Chapter 12: The Program

15.7K 656 14
                                    

* CHAPTER TWELVE: THE PROGRAM *

Aphrodite Anica Domingo Point of View 

Secret Admirer sino naman kaya yun? Teka nga-- Ba't ko ba kasi pinoproblema yun bahala siya ,ayaw niya magpakilala. Hmp. Makabalik na nga ng room. 

Di pa ko nakakabalik ng room ng may nanghila sa'kin. Oh no! bata pa po ako! 

" Waaah! Tu-- Hmmmp! " ano ba sino ba to? 

 

" Aphro wag ka maingay baka mahuli tayo " Ha? Mahuli? Sino ba kasi to? at dahil curious ako ay tiningnan ko kung sino ang nagtatakip ng precious lips ko.

" Mich?!-- Hmmmmp " bat ba kailangan pang takpan ang bibig ko.

" Wag kang maingay sabi ok? " at dahil masunurin akong bata ay tumango ako. 

Tapos tinanggal na ni mich yung pagkakatakip niya sa precious lips ko. 

" Ano ba kasing meron ha mich? " sabi ko kay mich ng sobrang hina yung parang pag nilakasan ko mamatay ako parang ganun. 

" Kasi may mga nanghuhuli " Ha? nanghuhuli? 

" Panong nanghuhuli? " kasi di ko talaga siya magets parang pumunta lang ako sa locker room tapos may nanghuhuli na. 

" Nag-umpisa na kasi yung program " Anong connect? Minsan iniisip ko baliw talaga tong si mich 

" Oh? Ano naman ngayon? " Bigla naman napatingin sa'kin si mich na parang gulat na gulat. 

" Sigurado kang di mo alam? Grabe kayo pa naman ang may-ari ng school pero hindi mo alam " sabi ni mich na umiiling-iling pa.  

The Pretty VS The HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon