Bakit? May sakit ka? Ayos ka lang ba? " sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
" Papasok ako at wala akong sakit. Hindi lang kita masusundo kasi may gagawin pa ko. " gagawin?
" Ano namang gagawin mo? At gaano ba yan kahalaga para hindi mo ko sunduin? " kasi naman sinong maghahatid sakin?
" Sobrang mahalaga. Sige mamaya nalang tayo mag-usap. Bye! "
BINABASA MO ANG
The Pretty VS The Handsome
Teen FictionWhat if magkatagpo-tagpo ang mga kabataang ayaw sa isa't isa o kung baga COMPLETE OPPOSITE ang kanilang mga pag uugali! magkakaroon kaya ng LOVE sa pagitan ng WAR? Story by: VCaynn Remember: Plagiarism is a Crime