Chapter 53: Mister Ratty

10.5K 347 18
                                    



* CHAPTER FIFTY THREE: MISTER RATTY *

AN: Dedicated kay hyungehn  ikaw lang kasi yung bukod tanging bumoto ng 'B' wala lang naaliw lang ako sa sagot mo. 


Michelle Sebastian Point of View


" Michelle ano ba talagang problema natin at hindi mo ko pinapansin? May nagawa ba ko na hindi mo nagustuhan? " tanong niya pero hindi ko uli siya pinansin at nagpatuloy nalang uli sa paghahanap kay mister daga.


Kanina pa ko nandito sa harap ng basurahan ng school pero hindi ko parin siya nakikita, nako baka nga napasama na yun sa truck ng basura sana naman hindi. Gamit ang dalawang stick ay hinalungkay ko uli yung mga basura. Grabe naman ang baho-baho mamaya maliligo talaga ko ng alcohol.


Nang matapos kong halughugin ang isang drum ng basura ay napabuntong hininga ako at tumingin sa mga katabi pa nitong drum. Haay kanina pa ko nandito pero pangalawa ko palang to. Matapos ko kaya ang dalawanpu't pitong drum ng basura sa campus sa loob ng isang araw?


Kasi naman si mister daga hindi ako pinapatulog lagi ko nalang siyang napapanaginipan. Una makakapanaginip ako ng masaya pero ang ending dun parin sa ipapaubaya ako ni Louis kay mister daga kaya naman hindi ko siya pinapansin.


Kasi naman siya naman ang may kasalanan nito pero ano?! Ako ang pinagmumultuhan dapat siya kasi siya naman ang nagtapon at hindi ako. Nananahimik ako tapos ako ang guguluhin. Yan tuloy hindi na ko makapasok dun sa CR namin sa dorm. Kasalanan tong lahat ni Loui!


Ako ang nagdudusa sa lahat ng mga kasalanan niya. Nakakapasok pa naman ako ng CR namin sa dorm pero dapat bukas ang pinto at may harang para hindi masara. Kapag maliligo ako maglalagay muna ako ng tuwalya dun sa may siwang ng pinto syempre ayoko namang pagpantasyahan nila ko no. Baka mamaya hindi ko alam tibo pala sila lalo na yang si Nikki. Akala mo pa-girl yun pala disguise niya lang yun.


Kapag naman gabi at naiihi ako. Gigisingin ko pa si Ella para lang bantayan ako at maka-ihi ako ng maayos kasi naman baka mamaya nandun pala yung daga. Pero one time wala si Ella kasi reunion na pamilya nila edi kay Aphro nalang sana ako magpapabantay kaso lang hindi ko naman siya magising at dahil puputok na ang pantog ko no choice ako kundi si Nikki nalang ang ginising ko at salamat naman dahil nagising siya.


Edi ayun nga nag-CR na ko. Tapos ipinahawak ko kay Nikki yung doorknob para hindi masara saka ihing-ihi na ko para kunin yung pang-harang ko sa pinto. Ok naman na sana ang lahat kaso lang nung nasa kalagitnaan ako ng pag-ihi ay bigla nalang bumukas ng pagkalaki-laki yung pinto at nakita ko si Nikki na nakapikit habang hawak yung doorknob.


Sa sobrang gulat at takot ko ay napaihi ako ng mabilis at ng matapos ako ay dahan-dahan akong lumabas ng banyo at nahiga sa kama. Hinayaan ko si Nikiki na nakatayo dun. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw nay un. Dahil yun ang araw na binosohan ako ni Nikki. Magbabayad siya! Iisip ako ng plano para makapagbayad siya.


Naputol ako sa pagbabalik tanaw sa mga nangyari sakin nung nakaraan ng magsalita nanaman ang lalaking to na kanina pa ko sinusundan. Alam ko naman na maganda ako at habulin ng lalaki pero pwede ba! Wag niya kong sundan dahil naiinis ako sa kaniya. I hate him from the moon to the sun back to the earth!

The Pretty VS The HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon