* CHAPTER TWENTY FIVE: START OVER AGAIN *
Mikaella Marquez Point of View
Tumayo na ko at nag-umpisang maglakad ng may tumawag sakin.
" Mikmik!! " nilingon ko si aki na nagtatakbo papalapit sakin. Nasaan na yung babae niya?
" Anong kailangan mo? " tanong ko ng makalapit siya.
" Kanina pa kasi kita hinahanap. " hinihingal na sabi ni aki.
" Bakit? " nakataas ang kilay na tanong ko dito.
" May ipapakita kasi ako sayo. Tara! " sabi niya saka ko hinila pero hinigit ko yung braso ko sa pagkakahawak niya.
" Ano ba?! Bakit di ka dun sa babae mo magpasama! " sigaw ko sa kaniya. Nakakairita kaya kanina yung babaeng yun yung kausap niya tapos ngayon naman ako!
" Ha? Ano bang pinagsasabi... Wait!! Nagseselos ka ba? " tanong niya ng nakangisi pa. Kasi naman ella yung bibig mo masyadong padalos-dalos.
" A-ano? Hindi no. " sabi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.
" Sus! Ikaw talaga mik nagseselos ka pa e may asawa na yung si bea. " so bea pala pangalan ng babaeng yun. Ipapahunting ko nga yun.
" Paki ko kung anong pangalan niya! " sigaw ko sa kaniya.
" Kunyari ka pa pero deep inside nagseselos ka. Tara na nga may ipapakita ako sayo. " sabi niya saka hinila nanaman ako.
" Teka nga aki saan mo ba ko dadalhin ha? "
" Wag ka nalang magsalita diyan sumunod ka nalang sakin. " utos niya. Ok edi sumunod!
Habang naglalakad kami ni aki sa tabing dagat nakikita kong papaunti ng papaunti yung mga taong nadadaanan namin. Saan ba kasi talaga ko dadalhin ng halimaw na to? Tingin lang ako ng tingin sa paligid ng " OUCH! Bakit ka ba kasi huminto? " sigaw ko sabay hampas sa likod niya ang sakit ng ilong ko napirat na ata sa lakas ng pagkakaumpog ng mukha ko sa likod niya.
" Hala mik ayos ka lang ba? " nag-aalalang tanong nito sakin.
" Mukha ba kong ayos ha? Ang sakit kaya ng ilong ko! " sigaw ko sa kaniya.
" Sorry na, ikaw naman kasi di ka nag-iingat. "
" At ako pa talaga ang di nag-iingat e ikaw nga tong nanghihila sakin dito! "
" Kalma lang ok? Sorry na, ipapakita ko kasi sayo to. " sabi niya saka tumuro sa isang lugar.
BINABASA MO ANG
The Pretty VS The Handsome
Teen FictionWhat if magkatagpo-tagpo ang mga kabataang ayaw sa isa't isa o kung baga COMPLETE OPPOSITE ang kanilang mga pag uugali! magkakaroon kaya ng LOVE sa pagitan ng WAR? Story by: VCaynn Remember: Plagiarism is a Crime