Chapter 37: The Truth

10.3K 407 32
                                    

* CHAPTER THIRTY SEVEN: THE TRUTH *


Michelle Sebastian Point of View


Nilukot ko sa kamay ko ang sulat bago yun ibato sa loob ng kahon kasama ng sobre. Sa tuwing naaalala ko yung mga panahon na yun. Napapaiyak nalang ako bigla.


**


Tuwang-tuwa ako dahil nakatanggap ako ng sulat mula sa committee na isa raw ako sa magiging pretty at ang nakakatuwa pa dahil ako daw ang 1st pretty. Ang Pretty ay parang student council pero iba ang ginagawa nila sa mga student council.


Pag naging isang Pretty ka o Handsome na counterpart ng Pretty dapat maging isa kang good example sa mga estudyante sa paaralan. Dapat ikaw ay laging gumagawa ng maganda. Lalo na pag 1st pretty at handsome ka. Kasi dapat maging role model ka sa lahat. At ibig sabihin lang nun na ikaw ang pinaka magandang role model sa lahat ng babae/lalaki sa school.


Pumunta agad ako ng room at nakita ko si Ella at Nikki na may hawak din na sobre. Mabilis akong lumapit sa kanila. " Nakatanggap din kayo? " tuwang-tuwa pa ko ng sinabi ko yun.


Tumingin sakin si Nikki at nginitian ako. Yep! Close na kami. " Oo. Pang-ilan ka? Ako third si Ella naman second. Ikaw? "


" First. " mahina lang ang pagkakasabi ko nun pero kung makatili si Nikki wagas.


" Tara! Mag-party tayo. Alam ko si Ivy din may nakuhang sobre. " hinila kami ni Nikki palabas ng room at kinaladkad niya kami papuntang Music Room yun kasi yung tambayan ni Ivy lagi.


Pagdating naming dun ay nahinto kami dahil sa isang taong sumisigaw sa loob. At boses palang alam na naming si Ivy yun. Pipihitin ko na dapat ang pinto ng pigilan ako ni Ella. Tiningnan ko siya at tinanong kung bakit pero umiling lang siya sakin.


Sasabat pa sana ako kung bakit ayaw niyang pasukin ko si Ivy dun sa loob ng marinig uli naming magsalita si Ivy.


" Ako dapat yun! Ako dapat yung first! Ako dapat yun Loui! Ako! " sumisigaw siya pero maririnig mo pa rin sa boses niyang umiiyak siya. Bakit siya umiiyak?


" Ivy pwede ba makuntento ka nalang—" hindi na natapos ni Loui yung dapat niyang sasabihin dahil sumigaw nanaman si Ivy.


" Anong makuntento? T*ngina Loui alam mo namang matagal ko ng pangarap yun diba? Diba alam mo yun? "


" Oo Ivy alam ko pero malay mo naman sa susunod na taon ikaw na yung first—" hindi nanaman pinatapos ni Ivy yung pagsasalita ni Loui.


" Ayokong sa susunod pa! Gusto ko ngayon na! Gusto ngayon na Loui! " hindi ko naintindihan yung sinagot ni Loui dahil bigla nalang umalis si Ella.

The Pretty VS The HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon