* CHAPTER THIRTY THREE: ZEUS CONFESSION *
AN: Maraming typo pasensya na.
Aphrodite Anica Domingo Point of View
Matapos kong ikwento kay Kuya Dwaine at Mir yung mga nangyari sa park ay bigla nalang nagpaalam si Kuya Dwaine na may pupuntahan daw siya which is hindi naman alam kung saan ... o ako lang? Tumayo si mir at nagpuntang kusina ako naman ay binuksan ang TV. At nag-umpisa nanamang mag-play ang Looney Tunes. Di ko nalang tinanggal yung CD dahil nakakatuwa rin namang panoorin to.
Habang nanonood ako ay dumating naman si Mir na galing kusina at naupo sa tabi ko. May dala siyang malaking nutella at isang boteng may lamang juice tapos may kagat-kagat siyang isang balot ng Tasty Bread.
Nilapag niya lahat yun sa coffee table na nasa harapan naming at sinimulan ng buksan ang balot ng tinapay. Kinuha ko naman yung nutella at binuksan tapos sinawsaw ko yung daliri ko sa loob. Pagkasubo ko nun ay hinampas naman ako agad ni Mir ng kutsara.
" Ano ba! " sigaw ko sa kaniya, ang sakit niya kaya mamalo.
Hinablot naman niya sakin yung nutella. " Ang baboy mo naman kasi. " inirapan ko lang siya at kumuha ng tinapay at kinagat agad yun.
" Teka nga! Bakit walang baso? Ano yan tutunggain natin? " sabi ko ng mapansin kong wala siyang dalang baso.
Napakamot naman sa ulo si Mir " Oo nga pala, sabi na may nakakalimutan ako. " sabi nito at tumayo na habang nangangamot pa ng ulo.
Napailing nalang ako at kinuha ang kutsara saka naglagay ng nutella sa tinapay. Tapos kinagat ko yun bago lumingon sa TV kung saan ipinapakita ang pagkairita ni Bugs Bunny sa girlfriend niyang si Lola. Oh well hindi pa naman sila ng mga panahon na yan kakakilala palang nilang dalawa. Sakto namang dumating si Mir na may dalang dalawang baso. Sinalinan niya ng juice yung dalawang baso bago kinuha yung isa saka yun ininuman.
Tumikhim si Mir kaya naman napalingon ako sa kaniya. " Bakit hindi mo muna kinausap si Zeus? " tanong niya sakin habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.
Ako ang unang umiwas kaya tumingin sa TV at kumagat ng tinapay na may palaman na nutella bago sinagot si Mir ng " Bakit pa? Hindi ko naman siya kakulangan. " pagkasabi nun ay nilunok ko naman ang tinapay.
" Malay mo lang naman kasi may paliwanag pala si Zeus. " ano bang pinaglalaban ng lalaking to?
" Wala akong paki kung may paliwanag man siya hindi ko siya kailangan. Mamatay na sana siya isama narin niya yung malanding Vivian na yun. " nanggagalaiti kong sabi.
Napailing-iling naman si Mir sa mga sinabi ko. " Nako kung naririnig ka ngayon ni Daddy sa mga pinagsasabi mo malamang napagalitan na ko nun kasi tinuturuan daw kita ng mga hindi magagandang asal. " sabi niya at mahinang tumawa bago nag-seryoso. " Pero dapat pakinggan mo muna si Zeus—"
BINABASA MO ANG
The Pretty VS The Handsome
Teen FictionWhat if magkatagpo-tagpo ang mga kabataang ayaw sa isa't isa o kung baga COMPLETE OPPOSITE ang kanilang mga pag uugali! magkakaroon kaya ng LOVE sa pagitan ng WAR? Story by: VCaynn Remember: Plagiarism is a Crime