Chapter 47: Double Date

10.7K 346 19
                                    


* CHAPTER FORTY SEVEN: DOUBLE DATE *


Aphrodite Anica Domingo Point of View


Pauwi na kami ni Mir galing mall ng mag-text sakin si Zeus. 'Hon punta pwede ka ba ngayon?' yun ang nakalagay sa text niya sakin. Mabilis ko naman siyang tinext ng oo. Saan naman kaya kami pupunta ng lalaking to? Pinasok ko na sa bulsa ko yung cellphone baka kasi mamaya makuha pa, mahirap na.


Tumigil si Mir sa paglalakad kaya naman napatigil din ako. " Aphro kain muna kaya tayo? " buti naman at nagtanong din ang lalaking to. Kanina pa ko nagugutom.


" Sige saan? " tanong ko ng mag-vibrate uli yung phone ko.


" Dun sa may second floor may nakita akong Chinese cuisine dun. " sabi ni Mir pero hindi sa kaniya nakatuon ang pansin ko.


'Sa mall pwede ka?' yun kasi ang text sakin ni Zeus kaya napangiti naman agad ako at tinext siya na nasa mall din ako.


Napatingin ako kay Mir ng mag snap siya sa harap ng mukha ko. " Bakit? "


" Anong bakit? Diba nga tinatanong kita kung pwede na sayo dun sa Chinese cuisine nalang tayo kumain? Bakit ba kasi hindi ka nakikinig? " nakakunot na ang noong tanong niya.


" A ganun ba? E kasi Mir hindi na ko makakasama sayo kumain. " nakangiwing sabi ko for sure kasi maiinis to, lalo na't gutom pa naman siya.


" At bakit?! " sabi na e maiinis to.


" Niyaya kasi ako ni Zeus na magkikita kami dito sa mall kaya sa kaniya na ko sasabay kumain. " paliwanag ko dito pero mas lalo lang kumunot ang noo niya.


" Ganun?! Pag si Zeus ang nagsabi o-oo ka nalang agad? Tapos ano? Ako maiiwan mag-isa? Aba naman pala sino ba ang kapatid mo sa aming dalawa? Siya ba? Diba ako? Kaya naman ako ang samahan mo! " demanding na sabi nito kaya ako naman ang napakunot ang noo sa mga pinagsasabi niya.


" Para kang tanga. Ano bang pinagsasabi mo diyan? "


Nagulat naman ako ng ilalag niya sa sahig yung mga shopping bag na pinamili namin para sa birthday ni mommy bukas. " Ganun! Akong kakambal mo tinatanga tanga mo nalang?! Samantalang yang Zeus na yan isang sabi lang sumusunod ka na! Edi sana siya nalang ang ginawa mong kapatid. " ano bang pinaglalaban ng lalaking to?


Pagsasabihan ko na dapat si Mir na manahimik siya kasi nakakahiya siya nandito pa naman kami sa mall at may iilang tao na ring nakatingin samin ng may nambatok sa kaniya sa likod. " Pvtangina! Masakit yun a! " sigaw ni Mir at nakahawak sa ulong humarap dun sa bumatok sa kaniya.


Yung kaninang masamang awra niya ay bigla nalang naging maaliwalas. " O sweetheart nandito ka pala. " napairap nalang ako ng sabihin niya yun. Kung awayin niya ko kanina na inuuna ko si Zeus sa kaniya e siya rin naman inuuna niya si Nikki kaysa sakin. Para talagang sira tong kakambal ko.

The Pretty VS The HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon