* CHAPTER THIRTY ONE: PROTECTIVE BROTHER *
Aphrodite Anica Domingo Point of View
Kanina pa ko tunganga dito sa bahay. Hindi ko kasi alam kung saan yung park na sinasabi ni Zeus. Bahala siya diyan pag hindi niya ko sinundo dito sa bahay, edi tunganga siya dun. Ililigpit ko na yung mga notebook ko ng walang babalang pumasok sa kwarto ko si ... Wait! Nasabi ko na ba inyong may kuya ako? Well kung hindi pa, ngayon sasabihin ko na may kuya po ako. His name is Dwaine Domingo.
" Naka-kunot noo mo diyan Kuya Dwaine? " tanong ko ng dire-diretso siyang lumapit sakin.
Hinawakan niya ko sa braso at hinila patayo kaya naman nagulat ako. " Bakit ba kuya? " hindi ako galit, nagtatanong lang. Hindi rin naman kasi masakit yung paghila ni kuya.
" Sino yung lalaki sa labas? " sagot ni kuya sa tanong ko.
" Sinong lalaki? " nag-isip naman ako. Sino namang lalaki ang nasa labas? Si Mang Lito?
Tiningnan naman ako uli ng masama ni kuya. " Nagdadahilan ka pa. Diba sabi ko wag ka munang magpapaligaw. " ligaw? Ni hindi ko nga alam kung sinong Poncio Pilato yang nasa labas.
" Hala si Kuya Dwaine parang timang! Sino ba kasi yung nasa labas? Saka pwede ba kuya, wala akong manliligaw. Takot ko lang sayo. " yes totoo yun. Isa sa mga dahilan kung ba't di pa ako nagpapaligaw ay dahil kay Kuya Dwaine at isama mo narin yung magaling kong kakambal.
Kasi naman kung makabakod sakin akala mo naman isa akong diamond na mananakaw kapag iniwan. Isang beses nga nung may nanligaw sakin nung elementary ako binantaan nila kuya na ipapa-salvage siya pag pinagpatuloy niya yung panliligaw sakin.
Pero syempre di naman siya ganun katanga para maniwala sa mga kapatid ko. Pero kawawa nalang siya kasi pagkalipas lang ng ilang araw umalis rin siya ng school. Nalaman ko nalang na binugbog daw kasi siya ni mir. Dahilan niya? Wala ang pangit daw kasi. See! Napaka-OA lang talaga ng mga kapatid ko.
" Nakikinig ka ba sakin Anica? " ANICA, tatlong tao lang ang tumatawag sakin niyan si Kuya Dwaine, si Mommy at si Daddy. Si Ate Athena kasi at Mir, Aphro na ang tawag sa akin baduy daw kasi ng Anica.
" Ano uli yun kuya? " bumuntong hininga na lamang si kuya na parang naasar ata sakin kasi di ako nakikinig sa mga sinasabi niya, kung mayroon man.
" Bumaba na nga lang tayo. " sabi lang ni kuya at sabay na kaming lumabas ng kwarto ko.
Pagpunta namin ng sala nakita ko agad yung tinutukoy na lalaki ni kuya na prenteng nakaupo sa may sofa namin.
" Umayos ka ng upo. " agad namang napalingon samin si Zeus -oo si zeus ang siraulong lalaking pinaghihinalaan ni kuya na manliligaw ko.- at napaupo ng maayos ng marinig niya yung seryosong boses ni Kuya Dwaine.
Umupo na kami ni Kuya Dwaine dun sa sofa na kaharap kay Zeus. Pagkaupo palang namin ay tinanong agad ni Kuya Dwaine si Zeus.
BINABASA MO ANG
The Pretty VS The Handsome
Teen FictionWhat if magkatagpo-tagpo ang mga kabataang ayaw sa isa't isa o kung baga COMPLETE OPPOSITE ang kanilang mga pag uugali! magkakaroon kaya ng LOVE sa pagitan ng WAR? Story by: VCaynn Remember: Plagiarism is a Crime