* CHAPTER FORTY: WADE *
AN: Maikli lang ang update, pasensya na po.
Michelle Sebastian Point of View
" Baby Elle kamusta naman ang klase mo? " tanong agad ni mommy pagkauwi ko.
Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya. " Ok naman po mommy mababait naman po ang mga kaklase ko. " sana hindi ako mahuling nagsisinungaling. Oo nagsisinungaling lang akong mababait sila.
Lintik na! Alam niyo bang ni hindi man lang ako makapagbasa ng libro ng maayos dahil sa ingay nila. Tapos binabastos pa nila yung mga teacher palibhasa yung iba kasi mga repeater. Buti na nga lang hindi ako nabastos dun kanina. Sabagay paano nga ba naman ako mababastos dun e halos lahat ng mga kalalakihan dun may gusto sakin.
Kasi ba naman pagpasok ko palang nagpapicture na agad yung iba. Tapos yung iba nagpapacute pa. Kaya naman medyo ok naman yung first day ko dun sa section na yun. Well nagkaroon lang naman ako ng problema dun sa ibang babaeng nandun. Kasi naman kung makataray sakin akala mo papatayin na ko ng mga pagtitig at pag-irap nila sakin. Mahirap talaga pag maganda.
" Ganun ba? O sige magbihis ka na at kakain na tayo matatapos na rin yung niluluto ko. " tinanguhan ko nalang si mommy at nag-umpisa na kong umakyat sa kwarto ko. Grabe nakakapagod. First day ko palang ng klase pero parang nasa kalagitnaan na ko sa sobrang pagod.
Nang makarating ako ng kwarto ay binaba ko ang bag ko sa kama at nag-umpisa ng magbihis. Sakto naman ng matapos akong magbihis ay tinawag ako ni mommy na bumaba na raw para kumain. Agad ko namang nilagay ang mga pinagbihisan ko sa basket at bumaba na papuntang kusina.
Pagdating ko ng kusina ay nakita kong inaayos na ni mommy yung mga plato sa mesa at si dad naman ay nagsandok ng kanin at nilagay sa malaking plato. Tapos inilagay niya dun sa may gitna ng mesa. Tumingin ako kay mommy at daddy na sobrang sweet. Kasi imagine kahit yung napakagaang na mga kutsara't tinidor kukunin pa ni dad sa kamay ni mom para siya ang maglagay sa hapag.
Umiwas nalang ako ng tingin sa kanila at naupo sa upuan ko. Baka kasi pag tinitigan ko pa sila mas lalo akong mainggit sa kanilang dalawa. Nang matapos ng ayusin ang mga pagkain sa mesa ay nag-umpisa na rin kaming kumain.
Habang kumakain ay biglang nagsalita si daddy. " Michelle naaalala mo pa ba si Wade? " bigla namang kumunot ang noo ko sa tanong ni dad. Wala kasi akong maalalang may kilala akong Wade.
" Wala dad, bakit po? Sino po ba yun? "
Uminom muna ng tubig si dad bago ako muling sagutin. " Siya yung kapitbahay natin dati. Yung nakatira diyan sa harap natin dati. " nakatira sa harap namin? Parang wala naman ata akong—
" Si bungi?! " nanlalaking matang tanong ko kay dad. Si bungi lang kasi yung naaalala kong wade ang pangalan na kapitbahay namin.
Natawa naman sina mommy at daddy sa sinabi ko. " Oo anak pero alam ko hindi na siya bungi. " natatawang sagot ni mommy.
BINABASA MO ANG
The Pretty VS The Handsome
Teen FictionWhat if magkatagpo-tagpo ang mga kabataang ayaw sa isa't isa o kung baga COMPLETE OPPOSITE ang kanilang mga pag uugali! magkakaroon kaya ng LOVE sa pagitan ng WAR? Story by: VCaynn Remember: Plagiarism is a Crime