Chapter 38: Mall

12.9K 373 28
                                    


* CHAPTER THIRTY EIGHT: MALL*


Nikkita Fortalejo Point of View


'Papunta na ko sandali nalang.' Iyan yung text na natanggap ko kay Mir. Sasamahan niya daw kasi akong bumili ng sapatos para bukas. Well pasukan na kasi bukas kaya kailangan may masusuot akong sapatos. Yung sapatos ko nung nakaraan hindi ko na alam kung saan tinago ni mommy. Ok lang hindi ko na rin naman susuotin yun.


Nanonood ako ng TV ng marinig kong may bumusina sa labas for sure si Mir na yun. Agad akong tumayo at lumabas ng bahay. Nakita ko si Mir na kalalabas lang ng sasakyan. Ang gwapo niya ata ngayon a. Lumapit siya sakin at humalik sa pisngi ko. Lagi niyang ginagawa yan tuwing nagkikita kami.


" Tara na? " tanong niya. Umiling ako at hinila siya papasok ng bahay.


" Maya-maya na di pa ko kumakain. " bigla namang kumunot ang noo niya.


" Mag-aala una na bakit hindi ka pa kumakain? " tanong niya pagkarating naming sa sala. Umupo siya sa sofa at tinutok ang paningin sa TV. Napairap nalang ako. Palibhasa Looney Tunes yung palabas kaya yan ganiyan.


" Diyan ka lang magluluto lang ako para makakain na ko tapos alis na tayo. " hindi niya ko pinansin at tinanguhan niya lang ako. Napailing nalang ako 'para talagang bata'.


Pagdating ko sa kusina nagluto nalang ako ng hotdog para mabilis maluto. Pagkatapos nun ay dumiretso akong sala. Doon nalang ako kakain may mesa naman dun. Pagdating ko ng sofa nandun pa rin si Mir at tutok na tutok sa palabas ang kaibahan nga lang ngayon ay nakahiga na siya.


Umupo ako dun sa single chair at nag-umpisa ng kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagnguya ng magsalita si Mir.


" Sweetheart pag nagkaanak tayo gusto ko Bugs Bunny ang pangalan. " nasamid naman ako sa sinabi niya. Dali-dali siyang lumapit sakin at inabutan ako ng tubig. Agad ko yung inabot at mabilis na ininom. Nung ayos na ko tiningnan ko ng masama si Mir.


" Ano bang pinagsasabi mo ha? " sigaw ko sa kaniya.


" Bakit ayaw mo bang magkaanak? " bigla namang lumungkot yung mukha niya.


" Gusto—"


" Yun naman pala e! " di muna kasi ako pinapatapos.


" Pero ayokong Bugs Bunny ang pangalan ng anak ko pwede ba? " san ka naman kasi nakahanap ng batang ang pangalan ay Bugs Bunny?


Sumimangot naman siya. " Sige Lola nalang. " sinamaan ko uli siya ng tingin kaya naman napayuko nalang siya at tumahimik. Bumalik siya dun sa pwesto niya at nanood nalang uli. Ako naman ay pinagpatuloy yung pagkain ko.


Akala ko tapos na siya sa mga pinagsasabi niya, hindi pa pala. " E kung Daffy nalang? " napahampas nalang ako ng noo ko. Kung ano-anong pinag iisip nitong si Mir.

The Pretty VS The HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon