Chapter 50: Solo Time

9K 299 9
                                    


* CHAPTER FIFTY: SOLO TIME *

(WARNING: SHORT UPDATE)


Aphrodite Anica Domingo Point of View


" Ang boring. " sabi ko habang nakikipagtitigan sa butiking nasa kisame. Kakatapos lang ng klase at nandito na kami ngayon sa dorm. Akala ko masaya kapag nakabalik na kami ulit dito yun pala hindi.


Paano ba naman kasi wala naman kaming ginagawa dito sa loob. Si Ella ayun nagbabasa na naman ng libro, si Nikki naman kanina pa busy sa paglilinis ng mga kuko niya sa kamay at paa tapos itong si Mich natutulog na. Tsk naghihilik pa nga e.


Binaba ni Nikki yung hawak niyang nail polish tapos tumingin sakin. " Sinabi mo pa. Hindi ko na nga alam kung ilang nail polish pa ba ang ilalagay ko sa kuko ko sa sobrang boring. " naiiling na sabi nito.


Kanina pa kasi ni Nikki kinunkukot yung mga kuko niya tapos pag naglagay siya ng isang color ng nail polish sa kuko niya at nakita niyang maganda pipicturan niya yun tapos buburahin din gamit ng acetone tapos maglalagay uli ng bagong kulay. Masisira kuko niya diyan.


Napatingin ako kay Ella ng bigla siyang tumayo. " Saan ka pupunta? " nakakunot ang noong tanong ko rito. Gabi na tapos lalabas pa siya.


" Sa CR sama ka? " napangiwi naman ako, sa CR lang pala.


" Hindi wag na ikaw nalang. " pagkasabi ko nun ay dumiretso na si Ella sa CR tapos bumalik naman ako sa pagtitig sa kisame iniisip kung kailan yun babagsak.


Pabalik na si Ella sa kama niya ng mahinto siya dahil sa pagtayo ni Mich. Kahit ako bigla akong napalingon sa kaniya dahil sa pagtayo niya. Pati nga rin si Nikki natigil sa paglalagay ng nail polish dahil kay Mich.


Naghintay kami ng ilang minuto pero nakatayo lang si Mich dun sa harap ng kama niya which is sa harap kaharapan lang ng kama ko. Napatuwid ako ng upo ng buksan niya yung mga mata niya. Nakaharap kasi siya sakin.


" M-mich ayos ka lang? " tanong ko ng hindi pa rin siya nagsasalita. Si Nikki at Ella nakatigil pa rin sa kinalalagyan nila.


Lahat kami napabuntong-hininga ng mag-unat si Mich. Napaka-weird talaga ng babaeng to. Pagkaunat niya ay naupo siya uli sa kama niya at tinignan si Ella na nasa tabi niya na nagtatakang nakatingin sa kaniya.


" Itsura mo? " sabi niya kay Ella.


Umirap naman sa kaniya si Ella at kinuha nalang yung libro niya at nagbasa uli. Ganun din ang ginawa ni Nikki pinagpatuloy nalang niya yung paglalagay ng nail polish sa kuko niya. Ako naman nahiga nalang ulit at nakipagtitigan sa kisame.


Kailan ka ba kasi babagsak Mr.Kisame? Wait! Mister ba siya o Miss ay ewan basta lalaki siya. Mr. Kisame bumagsak ka na at mahulog kay Mich. Pleaseeee! Pakigising ng autistic niyang katauhan.

The Pretty VS The HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon